top of page
Search
  • BULGAR

Todo-pray daw para kay Regine, pero yes to ABS-CBN shutdown… NETIZENS KAY JANNO: PLASTIK!

ni Julie Bonifacio - @Winner | July 13, 2020




Tinawag na plastik ng isang netizen ang singer na si Janno Gibbs sa Instagram account ni Asia’s Songbird Regine Velasquez last Friday.


May ipinost kasi si Regine na picture niya sa labas ng gate ng ABS-CBN habang nakatayo at nakalagay sa dibdib ang kanyang kamao.


Sa naturang gate ay may mga nakasabit na mga kulay asul, pula at berde na tela, banderitas at pinagdugtung-dugtong na hugis-pusong papel. Ang asul, pula at berde ay ang mga kulay na makikita sa logo ng Kapamilya Network.


Makikita rin sa likuran ni Regine ang mataas na tower ng ABS-CBN.


Caption ng misis ni Ogie Alcasid sa kanyang IG post, “#proudKapamilya (with red, green and blue hearts plus a crying emojis).”


That same day ay lumabas ang desisyon ng Kongreso na nag-deny para sa bagong prangkisa ng ABS-CBN.


Sa ibaba ng caption ay makikita ang praying hands and red heart emojis na ipinost ni Janno sa comment section ng IG account ni Regine.


Ni-reply-an naman ng IG follower ni Regine ang comment ni Janno.


“@jannolategibbs TALAGA??!! I saw you also liked a post in favor of ABS-CBN shutdown. Bakit ngayon may pa-prayer emoji ka pa?? (three doubting faces),” reply ng may account name na blackdiamondeventmanagement.


Post naman ng netizen na si goyhasi, “@jannolategibbs plastic.”


Matatandaan na dating magkakasama sina Regine, Ogie at Janno sa Sunday afternoon musical show ng GMA-7 noon, ang SOP, na that time ay katapat ng A.S.A.P. ng ABS-CBN.


Pero bago ang shutdown at pagdi-deny ng Kongreso sa prangkisa ng ABS-CBN, magkasama ulit ang mag-asawang Ogie at Regine sa ASAP, habang ilang taon nang na-off-the-air ang SOP.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page