top of page
Search
  • BULGAR

SM Blind Awareness Campaign ginanap sa SM City Tanza, Cavite

ni Fely Ng | May 8, 2023





Hello Bulgarians! Ginanap kamakailan ng SM Cares ang “The Blackout Zone”, tampok ang kanilang pinakatanyag na exhibit kung saan idinesenyo nito ang pagiging bulag o

“simulate blindness” na ginanap sa SM City Tanza.


Dumalo sa naturang paglulunsad sina Engr. Bien Mateo, Senior Vice President ng SM Supermalls, Arch. Jaime Silva ng Philippine Foundation for the Rehabilitation of the Disabled, Inc., Marlo Lucas mula sa Resources for the Blind Inc., at Jayme Marino ng National Council on Disability Affairs.


Naroon din sa event sina Dr. Florencio Costa ng Tanza National Comprehensive High School, Mr. Joebert Guzon ng FEAPITSAT, at Coralyn Perez of Tanza Municipal Social Welfare and Development na kumakatawan kay Mayor Yuri Pacumio. Kalahok din ang mga mag-aaral mula Tanza National Comprehensive High School at ang The Blackout Zone booth sa SM City Tanza.


Ang “The Blackout Zone” ang kauna-unahang exhibit na gumagaya o nag-sisimulate upang magkaroon ng “blind experience” sa Pilipinas na naka-mount sa loob ng mall, nagkaroon ng kakaiba at nakaka-engganyong karanasan ang isang bulag sa paglilibot ng libre sa mall.


Ang mga kalahok ay gagawa ng mga simpleng gawain tulad ng pagtatali ng sapatos, gagawa ng sandwich, magtitimpla ng kape, manonood ng sine ngunit mananatiling bulag panandalian. Sa pagtatapos ng tour, ang mga kalahok ay pupulungin ng blind master, mga kinatawan ng blind community, upang magbahagi ng kanilang personal na karanasan at mga kaalaman upang ang mga hamon ng nabanggit na exhibit ay maging salamin ng pang araw- araw na buhay ng isang taong bulag.


Sa pamamagitan ng ganitong karanasan, ang mga mall-goers, tenants, at mga kawani ay inaanyayahan na magkaroon ng malalim na pang-unawa at pagmamahal sa mga miyembro ng blind community.


Bukas naman sa publiko ang Blackout Zone na matatagpuan sa SM City Tanza mula Abril 24 hanggang Mayo14.


“We at SM Cares firmly believe that empathy and awareness are crucial to enabling a barrier-

free and disability inclusive environment,” sabi ni Mateo. “As such, we humbly

invite everyone to visit ‘The Blackout Zone’ to show solidarity, appreciation, and inspired action to the blind community.”


Kasunod ng matagumpay na “The Blackout Zone” mula sa mga nakaraang pagtatanghal sa SM Southmall at SM City Clark, ang naging kaganapan sa SM City Tanza ang itinuturing na pinakamalaki sa kasalukuyan. Unang inilunsad noong Oktubre nung isang taon, ang “The Blackout Zone” na binisita ng higit 2,000 attendees.


Ang Blackout Zone ang isa sa mga inisyatibo ng SM Cares sa ilalim ng programa nito para sa mga Persons with Disabilities. Ang iba dito ay ang taunang Emergency Preparedness Forum ng mga PWDs at senior citizens; ang taunang Happy Walk for Down Syndrome with the Down

Syndrome Association of the Philippines; at ang annual Angels Walk for Autism in partnership with Autism Society Philippines.

Sa pamamagitan ng Blackout Zone, sinusuportahan ng SM Cares ang United Nations’ Sustainable Development Goals (SDGs), partikular ang “SDG 10: Reduced Inequalities”.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page