top of page
Search
  • BULGAR

Seoul Mayor Park Won-Soon, natagpuang patay

ni Thea Janica Teh | July 10, 2020




Natagpuang patay si Seoul Mayor Park-Won-soon na nakikitaan ng potensyal na maging kandidato sa pagkapangulo ng South Korea ngayong July 10, ayon sa pulis.


Noong July 8, sinampahan ito ng kaso ng dating Seoul City employee ng sexual harassment.


Natagpuan ang kaniyang bangkay sa bundok sa northern Seoul matapos itong hanapin ng daang-daang pulis.


Kung ang insidenteng ito ay suicide, siya ang highest-profile South Korean politician na sumunod kay President Roh Moo-hyun na tumalon noong 2009 sa cliff matapos paratangan ng korapsiyon kasama ang kaniyang pamilya.


Ayon sa anak, matapos itong hindi matawagan ng ilang oras ay ni-report niya na agad ang pagkawala ng kaniyang ama sa mga pulis. Nag-iwan pa umano ito ng “last words” sa kaniya atsaka pinatay ang phone.


Sa Twitter account ni Park, pinakilala niya ang kaniyang sarili bilang “Social Designer”- "These days, I...dream of creating Seoul that puts the people first. Please join me in this dream."


Ngunit, nakilala rin si Park bilang alcoholic boss na ayon sa report ay naging dahilan kung bakit marami ang nagpakamatay sa Seoul City government dahil umano sa work-related stress sa pamumuno niya.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page