ni Eli San Miguel - Trainee @News | April 23, 2024

Tiniyak ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. ngayong Martes na aaksyunan niya ang problema sa kuryente sa Occidental Mindoro.
"We'll talk about the electricity problem, that's a long-term problem that we really have to solve. Mahal na ngayon. We are connecting you to the other provinces para immediately bababa 'yan," pahayag ni Marcos sa isang briefing.
Noon pa, sinabi na ni Vice Governor Anecita Diana Tayag na nakararanas ang lalawigan ng krisis sa supply ng kuryente dahil sa El Niño phenomenon.
Bukod dito, hiniling din ng lokal na pamahalaan ang tulong mula sa Energy Regulatory Commission (ERC) sa gitna ng mga problema sa supply ng kuryente.
Comments