ni Clyde Mariano @Sports | April 19, 2024
Tulad sa mga nagdaang Olympic Games, kokoberan ng telebisyon ang laro ng mga Pinoy sa Paris Olympics at sa unang pagkakataon binigyan ng Philippine Olympic Committee ang Cignal TV ng solong awtoridad bilang carrying channel sa quadrennial meet sa France.
Magkakaroon na ng pagkakataon ang mga Pinoy na mapanood ang mga laro mula sa Paris sa telebisyon. “I am excited with this partnership with POC for the exclusive rights to cover the 2024 Paris Olympics. We are honored and excited with this partnership giving Cignal TV the sole rights to telecast the games of the Filipinos in Paris,"sabi ni Jane Basas, president and chief executive officer ng Cignal TV sa press conference na dinaluhan ni POC President Abraham Tolentino, POC secretary general Atty. Wharton Chan at Cignal TV vice president Sienna Olaso.
Sinabi ni Tolentino na magkakaroon ng sendoff ang delegation sa Hunyo 21.
Kumpiyansa si Tolentino marami pang makakapasa sa qualifying bago matapos ang qualifying window sa June 30. “Some of our aspirants are still competing in various qualifying. Naniniwala ako marami pang makakapasa sa qualifying,” wika ni Tolentino.
Siyam na ang nakakuha ng trip tickets sa Paris Summer Games. Ito ay sina Ernest John Obiena, Carlos Yulo, Felix Eumir Marcial, Nesthy Petecio, Aira Villegas, Aleah Finnegan at Kayla Sanchez, maging sina John Ceniza at Rosegie Ramos.
Comments