top of page
Search
  • BULGAR

P1 bilyon, donasyon ng US sa 'Pinas kontra COVID

ni Lolet Abania | September 17, 2020





Nagbigay ang gobyerno ng United States ng 5,000 hygiene kits at 16 handwashing stations bilang donasyon sa lokal na pamahalaan ng lungsod ng Manila para tulungang mapaigting ng kapital ng bansa ang operasyon nito na labanan ang COVID-19.


Binisita ni US Ambassador to the Philippines Sung Kim ang Delpan quarantine facility sa Tondo upang ibigay ang donasyon kay Mayor Isko Moreno.


Ayon kay Kim, ang mga hygiene kits na naglalaman ng face masks, sabon, laundry detergent, dishwashing liquid at mga sepilyo ay makapagbibigay ng dagdag na proteksiyon laban sa virus at mahalagang pangangailangan ito para sa personal hygiene.


“The US government is a friend, partner, and ally of the Manileños in facing this pandemic. The American people are pleased to support the City of Manila’s efforts to fight COVID-19,” sabi ni Kim.


Samantala, ayon sa US Agency for International Development, patuloy silang makikipag-ugnayan sa Manila City Health Office para makatulong at tiyakin na ang mamamayan ng bansa ay magkakaroon ng de-kalidad na tuberculosis services sa kabila ng pandemya, gayundin, masuportahan ang isinasagawa ng Department of Health (DOH) na “Coordinate operations to Defeat Epidemic”, isaang estratehiya upang labanan ang virus.


Kamakailan, nakapag-donate ang USAID ng dalawang ventilators sa Tondo Medical Center na bahagi ng 100 ventilators na ibinigay ng US noong August 28. Sa kabuuan, nakapagbigay na ang US ng mahigit sa P1 billion bilang suporta sa Pilipinas kontra COVID-19.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page