top of page
Search
  • BULGAR

Opisina ng DFA Butuan City, sarado para sa disinfection

ni Lolet Abania | September 30, 2020




Ipinasara ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang consular office nito para sa gagawing disinfection sa Butuan City, Agusan del Norte ngayong araw, September 30, 2020.


Sa pansamantalang pagsasara ng opisina ng DFA, isasagawa rin ang iba pang preventive measures laban sa COVID-19, pahayag ng DFA.


Para sa mga aplikanteng may kumpirmadong appointments ngayong araw ay kinakailangang magpa-book ng ibang iskedyul sa mga araw mula October 1 hanggang October 30 nang alas-10 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon.


Ayon sa DFA, maaari itong i-email sa butuan.rco@dfa.gov.ph at ipasa ang sumusunod na impormasyon: pangalan, petsa ng kapanganakan, orihinal na petsa ng appointment at oras, at gustong ipalit na petsa at oras ng bagong appointment.Para naman sa nangangailangan ng emergency o urgent consular services, maaari ring i-e-mail sa parehong address.


Magbubukas ang consular office sa October 1.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page