top of page
Search
  • BULGAR

Nagka-COVID, 2,500 na balik-iskul, na-quarantine

ni Lolet Abania | September 24, 2020



Umabot sa 2,500 estudyante sa Switzerland ang kinailangang sumailalim sa quarantine at ipasok sa kilalang ospital ng kanilang eskuwelahan ilang araw matapos na magbalik sila sa klase mula sa bakasyon, ayon sa regional officials ng lugar.


Buong undergraduate students ng Ecole Hoteliere de Lausanne ay mananatili sa kanilang tirahan, kasama na rito ang on-campus housing hanggang September 28, pahayag ng awtoridad sa siyudad ng Vaud, Switzerland.

Kasunod ito ng major outbreaks sa ibang mga estudyante kung saan napakahirap nang ma-trace kung sino sa kanila ang nagkaroon ng close contact sa infected ng virus.


Pinaniniwalaan ng Swiss authorities na posibleng ang pagkalat ng virus sa paaralan ay nagsimula bago pa nagsagawa ang Vaud (na naiulat na mas maraming kaso ng Covid-19 kumpara sa ibang Swiss city) ng mahigpit na panuntunan noong September 17.


Ipinasara ang mga night clubs at ipinagbawal ang mga private events na may mahigit 100 katao, gayundin, mandatory ang pagsusuot ng face mask sa lahat ng lugar kahit pa ito ay indoors.


Tulad ng ibang European countries, nakitaan ang Switzerland ng pagtaas ng mga kaso ng sakit simula nang ang lockdown ay binawasan at binuksan ang ilang international travel nitong summer months.


Una rito, ang kaso ng tinamaan ng Covid-19 nang mag-umpisa ang pandemya ay mahigit sa 50,000. Ayon sa pamunuan ng Ecole Hoteliere de Lausanne, nakikipag-ugnayan na sila sa regional medical authorities upang matulungan ang mga apektadong estudyante kung saan lumalabas sa record na marami sa mga ito ang may mild symptoms lamang.


Gayunman, itutuloy ang pagtuturo sa kanila sa pamamagitan ng distance learning habang nasa quarantine period.


"Important measures have been put in place on campus to ensure the highest health standards and to limit the spread of the virus as much as possible," pahayag ng awtoridad.


Samantala, magbibigay ng disciplinary measures sa mga estudyante ng paaralan na napag-alamang nagsagawa ng mga private parties.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page