top of page
Search
  • BULGAR

Libreng tablet para sa mga titser at estudyante, ipinamigay na

ni Thea Janica Teh | September 30, 2020




Ipinamahagi na ng pamahalaang lokal ng Pasig City ngayong Miyerkules sa Department of Education ang learning devices na magagamit ng mga estudyante at guro sa blended learning scheme.

Ayon kay Pasig City mayor Vico Sotto, naglaan umano ito ng P1.2 bilyon para sa pagbili ng mga gadgets na gagamitin sa darating na online class.

"Nakita natin kaagad na medyo mabigat, malaki-laking pondo ang kailangan nating ilaan kung sakaling bibili tayo ng mga devices para sa ating mga mag-aaral," sabi ni Mayor Sotto.

Ang mga tablets na ibabahagi sa mga estudyante sa elementary ay nagkakahalaga ng P6,000 at P7,000 naman para sa mga high school students.

Bukod pa rito, sinabi rin ni Mayor Sotto na magmumula rin sa kanila ang software na gagamitin ng mga ito.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page