top of page
Search
  • BULGAR

Kathryn at Daniel, umaming magpapakasal na!

ni Ronalyn Seminiano Reonico | September 29, 2020



Nagsalita na ang magkasintahang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa wedding rumors dahil sa mga posts ng kani-kanilang ina sa Instagram.

Makikita sa Instagram account ni Karla Estrada, ina ni Daniel, ang video ng aktor kasama ang girlfriend nitong si Kathryn kung saan nag-kiss pa ang dalawa.

Simpleng “K(ring emoji)N” lamang ang caption ni Karla sa naturang video.

Ipinost din ni Min Bernardo, ina ni Kathryn, ang naturang video sa kanyang IG account with the caption: “Hello K(ring emoji)N.”

Sa isa namang interview ng ABS-CBN entertainment reporter na si MJ Felipe, tinanong niya sina Daniel at Kathryn kung tungkol saan ang ipinost ni Mommy Min na wedding gown at ni Karla na invitation.

Sabay na sagot ng dalawa, “We’re getting married… sa pinakabagong handog sa ating lahat ng Star Cinema.”

Ito ay ang first-ever digital series titled “The House Arrest of Us.”

Sey pa ng magandang aktres, “So ‘yung mga nagpo-post na nakikita n’yo, it’s about the new digital movie series.”

Nilinaw din ng magkasintahan na hindi ito sequel ng dati nilang blockbuster film na “The Hows of Us.”

Saad ni Kathryn, “It’s not a sequel. ‘Di siya connected sa ‘The Hows of Us.’ It’s a family series and nandu’n din ‘yung romance, halu-halo siya but it’s not related to George and Primo (their characters from the film). Ibang story ‘to.”

Sinusugan ito ni DJ, “It’s not connected.”

Naka-lock-in din daw sila sa set bilang pag-iingat dahil sa pandemic COVID-19.

Sey ni Daniel, “Para kaming nasa bubble lang din na walang puwedeng lumabas at walang puwedeng pumasok, so kami-kami lang ang nandito.”

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page