top of page
Search
  • BULGAR

Horoscope | Hulyo 10, 2020 (Biyernes)

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| July 10, 2020



Sa may kaarawan ngayong Hulyo 10, 2020 (Biyernes): Napabibilang ka sa iilang mapalad na kahit hindi gaanong nagsisikap ay may mga suwerteng dumarating sa buhay. Magpasalamat ka sa nasa itaas.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Huwag kang kabahan. Ang matinding hangarin mong umsenso ay ang lakas na aalalay sa iyo habang tinatahak mo ang landas ng iyong pagtatagumpay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kapag may natanggap kang biyaya, kahit pa maliit o may kalakihan, ibahagi mo ito sa iba. Kapag nakapagpasaya ka ng tao, magdadagsaan sa buhay mo ang mga suwerte. Masuwerteng kulay-brown.

GEMINI (May 21-June 20) - Huwag mo nang hangarin pa ang labis na kasiyahan dahil sapat nang may napala ka sa pagsisikap. Kapag nakita ng langit na nagpapasalamat ang tao sa maliit na bagay, siya ay mas pagpapalain. Masuwerteng kulay-white.

CANCER (June 21-July 22) - Pasasayahin ka ng langit. Ang akala mo na ayaw sa iyo ay madarama mong ikaw ay gusto. Siya ay mahimalang nakatanggap ng lihim na utos na pakitaan ka ng pagmamahal. Masuwerteng kulay-green.

LEO (July 23-Aug. 22) - Hawak mo ngayon ang hindi lang isang barahang alas. Sino ang sasalungat sa kagustuhan mo? May mangangahas kaya na ikaw ay hamunin nang harapan? Dapat wala ni isa. Masuwerteng kulay-yellow.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Magtanim ka muli ng kabutihan sa iyong kapwa at muling matutuwa sa iyo ang langit at gagawing sanga na daluyan ng mga biyaya para sa mga taong kaluluguran ng nasa itaas. Masuwerteng kulay-purple.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Pupunan ng langit ang pagkukulang sa iyo ng tao. Ito ay mangyayari dahil siya ay may wagas at dalisay na puso na hinangaan ng nasa itaas. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Hinay-hinay lang sa pagmamahal at galit. Ang sobrang pagmamahal ay inaabuso at ang sobra kung magalit ay nilalayuan ng kanilang minamahal. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-beige.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Tinatawag ang nakaupo sa hulihan kapag siya ay para sa unahan. Kahit ano ang gawin mo, ikaw pa rin ay tatawagin ng kapalaran na pangasiwaan ang mga pangkaraniwan. Masuwerteng kulay-blue.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Dagdag-sikap lang naman ang iyong kailangan nang sa gayun ay maramdaman mong mabilis na palang umuusad ang iyong pag-unlad. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-black.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Tumaya ka at mananalo ka. Ibig sabihin, kumilos ka at may mapakikinabangan ka. Palagi mong tatandaan na sa buhay mo, kapag kumilos ka ay mapakikinabangan ka. Masuwerteng kulay-violet.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Aani ka ng biyaya dahil sa sarili mong gawa. May mga suwerte kang darating mula sa ibang mga tao kahit wala kang ginagawa para sa kanila. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page