ni Eli San Miguel @News | May 9, 2024
Nagkaroon ng 5.7 porsiyento na progreso ang ekonomiya ng Pilipinas sa first quarter ng 2024, isang pagbagal kumpara sa 6.4 porsiyentong progreso na naitala sa parehong panahon noong nakaraang taon.
Hindi umabot ang 5.7 porsiyentong progreso sa unang tatlong buwan, sa target range na 6.0 porsiyento hanggang 7.0 porsiyento na itinakda ng administrasyong Marcos para sa 2024.
Gayunpaman, inihayag ng Philippine Statistics Authority na mas mabilis ang progreso ng GDP rate mula Enero hanggang Marso ng taong ito kaysa noong fourth quarter ng 2023.
Comentários