top of page
Search
  • BULGAR

Bagyong Luyon ngayong Miyerkules

ni Twincle Esquierdo | September 15, 2020



Makararanas ng maulap na panahon at kalat kalat na pag-ulan na may kasamang kidlat ang Metro Manila, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol Region at Aurora dahil sa Low Pressure Area (LPA)..


Huling namataan ang Low Pressure Area sa 225 kilometro hilagang kanluran ng Catarman, Northern Samar.


Ayon sa PAGASA, maaari itong maging bagyo sa Miyerkules o Huwebes at tatawagin itong bagyong Luyon, maaari ring magkaroon ng pagbaha at pagguho ng lupa habang patuloy ang pagbagsak ng ulan.


Sa nalalabing bahagi ng Luzon ay makararanas ng maulap na panahon at kalat kalat na pag-ulan.



0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page