top of page
Search
  • BULGAR

70 kongresista na nambasura sa prangkisa ng Dos, lagot sa netizen next election!

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | July 12, 2020



70 CONG. NA NAMBASURA SA PRANGKISA NG ABS-CBN, TIYAK NA MABABASURA RIN ANG KANDIDATURA SA 2022 ELECTION—Sa galit ng mga netizen sa pagbasura ng 70 kongresistang sa hirit na franchise renewal ng ABS-CBN, kung nagbabalak pang tumakbo ang mga kongresistang ito sa susunod na eleksiyon ay huwag na nilang ituloy dahil siguradong talo na sila.


Ngayon pa lang ay nananawagan na ang taumbayan na huwag nang “i-renew” ang posisyon sa gobyerno ng 70 kongresistang ito, period!

◘◘◘


PARANG INAMIN NI CONG. ALVARADO NA SI P-DUTERTE ANG NASA LIKOD NG PAGBASURA NG KONGRESO SA PRANGKISA NG ABS-CBN—Sa isang panayam, sinabi ni tila ni Bulacan Rep. Jose Antonio Sy-Alvarado na, “Madaling magpatawad si Pangulo kung nararamdaman niyang sinsero.”


Ganu’n? Mukhang nadulas ang dila ni Alvarado na kaya lang nila “ibinasura” ang prangkisa ng Dos ay dahil ‘yun ang gusto ng Pangulo sapagkat hindi nito feel ang pagso-sorry ng Kapamilya network, boom!

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page