top of page
Search
  • Lolet Abania

Alamin: 5 bansa na may magandang health care system


Sa maunlad na bansa, ang pagkakaroon ng well-developed na public health system ay napakahalaga dahil dito makikita ang magandang buhay ng kanilang mamamayan. Lumabas na sa mga pag-aaral na kapag mayroong maayos na sistemang pangkalusugan, nagiging mas de-kalidad ang pamumuhay ng mga tao kasunod nito ang pag-unlad ng bansa. Narito ang mga bansang may pinakamahuhusay na sistema pagdating sa public health care:

1. Canada. Tinatawag na Canadian Medicare na sakop ang 70% ng lahat ng pangangailangang pangkalusugan at 30% naman para sa mga serbisyo sa health, kaya naging ikalawang maunlad na bansa ito.

2. Denmark. Mula sa mga lokal na gobyerno ang nagpo-provide ng kanilang healthcare na mayroong 98 munisipalidad at nanggagaling rin sa mga taxpayers. Mayroon din silang health insurance at sila ang ika-13 bansa na may maayos na pamumuhay.

3. Sweden. Ang sistema ng healthcare nila ay government-funded para sa lahat ng citizens at decentralized. Mula sa taxes ng 21 county councils at municipalities, kung saan napupunta rin sa hospital care. Sila ang ika-8 sa maunlad na bansa.

4. Norway. Isang regional health authority ang humahawak sa kanilang healthcare na nagbibigay ng serbisyo ng paggamot sa pasyente at edukasyon ng medical staff. Nakapaloob din dito ang mga ospital, psychiatry, ambulance service, pharmacies at marami pang iba at ang Norwegian Ministry of Health and Care Services ang responsable sa lahat. Sila ang ika-10 bansang maunlad.

5. Germany. Mayroong silang universal multi-payer health care na ang pondo ay mula sa statutory health insurance at private health insurance sa ngayon. Noong 2004, ang healthcare ay pino-provide ng may 77% mula sa gobyerno at 23% naman ay pribadong pondo, gayundin, sila ang ika-4 sa mga maunlad na bansa.

Sa mga bansang ito, magkakaroon tayo ng ideya para matulungan nating mapaunlad ang ating bansa. Kapag namumuhay ang mga mamamayan nang may mabuting kalusugan, siguradong marami ang magkapagtrabaho nang maayos at magsisimulang gumanda ang ekonomiya ng bansa. Okie?

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page