top of page
Search
  • Mylene Alfonso

P3 bilyong dagdag-pondo para sa nurse, aprub


Tiniyak na mabibigyan ng dagdag na suweldo at iba pang benepisyo ang mga nurse sa bansa.

Ayon kay Sen. ‘Bong’ Go, chairman ng Senate Committee on Health, gagawing prayoridad ang kapakanan ng mga nurse upang hindi na nila maisipang magtrabaho abroad. Idinepensa umano ang dagdag-pondo para sa Department of Health sa ginawang budget deliberations upang matiyak ang kalidad at accessible na healthcare para sa lahat ng Pinoy at bantayan ang kapakanan ng mga health workers, kabilang ang mga nurses.

“We allotted 3.173 billion pesos to upgrade the salaries of nurses 1 and 2, in accordance with the recent Supreme Court decision,” ani Go.

Samantala, inihain din ang Senate Bill 200 o “Act Modifying the Salary Schedule for Civilian Government Personnel” na naglalayong mabigyan ng umento sa sahod ang lahat ng government workers, kabilang ang mga nurses at guro.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page