top of page
Search
  • Donna Thea Topacio

Para sa mga health conscious, pero gustong mag-enjoy, read n‘yo ‘to! TIPS PARA SA MAS HEALTHY NA SUM

FINALLY March na, ibig sabihin, kaunting tu­log na lang, eh, bakasyon na. Yehey! ‘Yung tipong kaliwa’t kanan na ang punta natin sa beach, pu­wedeng sa La Union, Mo­rong, Patar, Subic, Zam­bales at marami pang iba. Pero, teka, paalala lang sa inyo, bago kayo mag­saya, siguraduhin muna ninyong healthy ang inyong magiging summer. Alamin ang ilang paraan kung paano magi­ging healthy ngayong ba­kasyon:

1. ALWAYS APPLY SUNSCREEN. Of course, importante ito, besh, lalo na kung magbibilad ka talaga nang todo sa araw dahil bet mong magpa-tan, pero hi­nay-hinay lang dahil baka imbes maging tan ang balat mo, eh, masunog lang ito.

2. GET WET. Make sure na magsu-swimming tayo ngayong summer kahit isa hanggang dalawang be­ses nang sa gayun ay ma-refresh ang inyong katawan, gayundin ang pagsu-swim­ming umano ay kering ma­ka­bawas ng 400 calories. Woah!

3. EXFOLIATE. Ka­pag summer, mas dumarami ang ating dead skin, kaya dapat ay mag-e-exfoliate tayo. Gumamit ng lotion na mayroong oatmeal, milk at yoghurt.

4. BEWARE OF SMOOTHIES. Ooops! Na-confused kayo, no? Ibig sabihin, maghinay-hinay kayo sa pag-inom ng smoo­thies lalo na kung binibili n’yo lang ito kung saan-saan dahil baka hindi fresh ang prutas na inilagay dito o kaya ay sobrang dami ng asu­kal. Yay!

Kung bet ninyong umi­nom ng malalamig na inu­min, mas mainam kung magho-homemade na lang tayo, mga besh!

5. DRINK PLENTY OF WATER. Ito ang hindi dapat mawawala sa lahat ng payo, lalo na kung tag-init na.

Uminom ng walong ba­song tubig, araw-araw para sa mas healthy na balat at hindi tayo ma-dehydrate.

Kaya, mga beshy, nga­yong nagsimula na ang summer, bago tayo mag-en­joy, eh, siguraduhin muna natin na healthy tayo, okie?

Be happy and enjoy the summer heat!

Copy?

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page