top of page
Search

ni Melba R. Llanera @Insider | March 30, 2026



Barbie Imperial - Intervie via Bulgar

Photo: Barbie Imperial - Interview via Bulgar



Masayang-masaya si Barbie Imperial nang magpaunlak ng interview pagkatapos ng press conference ng Blood vs. Duty (BVD) dahil kuntento sa relasyon nila ng boyfriend na si Richard Gutierrez. Magkasama sila sa serye kung saan ito pala ang kauna-unahan niyang naging lead sa isang primetime series. 


Gumaganap si Barbie bilang Jamilah sa BVD kung saan isa siyang Muslim at kapatid niya sa istorya si Gerald Anderson. 


Hindi biro ang preparasyon ni Barbie sa kanyang role kung saan kailangan ng ibayong research o pananaliksik sa tatakbuhin ng istorya at bawat karakter na gumaganap na parte ng Muslim community.


Labis din ang kagalakan niya na natupad ang pangarap niya na makasama sa isang proyekto ang boyfriend niyang si Richard Gutierrez. 


Tinanong ang Kapamilya actress kung hindi ba mahirap o nagkakaroon ng conflict na katrabaho niya ang karelasyong si Richard lalo ‘pag nagkakaroon sila ng tampuhan. 


Ayon kay Barbie, normal o parte ng isang relasyon ang pagkakaroon ng hindi pagkakaintindihan pero hindi dapat ito dinadala sa set at propesyonal sila kaya maayos ang lahat. 


Para rin kay Barbie, hindi naman masasabing adbentahe kung pareho silang artista ng karelasyon dahil may mga nakaraan din naman siyang karelasyon na taga-showbiz.


Pero malaking bagay na malaki ang agwat ng kanilang edad dahil mas maalaga, mas napapatnubayan siya at mas nakikinig siya dahil may ugali siya na pakiramdam niya ay lagi siyang tama at isang independent na babae. 


Aminado siyang tahimik na tao si Richard nang una niyang makilala, pero dala ng pagiging makulit at pala-kuwento niya, pakiramdam ni Barbie ay nakuha na rin ito ng kasintahan.


Maayos at malapit din si Barbie sa pamilya Gutierrez lalo na sa ina ng aktor na si Tita Annabelle Rama. Patunay nga nito ang diamond earrings at singsing na regalo sa kanya ng ina ng boyfriend.


Unang mapapanood ang Blood vs. Duty sa Netflix sa darating na April 3, sa iWant sa April 4 at sa primetime pagkatapos ng TV Patrol sa ABS-CBN via AllTV 2, A2Z, Kapamilya Channel at Kapamilya Online Live sa April 6.


Pinagbibidahan ito nina Richard Gutierrez, Gerald Anderson, Barbie Imperial, Bela Padilla, Baron Geisler, Geoff Eigenmann, produced ng JRB Creative Production sa ilalim ng direksiyon nina Direk FM Reyes, Bjoy Balagtas, Rico Navarro kasama si Erwin Tagle bilang action director.





SA launching ng Dianne Medina Studios o DM Studios, siniguro sa amin ni Rodjun Cruz na kahit kailan ay hindi siya nakaramdam ng insecurities sa mga achievements ng misis niyang si Dianne Medina. 


Ayon sa Kapuso actor, lagi siyang proud at buo ang suporta sa anumang gawin ng asawa. Siya nga ang nag-suggest na huwag ilagay ang apelyido niya sa DM Studios dahil vision ito ni Dianne. 


Para rin kay Rodjun, team sila ng kanyang misis at anumang achievements nito ay achievements din niya. 


Dagdag na pahayag din sa amin ni Rodjun, kahit sabihin ng iba na magaling at madiskarte ang asawa, sa batang gulang pa lang ay nag-artista na sila ng kapatid na si Rayver at alam nila ang ibig sabihin ng hard work at hindi na rin biro ang pinaghirapan at narating nila ng kapatid sa industriya.


Ibinahagi rin ni Rodjun na may mga pamba-bash din siyang natatanggap mula sa ilang netizens. May nabasa nga siyang nagkomento sa post niya na buti pa siya ay pa-gym-gym lang, samantalang trabaho nang trabaho ang misis. 


Ayaw niyang magmukhang mayabang pero ang hindi alam ng marami, bilang isang artista ay may bayad ang bawat produkto na ipino-post nila sa kanilang social media account.


Tumatayo bilang Vice-President (VP) for Marketing si Rodjun samantalang si Dianne naman ang CEO at presidente ng DM Studios. 


Pokus ang kumpanya sa content creativity at live selling at ilan sa mga artistang nasa ilalim na ng serbisyo ng DM Studios ay sina Katya Santos, Jan Marini, CJ Ramos, Team Mochi, Nadine Samonte at malaki rin ang posibilidad na sumali rin sa kanila si Rayver at ang girlfriend nito na si Julie Anne San Jose.


 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | March 29, 2026



Barbie Imperial via Bulgar Interview

Photo: Barbie Imperial via Bulgar Interview



Sobrang agaw-pansin ang mga suot na diamond jewelries ni Barbie Imperial sa grand mediacon ng Kapamilya serye na Blood vs. Duty (BVD).


Inusisa namin si Barbie kung saan galing ang suot niya na mga alahas after the Q&A portion. Duda namin ay galing kay Annabelle Rama ang suot niya na mga alahas.

“‘Yung iba po ibigay n’ya. Like ito po, bigay n’ya,” sabay hawak ni Barbie sa suot niya na diamond earrings.


Tanong pa namin kay Barbie kung alin naman ang alahas na suot niya na bigay naman sa kanya ng boyfriend niya na si Richard Gutierrez.


“Secret,” sagot ni Barbie na pagka-tamis-tamis.


Inurirat na rin namin kay Barbie kung sino naman ang nagbigay sa kanya ng bonggacious na diamond necklace niya.


“Ay, akin naman po ‘to. May pambili naman ako,” kasunod ang tawa ni Barbie.

Kinabog ni Barbie sa mga pa-alahas niya sa katawan ang isa pang female lead sa BVD na si Bela Padilla.


Ito ang first team-up nina Gerald Anderson at Richard sa isang teleserye.

Kitang-kita sa aura ng mukha ni Richard na sobrang inspired at happy ang aktor ngayon. Of course, dahil yan kay Barbie.


In the same manner, sobrang inspired din si Barbie dahil kay Richard.

Pahayag ni Barbie, “Uh, siguro po kasi si Richard po kasi marami na s’yang experience sa action. Sobrang suwerte ko lang din po palagi kaming magkasama. Kung ano ‘yung mga kailangan kong gawin, ginagabayan n’ya ako.”


Magsisimula ang Blood vs. Duty sa April 3 on Netflix, April 4 on iWant, and April 6 on free TV (All TV2, Kapamilya Channel, A2Z, and Kapamilya Online Live). via MJ Felipe, ABS-CBN News.





RUNAWAY winner ang Visayan film na Pinikas sa  8th Sinag Maynila Independent Film Festival Gabi ng Parangal na ginanap kagabi.


Pito ang nakuhang awards ng Pinikas, kabilang ang Best Picture, Best Director,

Best Screenplay, Best Musical Score, Best Editing, Best Actor and Best Actress.

Second big winner ang pelikula ni Vince Tan̈ada na Ang Bangkay na nag-uwi ng Best Production Design, Best Cinematography, People’s Choice Award at Best Supporting Actress. 


Nasungkit naman ni Yasser Marta ang Best Supporting Actor para sa Desperada, at Best Sound ang Sweet Escape.


Towards the end of the awards night ay in-announce ni Direk Brillante Mendoza, ang Festival Director ng Sinag Maynila, na extended ang pagpapalabas ng mga pelikulang kasali sa film festival hanggang April 1, Thursday.


Kaya may chance pa na mapanood ang mga nanalo at iba pang entries sa 2026 Sinag Maynila until next week.

Congrats to all the winners!


 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | March 27, 2026



Maine Mendoza - Instagram

Photo:Maine Mendoza - Instagram



Patuloy ang tsika sa hiwalayan nina Maine Mendoza at Arjo Atayde kahit may pagde-deny na ang kampo ng celebrity couple.


May netizen na nag-confirm na hiwalay na raw talaga sina Maine at Arjo.

Sey nito, “Yes, hiwalay na sila.”


May suhestiyon naman ang iba na maigi na ngayon pa lang ay naghiwalay na ang celebrity couple.


Komento pa ng ibang netizens…

“Wala pa silang anak. Madali pang magbago.”

“Buti na lang, wala pa silang naging anak.”

“Maine, iwan mo na ‘yan.”


Ikinonek din sina Maine at Arjo sa matagal nang lumulutang na blind item tungkol sa power couple na malapit nang maghiwalay.


“Remember the power couple blind item? Wala lang. Remember mo lang, LOL (laugh out loud).”


“Are they the power couple na hiwalay na, always in the blind item?”

“The power couple.”

May nagdepensa rin kina Maine at Arjo.

“LOL. They are very much together. OA (overacting) sa hiwalay. Kaka-birthday lang ni Maine.”

Pero may nag-comment din na maaaring buntis na si Maine kaya bawal mag-party ang TV host.

Hula ng isa, “Maybe buntis, bawal mag-party.”

Wow, sana nga ganu’n na lang!





ALIGAGA ang mga fans ng magka-love team na sina Donny Pangilinan at Belle Mariano kung kailan ulit sila magkakaroon ng teleserye.


Medyo matagal-tagal na rin nang ipinalabas ang successful last drama series nila na Can’t Buy Me Love (CMBL).


Kulang na lang ay mag-rally na ang DonBelle para mapanood ulit sila sa isang bagong serye.


Another milestone naman para sa DonBelle love team ang mapanood sila sa India. Kasama kasi ang CMBL sa pitong sikat na Filipino dramas ng ABS-CBN na ipapalabas sa India.


Ang anim pang programa ng ABS-CBN ay It’s Okay to Not Be Okay (IOTNBO), Love in 40 Days (LI40D), Senior High (SH), 2 Good 2 Be True (2G2BT), at ang He’s Into Her (HIH) Seasons 1 and 2.


Mag-i-stream ang mga ito sa Amazon MX Player sa 2026. Ito ang unang pagkakataon na may Filipino dramas sa nasabing platform sa India.

Bukod dito, ipapalabas din ang parehong mga serye sa Vietnam, Myanmar, at Pacific Islands.


Mapapanood na rin ang mga nasabing serye sa ilang bahagi ng Asia, na lalo pang nagpapalakas sa lumalawak na reach ng ABS-CBN sa South at Southeast Asia.

Bisitahin ang international sales ABS-CBN website para sa karagdagang detalye tungkol sa ABS-CBN International Distribution. Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook (FB), X (dating Twitter), Instagram (IG), at TikTok (TT) o bisitahin ang ABS-CBN newsroom website.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page