top of page
Search

ni Anthony E. Servinio @Sports | September 13, 2025



Bryan Baginas

Photo : Hindi alintana kay Alas Pilipinas team captain Bryan Bagunas ang depensa nila Ahmed Khadi at Ali Bongui ng Tunisia sa maaksiyong tagpo ng FIVB Men's World Volleyball Championship sa MOA Arena, Pasay City. (Reymundo Nillama)


Determinado pa rin ang Alas Pilipinas na makabawi sa susunod na laban matapos na makapulot ng mahuhusay na teknik sa larong ipinakita ng Tunisia na unang nakakuha ng 3-0 panalo sa engrandeng pagbubukas ng FIVB Volleyball Men's World Championship Philippines 2025 kagabi sa MOA. Nagtapos ang laban sa 25-13, 25-17 at 25-23 para sa maagang liderato ng Tunisia sa Pool A.


Kahit naihulog ang unang dalawang set, nabuhayan ang Alas sa pangatlo sa likod nina kapitan Bryan Bagunas, Marck Espejo at Leo Ordiales. Itinulak ni Bagunas ang pambansang koponan sa 23-23 tabla subalit hanggang doon na lang at nag-iwan ng lakas ang Tunisia para sa mga puntos na nagtahi ng buwenamanong tagumpay.


Naitatak ang layo ng kalidad ng Tunisia na ika-24 sa FIVB Ranking kumpara sa ika-61 Pilipinas. Hawak ang 2-1 bentahe, humarurot ng 10 walang sagot na puntos ang Tunisia upang maging 12-1 at tuluyang kunin ang unang set.


Nakatikim ng unang lamang ang Alas sa puntos ni Bagunas sa simula ng pangalawang set, 1-0, subalit napalaki ng Tunisia ang agwat, 14-7. Mag-isang itinaguyod ni Bagunas ang Alas na may 23 puntos mula 20 atake. Sumunod si Espejo na may siyam at Peng Taguibolos na may apat.


Nanguna sa Tunisia si Oussama Ben Romdhane na may 17. Sumuporta sina Ahmed Kadhi, Elyes Karamosli at Ali Bongui na may tig-siyam. Puntirya ng Alas na bumawi laban sa Ehipto sa pangalawang laro. Gaganapin sa Martes sa parehong palaruan. 

 
 

ni MC @Sports News | September 10, 2025



Retamar

Photo: Alas Pilipinas Volley - FB


Magkakaalaman sa bawat dig, reception at block ang uukit sa pagitan ng pananaig at pagsuko laban sa mas matatangkad at seasoned squads, ihahanda ng Alas Pilipinas defenders ang mga sarili sa World Championship sa Set. 12 hanggang 28 sa MOA Arena at Smart Araneta Coliseum.


Sisimulan ng Alas Pilipinas ang Pool A journey sa MOA Arena sa Biyernes, haharapin ang world No. 43 Tunisia sa bagong iskedyul na 7 p.m


Alam nina Middle blockers Kim Malabunga, Peng Taguibolos at Lloyd Josafat ang pagsubok na haharapin sa net. 


Sa halip na ikalumo ang kakulangan sa tangkad, naniniwala ang trio na ang paghahanda, chemistry, at puso ang pundasyon ng kanilang pagtindig laban sa pinaka-astiging players sa mundo at dahil diyan handa sila na umangat sa pagsubok na haharapin. “It’s a big challenge for us middle blockers because we have to protect the team through our blocking,” ayon sa 6-foot-5 na si Malabunga, laban sa  pinakamatanda sa middle blockers sa pool kabilang na si Lucca Mamone.


Para sa 6-foot-6 na si Taguibolos at 6-foot-4 Josafat, ang pagsubok na makaangat laban sa mas matangkad na kasagupa ay hindi maitatanggi, sa halip na panghinaan, pokus sila ngayon sa adjustments lalo na sa blocking.


Aakyatin  ng Pilipinas ang pinakamataas na pagsubok laban sa No. 23 Egypt sa Set. 16 bago harapin ang powerhouse No. 13 Iran sa Set. 18. 


 
 

ni VA @Sports | August 29, 2025



Amin Esmaeilnezhad

FIVB

  

Excited nang makasalamuha ng mga world elite athletes na sina Ran Takahashi ng Japan at ni  Lucarelli ng Brazil ang Pinoy fans at may nakatutuwa silang mensahe maging sa global fans para masaksihan ang world-class action sa  FIVB Men’s Volleyball World Championship  sa susunod na buwan sa Smart Araneta Coliseum at Mall of Asia Arena.


Naging crowd favorite sa Pilipinas nang maglaro sa Volleyball Nations League, si Takahashi at ang world No. 5 Japanese squad na namuno sa Asya kontra sa 32-nation event na magsisimula sa Set. 12 sa MOA Arena. “We can’t wait to welcome volleyball fans from all over the world. Tickets now on sale! See you at the venues!” Takahasi.


The top volleyball players are coming to the Philippines for the World Championship. Please be at the Arena. I’m looking forward to seeing you there.”


Debut game ito ng Alas Pilipinas sa elite world event laban sa Tunisia sa opener sa Set. 12.


Ang Egypt at Iran lalaban sa Alas Pilipinas at Tunisia s Pool A, habang ang Iranian outside hitter na si Poriya Hossein Khanzadeh ay excited na ring makapagsimula sa worlds na inorganisa ng Philippine National Volleyball Federation ni president Ramon “Tats” Suzara, at pangulo rin ng Asian Volleyball Confederation. “I’m so happy because we’re gonna go in the Philippines for the World Championship. See you soon!” dagdag ni Takahasi.


Pakay ni Lucarelli at ng Brazilian squad, world No. 3 na third placers sa VNL noong Hulyo na makuha ang top spot.  Ang Poland ang naghari sa  VNL at world No. 1, habang ang Italya ang defending world champion at runner-up noong nakaraang buwan sa VNL. “Philippines, get ready! The world’s biggest volleyball stage is coming soon,” ani Lucarelli.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page