top of page
Anjo sa Pinoy Pawnstar.jpg
Search

by Jeff Tumbado @News | September 15, 2026



15-anyos, dinala sa sementeryo... Police vlogger, kulong sa rape

Photo: File



Arestado ang isang police vlogger matapos umanong halayin ang isang 15-anyos na babae sa loob ng pampublikong sementeryo sa Villanueva, Misamis Oriental nitong Sabado ng gabi.


Ang suspek, isang Police Staff Sergeant at vlogger ng Villanueva Municipal Police Station, ay kasalukuyang nakadetine sa Misamis Oriental Provincial Police Office.


Ayon sa pulisya, dinala umano ng suspek ang biktima sa madilim na bahagi ng sementeryo kung saan nangyari ang pang-aabuso. Nagsumbong ang biktima kinabukasan, dahilan upang arestuhin ang suspek ng kanyang mga kabaro.


Naisampa na laban sa kanya ang kasong rape sa ilalim ng Republic Act No. 8353 o Anti-Rape Law of 1997 para sa inquest proceedings.


Humingi naman ng paumanhin sa publiko si Misamis Oriental Provincial Police Office Director Police Colonel Ali Abanales, na nagsabing batay sa paunang imbestigasyon, isolated incident at personal na pagkakasala ng suspek ang insidente.


 
 

ni V. Reyes | April 30, 2023




Masamang biro para sa Philippine National Police Integrity Monitoring and Enforcement Group (PNP-IMEG) ang ginawang online content ng Tukomi Brothers sa kanilang vlog noong Abril 6 sa Las Piñas.


Ipinagharap na ng kasong Alarm and Scandal sa Las Piñas Prosecutor’s Office ang Tukomi Brothers dahil sa sinasabing delikadong biro ng mga vlogger.


“Para hindi na po maulit ang ginagawa nila d'yan kasi maraming gumagaya, pangit din sa mata ng mga bata ang ganuon. Napakadelikado talaga,” pahayag ni Police Staff Sergeant Ronnie Conmigo, imbestigador ng PNP-IMEG.


Si Conmigo ay nagkataong nasa lugar nang mangyari ang sinasabing prank ng Tukomi Brothers.


Batay sa kuha na video, makikitang lumabas ng itim na kotse ang tatlong lalaki na may suot na bonnet at tangkang dudukutin ang isang lalaki. Dahil hindi batid na prank lang ang insidente ay ginawa ni Conmigo ang kanyang tungkulin na pigilan ang pinaniniwalaang krimen.


“Biro mo kung iba iyon, sakaling may trigger-happy na pulis o kahit hindi pulis, nabaril sila.

Maraming madadamay kasi ang daming tao sa lugar na iyon, palengke po. Noong nakita ko na tumataas ang kamay at walang dalang baril, sa tagal natin sa serbisyo, iisipin ko pa rin na baka madisgrasya ko sila,” dagdag pa ni Conmigo.


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | May 2, 2021



Nanganak na ang vlogger na si Zeinab Harake sa baby girl nila ng rapper na si Daryl Ruiz (aka Skusta Clee) na pinangalanan nilang Baby Bia. Sa YouTube channel ni Daryl, in-upload niya noong Sabado ang documentation ng panganganak ni Zeinab noong April 28.


Ayon kay Daryl, noon ay hindi man lang sumagi sa isip niya ang magkaroon ng sariling pamilya at todo-pasasalamat siya dahil hindi siya sinukuan ni Zeinab.


Aniya, “Mapalad ako kasi merong isang taong hindi ako sinukuan sa mga panahong kahit ako mismo, sukung-suko na sa sarili ko.”


Saad pa ni Daryl ngayong isa na siyang daddy, “Mas lalong naintindihan ‘yung halaga ng buhay.” Mensahe pa niya kay Baby Bia, “Hanggang kaya ko at hanggang sa huling hininga naming dalawa ng mama mo, pangakong hinding-hindi ka namin pababayaan.”


Noong July, 2020 nagkabalikan sina Zeinab at Daryl matapos ang on-and-off relationship nilang dalawa. Noong October naman nang nalaman ni Zeinab na buntis siya. Si Zeinab ay may mahigit 10.1 million YouTube subscribers.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page