top of page
Search
  • BULGAR
  • Sep 19, 2023

ni BRT @News | September 19, 2023




Dalawa ang sugatan nang araruhin ng SUV ang 17 sasakyan sa Naga City, Camarines Sur. Batay sa ulat, naganap ang insidente noong Biyernes, malapit sa Naga Metropolitan Cathedral.

Apat na nakaparadang sasakyan sa gilid ng kalsada ang unang binangga ng suspek.

Agad namang rumesponde ang mga pulis subalit muling humarurot ang SUV at 13 pang sasakyan ang nabangga niya. Dito na siya naaresto ng mga awtoridad.

Hinihinalang nakainom ang suspek dahil sa amoy alak umano ito.

Kabilang sa mga inararo ng SUV ay single motorcycle, tricycle, at mga four-wheel na sasankyan.


Mahaharap ang drayber ng SUV sa mga reklamong Reckless Imprudence Resulting in Multiple Damage to Property and Injuries.



 
 

ni Levi Gonzales @News | September 13, 2023




Isang babae ang pinasok sa bahay at hinoldap habang nasa kalagitnaan ng kanyang live selling sa Laguna.


Ala-1 ng hapon nang maholdap ang biktimang si Agnes Serafica, 52, ng Sta. Rosa, Laguna.

Sa video, makikita ang pagpasok ng suspek na naka-helmet at may baril saka itinaob ang cellphone ng biktima na ginagamit sa live selling.

Pilit umanong hinihingan ng pera ang biktima subalit dahil walang maibigay, ay alahas na suot na lang ang tinangay at ang cellphone.


Bukod sa lalaking nakita sa video, may kasabwat pa umano ito na naghihintay sa labas ng bahay at nasa motor.


Nasa pitong alahas umano at cellphone ang nakuha ng mga suspek na aabot sa P100,000 ang halaga.

Sa imbestigasyon ng pulisya, kapitbahay pala ng mga biktima ang isa sa mga suspek na sumuko na.


“Lagi niyang nakaka-kuwentuhan ‘yung tatay ng biktima. Accordingly, nagkukuwento ‘yung tatay na may three million [pesos] daw sa kuwarto, nakatago. ‘Yun ang pinag-interesan base doon sa conversation at chat ng dalawang suspek,” ayon kay Police Lieutenant Colonel Dwight Fonte, Jr.



 
 

ni Jeff Tumbado @News | September 8, 2023




Sinuspinde na ng Land Transportation Office (LTO) ng dalawang taon ang driver's license ni Wilfredo Gonzales, ang dating pulis na nag-viral sa social media dahil sa pamamatok at pagkasa ng baril sa isang siklista na nakaalitan sa Quezon City kamakailan.


Kinumpirma ito ng LTO Central office kahapon.


Ang hakbang ay batay na rin sa rekomendasyon ng LTO-NCR na nag-imbestiga sa pangyayari.


Hindi pa naisisilbi sa ngayon ng LTO ang desisyon ukol sa revocation ng lisensya ni Gonzales.


Matatandaang hindi na humarap sa LTO-NCR noon si Gonzales nang ipatawag ito upang ipaliwanag kung bakit 'di dapat kanselahin ang kanyang lisensya sa pagmamaneho.



 
 
RECOMMENDED
bottom of page