ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | September 8, 2025

Photo: Mon Tulfo at Heart Evangelista - IG FB
“Leave her alone!” ito ang mariing mensahe ni Ramon Tulfo sa mga nang-iintriga kay Heart Evangelista.
Pilit kasing idinadamay ng mga Marites ang global fashion icon sa issue ng mister niyang si Senate President (SP) Chiz Escudero tungkol sa flood contractors.
Nadiskubre kasing connected si SP Chiz sa isa sa top 15 contractors sa bansa na iniimbestigahan ngayon dahil sa pagkakasangkot sa anomalya ng flood control projects.
Kaya pati si Heart ay nadadamay sa galit ng mga netizens at sinasabing pera ng bayan na bigay ng kanyang mister ang ginagastos ng aktres sa kanyang mga luho.
Marami naman ang nagtatanggol kay Heart, lalo na ang mga matagal nang nakakakilala sa kanyang pamilya at isa na rito si Ramon Tulfo.
Sa Facebook (FB) account ng isa sa Tulfo brothers, sinabi niyang tantanan na si Heart dahil bata pa lang ay bilyonaryo na ito dahil sa kanyang mga magulang na may-ari ng Barrio Fiesta chain of restaurants.
“Leave her alone! Heart Evangelista is a billionaire in her own right as she comes from the wealthy Ongpauco clan that owns the Barrio Fiesta chain of restaurants,” saad ni Ramon.
Bukod pa sa galing sa wealthy family, milyun-milyon din ang kita ni Heart bilang aktres at influencer.
“Before she got married to Chiz Escudero, Heart was earning oodles and oodles of money as a movie actress and influencer,” aniya.
“The money she spends is her own, not Chiz’s,” giit pa ni Ramon.
“I should know; I’m a friend of her uncle Rod Ongpauco,” dagdag pa niya.
Sa mga matagal nang nakakakilala kay Heart, nakakatawa ang kuwentong ginagamit
niya ang pera ng bayan dahil sa kanyang asawang si Chiz.
Noon pa sinasabi ni Heart na sariling pera niya ang ipinangsa-shopping at ipinambibili ng kanyang mga mamahaling gamit.
Bukod pa rito, dahil sikat na influencer din ang aktres, nireregaluhan siya ng mga luxury brands ng kanilang mamahaling produkto. Makikita rin lagi sa mga posts niya ang mga regalong ito bilang promo na rin sa brand.
Kaya tantanan n’yo na si Heart Evangelista! Kung bumibili man siya ng mga mamahaling gamit, she deserves it dahil galing ito sa sarili niyang pera.
Naimpeksiyon ‘yung una… AZ, SISING-SISI NA IPINARETOKE ANG ILONG NG 2 BESES
INAMIN naman ni Pinoy Big Brother (PBB) Celebrity Collab Edition former housemate AZ Martinez na produkto rin siya ng “salamat po, doktor” dahil nagparetoke siya ng ilong.
Ayon kay AZ sa kanyang panayam sa vlog ni Karen Davila, nagpa-nose surgery siya when she was 18 at ginawa raw niya ito dahil frustration niya ang kanyang ilong habang lumalaki.
“Kasi ‘yung mom ko at ‘yung kuya ko, ang ganda ng ilong nila. Si kuya kasi, nagmana sa mom ko. Hindi ko nakuha ‘yung ilong ng mom ko, nakuha ko ‘yung ilong ng dad ko,” pagbabahagi ni AZ.
Dagdag niya, “Napu-frustrate ako growing up kasi lagi akong nakatingin sa kanila, magkakambal daw si Mommy at si Kuya, ako, saan daw? Na-insecure ako sa nose ko and ‘yun, naisip ko for my 18th birthday, I got it done.”
Pero tila may pagsisisi siya dahil aniya, sana ay pinag-isipan muna niya ito bago ginawa. Gayunman, happy naman daw siya sa nose niya ngayon.
“Right now, like thinking about it, I wished I should have thought about it more. Kasi looking back, tinitingnan ko ‘yung photos ko, nasasabi ko, parang it wasn’t that bad naman. Parang nakaya ‘pag contour-contour lang. Pero happy ako sa nose ko,” aniya.
Pagre-reveal pa niya, “Actually, this is my second time kasi ‘yung first ko, it got infected, so this one I got it done last year again.”
Nang matanong kung ano ang maipapayo niya sa mga taong gusto ring magparetoke, sey ni AZ, “Think about it talaga, kasi sometimes, nagre-regret ako. May times na napapaisip ako na sana, hindi na lang. Ang gastos din, parang ganu’n. Pero whatever makes you happy, whatever makes you confident, go for it.”
Payo rin niya na mahalin ang sarili, something na dapat daw ay ginawa rin niya.
“Learn to also love yourself without those stuff, kasi parang that’s one thing na I should have done. One of my regrets also is hindi ko masyado minahal ang sarili ko kaya I jumped into impulsive decisions na hindi naman necessary, o hindi naman dapat sana. Na puwede pa sanang gawan ng iba pang paraan, na pag-isipan pa,” pahayag ni AZ Martinez.






