top of page
Search

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | August 15, 2025



Photo: Neil Arce at Angel Locsin - IG


Hindi pa masabi ni Neil Arce kung kailan ba talaga ang much-awaited return sa showbiz ng misis niyang si Angel Locsin.


Sa panayam ng ABS-CBN sa producer/businessman ay natanong siya kung kailan nga magbabalik ang aktres sa mundo ng pelikula at telebisyon.


“I haven’t asked her. I never ask her when she wants to come back,” ang sagot ni Neil.

Sa tanong kung bakit hindi niya tinatanong ang misis, ang kanyang paliwanag, “‘Cause I know that she is a strong independent woman, I married an alpha queen, and I respect that.”


Dagdag niya, “Kung ano ang gusto n’yang gawin, as long as nasa tama, she has my support.”

At ang latest update kay Angel? Nahihilig daw ngayon sa gaming ang aktres at nag-enroll pa sa online classes.


“I think everyone knows that she’s into gaming. She’s taking online classes, and she’s enjoying herself,” tsika ni Neil.


“And we all know her dad just passed away. She’s taking her time. I’m giving her own space to adjust to everything that has happened,” saad pa niya.


Natanong nga rin siya kung ano ang online classes ni Angel at sey niya, hindi niya rin masyadong naiintindihan.


Aniya, “Sorry pero hindi ko rin maintindihan kasi it’s about gaming. Hindi ako gamer.”

Pero suportado raw niya ang misis kung saan ito masaya.


Sey pa niya, “Basta happy s’ya. I always ask her, ‘Are you happy?’ and alam ko naman kung totoo o hindi, and sabi n’ya, happy naman s’ya.”


Of course, kung si Neil ang tatanungin, gusto rin niyang magbalik sa pag-arte si Angel.

“I’m her husband, lover, everything and I’m also a fan. Deep inside, of course, I miss her on the screen. Pero nangunguna ‘yung pagka-husband, eh. Kung saan ka masaya,” sey ng mister ni Angel Locsin.


Well, ano naman kaya ang mga online games na kinahihiligan ng aktres? Ito kaya ang dahilan nang matagal niyang pagkawala?



BAGONG tagumpay ang muling natamasa ng GMA Pictures-produced films na Green Bones (GB), Balota, at Hello, Love, Again (HLA) dahil sa mga nominasyong natanggap nito sa 73rd FAMAS Awards 2025.


Nakuha ng award-winning film na GB ang mga nominasyong Best Picture, Best Screenplay, Best Sounds, Best Visual Effects, Best Musical Score at Best Editing. Nominado rin sina Dennis Trillo bilang Best Actor, Ruru Madrid bilang Best Supporting Actor, Alessandra de Rossi bilang Best Supporting Actress, at Zig Dulay bilang Best Director.


Nasungkit din ng top-grosser film na Balota ang nominasyong Best Picture at Best Screenplay, habang nominado naman si Marian Rivera para sa Best Actress at Will Ashley para sa Best Supporting Actor.


Hindi rin siyempre pahuhuli ang HLA na nominado sa kategoryang Best Production Design, Best Musical Score, at Best Editing. Nakuha naman ni Alden Richards ang nominasyon para sa Best Actor at si Kathryn Bernardo para sa Best Actress.

 
 

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | August 13, 2025



Photo: Vice Ganda at Cristy Fermin


Sinasabi na nga bang hindi palalampasin ng veteran writer-TV host na si Cristy Fermin ang mga patutsada ni Vice Ganda sa kanya.


Inokray-okray kasi ng It’s Showtime (IS) si ‘Nay Cristy sa katatapos lamang na concert nito na Super Divas (SD) with Regine Velasquez na ginanap sa Araneta Coliseum.


Sa isang bahagi ng concert ay nilapitan ni Vice Ganda ang magkaibigang Lassy Marquez at MC Muah na nasa audience at hirit niya sa dalawa, “So you made it. Bakit kayo nandito? Magagalit si Cristy Fermin! Akala nila, magkakaaway tayo, sisirain ninyo ‘yung narrative. Mawawalan sila ng content.”


Tawa naman nang tawa sina MC at Lassy sa patutsada ni Vice kay ‘Nay Cristy.

Last Monday, sa live episode ng Cristy Ferminute (CF) ay sinagot ni ‘Nay Cristy ang mga pasaring ni Vice.


Aniya ay hindi sila nag-iimbento ng balita at iginiit na mayroon silang batayan sa mga sinabi nila tungkol sa issue ng tatlong magkakaibigan.


“Ano’ng content? Ano? Inimbento namin ‘yung kuwento? Hindi kami nag-iimbento ng kuwento. May binasa kami. Alam mo ‘yan, MC!” mariing wika ni ‘Nay Cristy.

“Naku, ha! ‘Wag na kayong mag-utuan. At ‘wag n’yo kaming gamitin,” sey pa ng batikang manunulat.


“Lassy, MC, lalo ka na, MC, maano ngang magpakatotoo ka! Ano ba ang sinabi mo kay Vice? Ano’ng malay namin sa nangyari sa Palawan?


“Ano’ng alam namin sa Showtime? Ano’ng alam namin sa pagkakaibigan n’yo?” depensa pa niya.


Hirit pa ni ‘Nay Cristy kay Vice Ganda, “Mag-reality check ka, Vice. Nasa palibot mo lang ang mga ahas na tumutuklaw sa ‘yo. Puwede ba, magtigil nga kayo? Magpakatotoo nga kayo!”


Ang isyung pinag-uusapan dito ay nagsimula sa vlog ni Vice noong Mayo kung saan ay kinompronta ni Vice si MC sa harap ng mga kaibigan at sinabihang hindi ito marunong makisama.


Awang-awa si ‘Nay Cristy kay MC kaya naman nagbigay siya ng kanyang reaksiyon tungkol dito sa kanyang mga shows.


“Masyado akong naapektuhan para kay MC, ‘yung pagluha n’ya, ‘yung paghagulgol n’ya,” saad ni ‘Nay Cristy.



IN fairness, malaki ang posibilidad na makuha ni Vanderlei Zamora ang titulo bilang Mister Teenager Universe 2026 na gaganapin sa Surabaya, Indonesia sa April 2026. Ngayon pa lang kasi’y puspusan na ang ginagawang paghahanda ng binata para sa international competition.


“I’m conditioning my mind, preparing myself mentally, inspiring myself, I’m working out more,” sey ng binata nang makatsikahan namin sa sashing ceremony na ginanap kamakailan.


Vanderlei is only 17 years old, stands 5’10” in height at may dugong showbiz din dahil pinsan niya ang magkapatid na singers na sina Rannie and Lance Raymundo.

Si Lance ang nagsilbing host sa nasabing sashing ceremony and all-out ang kanyang support para sa kanyang pinsan.


Bukod kay Lance ay full-support din of course ang mga magulang ni Vanderlei na sina Dennis at Charlene Zamora, gayundin si National Director Charlotte Dianco at ang buong Spring Fairy Entertainment Productions.


Nasa Grade 12 pa lang ngayon si Vanderlei at plano niyang kumuha ng Theater Arts sa kolehiyo dahil pangarap niyang maging full-fledged actor.

Pero sa ngayon ay naka-focus siya sa pageant at gagawin daw niya ang lahat ng makakaya para maiuwi ang titulo.


“The main goal is to win, it’s a dream come true kapag nangyari ‘yan. A part of that main goal is to enjoy the moment, be the best it can be and also to discover myself. Because apart from the pageantry, I will learn a lot of things like ethics, understanding people,” saad ng binata na ang advocacy ay mental health awareness.


Hindi pa man nananalo ay nakaka-proud na si Vanderlei dahil first pageant niya itong sinalihan at sa international competition na agad siya lalaban.


“This is my first pageant. I wanted to join because personally, I love challenges. I like challenging myself, I like developing, trying new things,” aniya.


Dumalo rin sa nasabing sashing ceremony sina Miss Teen Universe Philippines 2025 Chiara Mae Vizcaya Gottschalk, Miss Teen Earth Philippines Meridith Bobadilla at si Miss Teen Model International 2024 2nd Runner Up Dharella Anne Alconcel para magbigay ng suporta at encouragement kay Vanderlei.

 
 

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | August 9, 2025



Photo: Sandro Muhlach - IG


Invited umano si Sandro Muhlach sa GMA Gala 2025 na ginanap last Aug. 2 pero mas pinili na lang ng aktor na hindi na dumalo sa event and apparently, because of obvious reason.


Sa latest vlog ni Ogie Diaz na Showbiz Update (SU) ay isa ito sa mga napag-usapan nila ng kanyang mga co-hosts.


“To be honest, si Sandro Muhlach ay invited. Pero pinili nu’ng bata na ‘wag um-attend. Kasi una, kung a-attend s’ya, maaalala na naman n’ya,” sey ni Ogie.


Obviously, ang tinutukoy niyang maaalala ni Sandro ay ang masakit na karanasan nito sa GMA Gala 2024 kung saan nga ay inireklamo niya ang diumano’y panghahalay sa kanya ng dalawang independent GMA contractors na sina Jojo Nones at Richard Cruz.


Sey pa ni Ogie, “Pangalawa, pagpipiyestahan na naman s’ya. S’yempre, itatanong na naman du’n, ‘pag may naka-corner sa kanya. ‘O, ano’ng feeling naka-attend ka na naman? Wala bang nag-imbita after Gala?’ So, ayaw na n’yang ganu’n.”


Pero dumalo naman daw ang girlfriend ni Sandro na si Shanelle Agustin sa nasabing Kapuso event.



NAGLABAS ng official statement si Sen. Lito Lapid bilang paglilinaw sa kanyang ‘yes’ vote para i-archive ang impeachment complaint laban kay Vice-President Sara Duterte.


Isa si Sen. Lapid sa 19 senators na bumoto ng ‘yes’ to archive the Articles of Impeachment against VP Duterte sa ginanap na botohan sa Senado last Wednesday, Aug. 6.


Sa official statement na inilabas ng senador/action star last Thursday ay ipinaliwanag niya ang dahilan kung bakit ‘yes’ ang kanyang boto.


“Oo ang ating boto sa pag-archive ng impeachment complaint laban kay Vice-President Sara Duterte dahil sinusunod at iginagalang po natin ang desisyon ng Korte Suprema.


“Ang pag-archive ng Senado sa impeachment case ni VP Duterte ay hindi nangangahulugan na meron o wala s’yang kasalanan. Mas mabuti pa ring mapakinggan at maipaliwanag niya ang kanyang panig sa mga paratang ng House of Representatives,” pahayag ni Sen. Lito.


“Kung sakali man at ma-grant ang motion for reconsideration na inihain ng Kamara sa Korte Suprema, ang inyong Senado ay nakahandang ipagpatuloy ang paglilitis laban sa Bise-Presidente.


“Ang anumang debate sa pagpapatuloy ng paglilitis ay wala pong saysay sapagkat lalabagin ng Senado ang pasya ng Supreme Court. Ang Hudikatura at Senado ay pantay na mga sangay ng ating pamahalaan.


“Gayunpaman, kinakailangan na magkaroon ng checks and balances, kaya nand’yan ang Korte Suprema upang ipaintindi ang Saligang Batas. Walang ibang maaaring umintindi sa 1987 Constitution kung hindi ang Supreme Court,” paliwanag pa ng senador.


“Naniniwala po tayo na ang rule of law at due process ang dapat manaig sa ating bansa dahil kung hindi ay magkakagulo po at masama ito sa ating ekonomiya at matatakot ang mga investors,” saad pa niya.


Sa huli ay umapela si Sen. Lapid sa lahat na irespeto ang desisyon ng Supreme Court at hiniling din na magkaisa para sa katahimikan ng bansa.


“Bagama’t magkakaiba ang ating paniniwala at paninindigan sa isyu, nais ko pong umapela sa magkabilang panig na irespeto natin ang naging desisyon ng Supreme Court at magkaisa para sa katahimikan at pagtugon sa problema ng ating mga kababayan,” aniya.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page