top of page
GMMTV vs Showbiz All-Star - Star Magic.jpg
Search

ni VA - @Sports | March 29, 2021




Kasabay ng kanyang naging pasasalamat sa ikalawang pagkakataon na napili siya bilang Philippine Sportswriters Association (PSA) Athlete of the Year, nagangako rin ang lady golfer na si Yuka Saso na mas lalo pa niyang pagbubutihin ang paglalaro para patuloy na makapagbigay ng karangalan sa ating bansa. Sa kanyang acceptance speech sa pagtanggap nya ng prestihiyosong parangal, pinasalamatan ni Saso ang PSA sa pagkilala sa kanyang nagawa. “Thank you PSA for recognizing me again as your Athlete of the Year,” wika ng 19-anyos na si Saso sa kanyang video message na ipinadala mula sa Japan kung saan kasalukuyan siyang nakabase. Sanhi ng mahigpit niyang schedule at sa mga umiiral na ring mga travel restrictions kung kaya hindi nakapunta si Saso para personal na tanggapin ang kanyang award sa idinaos na virtual rites noong Sabado ng gabi sa TV5 Media Center sa Mandaluyong City. Ito ang pangalawang beses na nakatanggap ng parangal si Saso bilang Athlete of the Year kasunod ng nauna niyang pagwawagi kasalo ng kanyang mga Asian Games gold medalist teammates na sina Bianca Pagdanganan at Lois Kaye Go at ng weightlifter na si Hidilyn Diaz at

skateboarder na si Margielyn Didal noong 2019. “It’s really a big honor for me and my family,” dagdag pa ng golfer na itinataguyod ng ICTSI. Unanimous choice si Saso para sa pangunahing parangal dahil sa naitalang dalawang panalo sa kanyang rookie campaign sa LPGA of Japan Tour sa nakalipas na pandemic-hit season. “I will continue to work hard to give glory to the country,” pangako pa ni Saso.



 
 

ni VA - @Sports | March 27, 2021




Nakatakdang makipagsapalaran ang apat na Filipino windsurfers para mag-qualify sa darating na Tokyo Olympics sa buwan ng Hulyo sa kanilang gagawing pagsabak sa 2021 Mussanah Open Championship na idaraos sa Oman.


Nasa bansang Oman na ang mga atletang Pinoy na pinangungunahan ni 2-time RS: One world champion Geylord Coveta. Nakarating sila roon noon pang Martes at handa ng lumahok sa gaganaping Asian and African Olympic qualifying competition na nakatakda sa Abril 1-8. Bukod kay Coveta, sasabak din sina 2019 Southeast Asian Games gold medalist Yancy Kaibigan at Renz Angelo Amboy para sa nakatayang nag-iisang Olympic slot sa RS:X Male event.


Si 2019 SEA Games silver medalist Charizzanne Jewel Napa ay isa sa apat na babaeng windsurfers na mag-aagawan sa nag-iisa ring nakatayang Olympic berth sa RS:X Female event. Ang tatlo pa niyang makakalaban ay mula sa Indonesia, Singapore at Algeria. Nagpapasalamat si Philippine windsurfing team head coach Raul Lazo, na naimbita ang apat na Pinoy windsurfers na lumahok sa naturang Olympic qualifier kahit na wala silang nasalihang anumang kompetisyon dahil sa COVID-19 pandemic.


Kumpiyansa rin si Lazo sa tsansa ng mga Filipino windsurfers na ilang buwan ding nagtiyagang magsanay sa isang resort sa Mabini, Batangas kahit may pandemya. "We're thankful for the local government of Mabini for being cooperative for the training of our athletes. As early as last year, we're preparing already amid the pandemic," wika ni Lazo. Target ng apat na masundan ang ginawa ni Richard Paz na nag-qualify at nakalaro noong 1988 at 1992 sa Olympic windsurfing competitions.





 
 

ni VA - @Sports | March 24, 2021




Binabalak at desididong ituloy ng National Collegiate Athletic Association (NCAA) ang pagdaraos ng kanilang 96th season sa pamamagitan ng pagsubok na magsagawa ng mga piling events na maaaring gawin sa gitna ng mga limitasyon dulot ng coronavirus pandemic.


Ang naunang planong magdaos ng closed-circuit format para sa 5-on-5 basketball tournament ay isina-isantabi muna nila ayon kay NCAA Management Committee head Fr. Victor Calvo, O.P. ng host Letran nang maging panauhin noong Martes sa lingguhang PSA forum webcast. "There was a proposal, but like any other league, we've done risk and costs analyses, and we decided that it was very risky and very costly, so we will not push for it," pahayag ni Calvo.


Nagkasundo ang NCAA at ang kanilang television partner na GMA-7 na magdaos ng apat na events para sa first semester na kinabibilangan ng online chess, taekwondo kasama ang poomsae, men's basketball at women's volleyball skills challenges at 3x3 basketball, kung alin ang papayagan ng mga kinauukulan. Nakatakda nilang simulan ang mga nasabing events sa unang linggo ng Mayo. Nakapaloob sa proposals ang mga events na ginawa sa NBA All-Star Weekend Skills Challenge gaya ng Three-Point Shootout at Slam Dunk Contest. Ayon pa kay Calvo, naisumite na nila ang nasabing plano sa Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases, Department of Education at Commission on Higher Education. "Our legal department already sent a letter requesting a dialogue for a sort of talk with them in order how to do it," wika ni Calvo. Kaugnay naman ng pagbabakuna sa kanilang student-athletes at officials, nakipag-ugnayan na ang liga sa pamilya Campos, ang may-ari ng Emilio Aguinaldo College at ng pharmaceutical company na Unilab ang napaulat na distributor ng COVID-19 vaccine Covovax sa pribadong sektor.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page