ni VA - @Sports | May 20, 2021

Maghihintay na lamang ng clearance mula sa International Basketball Federation (FIBA) ang Ateneo center na si Angelo Kouame upang tuluyang makapaglaro para sa Gilas Pilipinas.
Naging pinakabagong naturalized center ng Gilas Pilipinás si Kouame matapos na lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang naturalization nito base sa ginawang anunsiyo ng Samahang Basketbol ng Pilipinas noong Martes ng hapon.
Kapag nabigyan ng clearance mula sa FIBA, puwede ng maglaro si Kouame para sa Gilas sa darating na Fiba Asia Cup qualifiers na gaganapin sa Clark sa susunod na buwan at sa Olympic Qualifying Tournament sa Serbia. “Kouame will now undergo the final steps required by FIBA before a naturalized player can suit up for a country and we are confident that he’ll be able to play during our hosting of the FIBA Asia Cup Qualifiers and the FIBA Olympic Qualifying Tournament in Serbia,” ayon sa statement na inilabas ng SBP. “Although Kouame’s presence is crucial for these two tournaments, having him as an official member of the squad in the upcoming games is an early investment as we build towards the 2023 FIBA Basketball World Cup.”
Kasamang nagsasanay ang 6-foot-10 Ivorian center ng Gilas, na muling pumasok sa bubble nila sa Laguna noong nakaraang buwan. Ang pagkakadagdag ni Kouame sa lineup ng Gilas Pilipinas ay makakatulong ng malaki para sa Philippine team.




