top of page
GMMTV vs Showbiz All-Star - Star Magic.jpg
Search

ni Anthony E. Servinio / VA - @Sports | September 30, 2021



Nakatagpo na rin ng venue na pagdarausan ng pinakamalaking international football competition sa ASEAN region.


Sa kanilang opisyal na anunsiyo noong Martes ng gabi, napili ang Singapore ng mga miyembro ng ASEAN Football Federation council para maging host ng 2020 (edition)AFF Suzuki Cup. “We welcome the ASEAN Football Federation’s selection of Singapore as host of the 2020 AFF Suzuki Cup,” ayon kay Philippine Football Federation President Mariano Araneta. “Singapore has a wonderful track record in hosting major competitions and we are confident that this year’s AFF Suzuki Cup will be conducted with the health and safety of players and staff as the main priority amid the COVID-19 pandemic."


Naunang itinakda noong Nob. 23 - Dis. 21, 2020,sa isang home-and-away format, na-postponed ito dahil sa COVID-19 pandemic.

Mabuti na lang at naging matagumpay ang mga pagdaraos ng biosecurity bubbles para mapanatiling ligtas ang sports events na sinamahan pa ng malawakan na pagbabakuna sa mga bansang patuloy sa paglaganap ang coronavirus.


Singapore is not on the red list in terms of COVID-19 restrictions in other countries so I think traveling there will be easier. What is important for us is to assemble the right team for this tournament considering all the restrictions on different countries from where our players will come from,” wika naman ni long-time Philippine Azkals team manager Dan Palami.

Matapos ang apat na semifinal finishes noong 2010, 2012, 2014, at 2018, umaasa ang mga Azkals na makakaabot sila ng finals sa unang pagkakataon ngayong taon.

Kasama ang tropa ni Coach Scott Cooper sa Group B kasama ng host nation Singapore, Thailand, Myanmar, Timor Leste at Brunei Darussalam. “I think for now we can’t have early training camps, unlike Singapore or Thailand, can because our players are scattered worldwide and that’s still going to be a logistical challenge for us to see who we can bring in like the players who aren’t in season and the players in season,”wika ni Cooper.

Ang torneo ay idaraos sa Dis. 5 hanggang Enero 1, 2022.

 
 

ni VA / MC - @Sports | September 29, 2021




Kung ihahambing sa pakikipag-away o basag-ulo, mistulang bugbog-sarado ang inabot ng Gilas Women's squad sa kamay ng nakatunggali nilang mga higanteng China nang gapiin sila ng huli sa 91-puntos,143-52 sa pagbubukas ng FIBA Women's Asia Cup sa Prince Hamza Hall sa Amman, Jordan.


Binubuo ng isang powerhouse crew na kinabibilangan ni WNBA player Han Xu, literal na dinurog ng mga Chinese ang mga Filipina dribblers. Nagtala si Han, na lumagda sa New York Liberty para sa WNBA ng 17 puntos, 6 rebounds, 3 assists at 1 block habang pito pa niyang kakampi ang tumapos na may double figures.


Naging mabigat para sa Pinay ang nagawa nilang fouls, 24 turnovers na nai-convert ng China sa 34 points.

Nanguna sa Gilas si Afril Bernardino na may 17 puntos, 7 rebounds, 2 steals at 2 blocks.Nag-iisa sIyang nakapagtala ng double digit para sa Nationals.

Tanging sa bungad lamang ng laro nakuhang sumabay ng Gilas Women kung saan 5 puntos lamang ang agwat ng China ,10-15, may 5 minuto pang natitira sa first quarter kasunod ng 3-pointers mula kina Ana Castillo at Ria Joy Nabalan.

Ngunit mula roon, lumayo ang China sa iskor na 35-17 papasok ng second period. Lumobo pa ang naturang bentahe sa 108-38 patungo sa fourth canto.


Nanguna sa nasabing panalo si Yang Liwei na may 21 puntos, 5 assists, at 5 steals. Sunod na makakalaban ng Gilas Women sa Group B ang Australia ngayong Miyerkules ng alas- 12:00 ng hatinggabi, oras dito sa Pilipinas. ISKOR: CHINA 143 — Yang L 21, Li YR 18, Han 17, Li Y 13, Zhang 13, Li YF 13, Yang H 11, Wang 10, Huang 9, Pan 9, Wu 7.

PHILIPPINES 52 — Bernardino 17, Pontejos 7, Prado 6, Fajardo 6, Nabalan 5, Castro 5, Castillo 3, Clarin 3, Cabinbin 0, Tongco 0, Pingol 0, Cayabyab 0. Quarters: 35-17, 69-29, 108-38, 143-52

 
 

ni MC / VA - @Sports | September 14, 2021



Matapos itala ang bagong Asian pole vault record, nagtapos na pang-apat ang Filipino Olympian na si EJ Obiena sa ISTAF Berlin tournament sa Germany noong Linggo (oras doon).

Nakatatlong attempts si Obiena bago natalon ang taas na 5.81-meters.Nagtangka siyang tumalon sa 5.91 meter mark matapos likdangan ang 5.86 meters, ngunit bigo siyang ma clear ang nasabing level.

Dahil dito, hindi umabot sa podium ang Filipino pole vaulter na tumapos lamang siya sa 4th kasunod ng mga Amerikanong sina Sam Kendricks(5.91m), Christopher Nilsen (5.91m)at KC Lightfoot (5.81m)na siyang kumopo ng gold silver at bronze ayon sa pagkakasunod.

Nakopo ni Lightfoot ang bronze dahil natalon niya ito sa una niyang attempt kumpara kay Obiena na nakatatlong attempts.

Samantala, nagbonding muna ang magkapatid na sina Kiefer at Thirdy Ravena sa Japan bago maglaro sa paparating na Japan Professional Basketball League (B.League) season.

Nitong Linggo, nag-post si Kiefer ng litrato na magkasama sila ni Thirdy na may caption na: “Backpackin’ around the world til the dream comes true..”


Ayon sa ulat, nasa Japan si Kiefer upang ayusin ang ilang mga dokumento para sa kanyang paglalaro sa Japan B. League. Pero, babalik pa rin umano ito sa Pilipinas upang tapusin ang PBA Philippine Cup sa NLEX Road Warriors.


Samantala, nagsisimula nang mag-ensayo si Thirdy kasama ang NeoPhoenix. Ilan lamang ang magkapatid na Ravena sa walong Filipino players na lalaro sa Japan para sa paparating na season.


Lalaro rin sina De Liaño brothers Juan at Javi, Ray Parks, Kobe Paras, Dwight Ramos, at Kemark Cariño sa ilalim ng Asian Player Quota para sa ibang teams. Nakatakdang magsimula ang B.League season sa September 30.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page