top of page
GMMTV vs Showbiz All-Star - Star Magic.jpg
Search

ni Delle Primo / VA - @Sports | May 20, 2022



Perpekto ang naging simula ng National University sa UAAP Season 84 women's volleyball tournament nang walisin ang University of the Philippines (UP)sa Mall of Asia Arena.


Pumalaot ang Lady Bulldogs 25-10, 25-20, 25-15 victory, umibayo sa 7-0 ng elimination round ang pinakamalupit na simula ngayong season.


Samantala, nasagap ng Fighting Maroons ng ikaapat na diretsong talo upang tapusin ang first round sa 3-4 win-loss slate.


May 13 puntos si rookie star Michaela Belen, lahat sa kills habang si skipper Princess Robles ay dumagdag ng 12 markers kasama ang 12 digs, at may 11 puntos si Ivy Lacsina. Rumehistro ang NU ng 44 kills para sa 26 lang ng UP, at nalimitahan ang errors sa 16.


"Kailangan din namin 'tong panalo na 'to going to the second round. Kasi momentum namin 'to para ma-motivate lalo 'yung team at makapag-prepare pa kami para sa mga mas mahirap na game sa second round," ayon kay NU head coach Karl Dimaculangan.


Sa unang laro, tinapos ng Adamson ang first round sa pamamagitan ng panalo matapos walisin ang University of the East (UE), 25-23, 25-20, 25-18.


Dahil dito, nakabawi ang Adamson sa huling kabiguan nito sa kamay ng University of Santo Tomas para tumapos na may 4-3, panalo-talong baraha habang tumapos naman ang Lady Warriors na wala ni isang panalo (0-7).

Pinangunahan ni May Ann Nuque ang nasabing panalo ng Adamson sa iniskor na 15 puntos, kasunod si Lorene Toring na may 14 puntos at katuwang ang playmaker na si Louie Romero na nagtala ng 19 excellent sets. Nanguna para sa UE si Ja Lana na may 16 puntos kasunod si Ercae Nieva na may 14 puntos.

 
 

ni GA / MC / VA - @Sports | May 18, 2022



Unang gintong medalya para sa PHL swimming team ang naibulsa ni Chloe Isleta sa 31st SEAG, Lunes ng gabi sa Hanoi, Vietnam.


Pinagreynahan ni Isleta ang women's 200m backstroke sa My Dinh Water Sports Palace makaraang mabilis na tumapos sa 2 minuto at 18.60 segundo.


Noong 2019 SEAG, 3 medalya ang nakuha ni Isleta, silver sa 100m backstroke, bronze sa 200m backstroke, at silver sa 4x100m medley relay kasama ang teammates na sina Desirae Mangaoang, Remedy Rule, at Jasmine Alkhaldi.


Samantala, hindi naman inaasahan ni Clinton Kingsley Bautista na magwagi, pero nanatili ang lakas sa 110-meter crown at nakuha ng PHL athletics ang three golds sa 31st SEAG na idinaos sa My Dinh National Stadium.


Ang 29-anyos na si Bautista, tanging purong Pinoy ang nagwagi sa 110-meter hurdles sa SEAG, ay nakadalawang sunod na ginto sa event, kasunod ng paggiba sa record na 13.78-second run mula sa dati niyang 13.97 noong 2019 PHL SEAG. Silver si Chen Xiang ng Singapore (13.940) at third placer si Natthaporn Dansungnoen (13.99) ng Thailand.


“Hindi ko expected ito, kasi sila (Thai and Singaporean) ang may leading time bago itong SEA Games,” ani Bautista bago ang men's 4x100.


Third gold ito para sa athletics kung saan unang naka-gold si EJ Obiena sa pole vault at William Morrison sa shotput.


Namanhid naman ang mga paa ni pole vaulter Natalie Uy kaya hindi nadepensahan ang korona matapos ang 3 foul jumps, kaya nakuha ni Malaysian Nor Sarah Adi Binti ang kanyang trono. “Hindi niya raw maramdaman ang legs niya, maaring pagod sa mahabang byahe,” ayon kay pole vault coach Emerson Obiena na nakabase sa Kettering, Ohio.

 
 

ni VA / MC / GA - @Sports | May 16, 2022



Nakabawi si Filipina wushu athlete Agatha Wong sa Taijijian (taolu) event, habang tagumpay din sa ikalawang gintong medalya si Kim Mangrobang sa women’s duathlon upang bigyan ng magkasunod na gintong medalya ang Pilipinas sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam.

Nabigong madepensahan ng 23-anyos na Filipina-Chinese na si Wong ang kanyang Taijiquan (taolu) event nitong nagdaang Sabado para magtapos sa silver medal, ngunit hindi ito pumayag na mawala pa ang isang titulo sa kanyang baywang nang makuha ang 9.71 puntos para higitan sina Thi Minh Huyen Tran (9.70) at Thi Kieu Trang Tran ng Vietnam para sa silver at bronze medal, ayon sa pagkakasunod.

I’m so thankful. We must remember na may pandemic. Kaya yung kahapon I was thankful naka-silver ako. Kahit bronze pa ‘yan I’d still be thankful,” wika ni Wong na inaasahan niyang mahihirapang manalo dahil sa maigsing panahon ng paghahanda at pagsasanay sa kanilang bubble training camp sa Manila. “I miss my family,” dagdag ni Wong.

Nabigyan niya ng kauna-unahang ginto ang wushu team kasama ang dalawang silvers at isang bronze medals.

Samantala, wala pang 24 oras matapos na magwagi ng ikatlong korona sa triathlon, nagreyna si Kim Mangrobang sa women’s duathlon kahapon, unang Pinoy athlete sa Vietnam 31st SEAG para sa back-to-back gold medals. “I prepared very well in two events, that's why I’m really happy with the result. I focused on my recovery and my conditioning coach, Annie Brown, did a beautiful job,” saad ni Mangrobang, na masusing nagsanay kasama ng national team sa Portugal.

Ang dobleng karangalan na hinatid sa bansa ay tsansa na niya para sa lalahukang duathlon race sa World Games sa Alabama, USA sa Hulyo 7. Sasabak din siya sa Asian Games 2023 at pakay ang slot sa Paris 2024 Olympics.

Babalik siya ng Pinas ngayong Lunes para makapagpahinga matapos ang makasabog-bagang 1.5K swim, 40K bike at 10K run sa triathlon event noong Sabado at sa duathlon standard distance na 10K run, 40K bike at 5K run. Makakatanggap si Mangrobang ng P600,000 bilang insentibo mula sa Philippine Sports Commission na pumondo sa kampanya ng national team. “I still don’t know what to do, maybe I’ll put it in the bank first,” ani Mangrobang, na nagreyna sa triathlon events noong 2017 at 2019 games.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page