top of page
Search

ni VA @Sports | January 16, 2023


ree

Matapos makumpleto ang mga hiningi sa kanyang mga dokumentasyon hinggil sa anti-doping test kung saan siya nagpositibo noong 2023, hinihintay na lamang ni GIlas naturalized player Justin Brownlee ang magiging hatol sa kanya ng FIBA.


Ayon kay Samahang Basketbol ng Pilipinas president Al Panlilio, naisumite na ni Brownlee lahat ng mga hiningi sa kanyang dokumentasyon hinggil sa nangyaring pagiging positibo nya sa carboxy-THC pagkaraang magwagi ng Gilas ng men's basketball gold sa Asian Games na ginanap sa Hangzhou, China. "It finally reached FIBA, sometime early or mid-December.


I think there were just some documentation and replies. Justin had to do that he submitted already because the deadline was last Monday, January 8, and we're just waiting for FIBA's final decision," wika ni Panlilio nang maging panauhing sa programa ni dating PBA commissioner Noli Eala na Power and Play sports program noong Sabado.Ayon pa kay Panlilio, tama lamang ang desisyon ni Brownlee na huwag maglaro para sa Barangay Ginebra sa idinaraos na PBA Season 48 Commissioner's Cup. "I think he (Brownlee) started to serve time, from the time the testing was done, sometime October 7 or 8, that's been counted already as time served," ayon pa kay Panlilio."We did guide Justin, 'don't play, stop playing for now.' And whatever decision that comes out, your time served started October 7."Noong Oktubre 7 ng nakaraang taon, nagpositibo ang urine sample ni Brownlee sa Carboxy-THC, isang gamot na may kaugnayan sa  cannabis na Isa namang prohibited substance ayon sa WADA (World Anti-Doping Agency).


Umaasa ang SBP na hindi gaanong magiging mabigat ang ipapataw na parusa kay Brownlee na nagsilbing bayani sa pagkapanalo ng Gilas ng gold medal makalipas ang 61 taon. Nakatakdang sumabak ang GIlas sa  2025 FIBA Asia Cup qualifier kung saan kabilang sila sa Group B kasama ng New Zealand, Chinese-Taipei at Hong Kong.     

 
 

ni VA @Sports | January 8, 2024


ree

Marami ang nagulat sa biglang paglipat nina Bea de Leon at Denden Lazaro-Revilla mula sa kanilang dating koponan na Choco Mucho Flying titans sa sister team nitong Cool Smashers.

 

Ang nasabing paglipat ay nangyari noong nakaraang Huwebes na nangangahulugang sa Cool Smashers na lalaro sina De Leon at Lazaro-Revills sa darating na 2024 Premier Volleyball League (PVL) season.

 

Kaugnay nito, magtatakda ang pamunuan ng liga ng mga panuntunan upang maiwasan ang mga kahalintulad na pangyayari sa pagitan ng mga magkakapatid na koponan kasabay ng pagsasagawa ng Draft at pagkakaroon ng trade rules upang matiyak ang pagkakaroon ng pagkakapantay ng mga koponan ayon kay league president Ricky Palou. “We have no rule on that as we speak,” ani Palou nang tanungin kung alam nila ang nasabing paglipat ng dalawang dating Ateneo standouts. “It was obviously done by sister teams, because they (Flying Titans) rarely used Bea (de Leon) under their new coach, and they (Cool Smashers) lost Ced (Domingo). “It was obviously a move to help a sister team out,” dagdag pa ni Palou. “Creamline knows that they need a middle (blocker) with Domingo out.”Sa kanyang pagbabalik mula Thailand kung saan naglaro siya bilang import para sa Nakhon Ratchasima ay sa Akari na maglalaro si Domingo. “In the future, when the Draft starts, there will surely be no trades between sister teams,” wika pa ni Palou.


Matapos na mag-disband ang koponan ng F2 Logistics, nagsimula ng magkaroon ng matinding rigodon ng mga players  kung kaya pinalakas din ng Creamline ang kanilang line-up.


Umaasa si Palou na wala ng mangyayaring lipatan o palitan ng players sa sandaling mailatag na at ipatupad ang mga kaukulang detalye sa Draft. “For sure, top picks will not be eligible for trades for whatever reason,” ani Palou.  

 
 

ni VA @Sports | November 14, 2023


ree

Kapwa itinanghal na kampeon ang men's at women's team ng Ateneo de Manila sa pagtatapos ng Season 86 UAAP badminton tournament.

Nakamit ng Blue Eagles ang kanilang ika-4 na sunod na women’s badminton crown matapos dispatsahin ang University of the Philippines Fighting Maroons, 3-1, sa finals na idinaos noong nakaraang Linggo-Nobyembre 12 sa Centro Atletico Badminton Center sa Quezon City.

Nauna rito, winakasan ng Ateneo ang pitong taong dominasyon ng National University matapos nilang ungusan ang huli, 3-2 sa title match ng men's division.

Itinanghal ang mga Ateneo stars na sina Mika de Guzman at Jochelle Alvarez bilang women’s Most Valuable Players, habang nahirang naman sina Arthur Salvador at Lyrden Laborte bilang MVPs sa men’s side.


Samantala, napili naman ang nagsilbing bayani sa tagumpay ng Ateneo na si Lance Vargas bilang Rookie of the Year.

Ang nasabing titulo ang ikapitong women's championship na nakamit ng Ateneo, isang panalo na lamang na nahuhuli sa UP na mayroong walo.


Nakopo naman ng men’s team ang una nitong kampeonato makalipas ang sampung taon.


Huling nawalis ng Ateneo ang men's at women's titles ng UAAP noong Season 76, sampung taon na ang nakalilipas.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page