top of page
SB19 at BINI PH - IG.jpg
Search

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | May 23, 2026



TEKA NGA - VINCENT, SINUSUYO RAW ULI SI BEA-FB Circulating

Photo: FB / Circulated



Usap-usapan ngayon sa social media ang diumano’y panunuyo o muling panliligaw ni Vincent Co kay Bea Alonzo. 


Ayon sa mga ulat, handa umano ang billionaire businessman na gawin ang lahat upang maipagpatuloy ang kanilang relasyon at ang kanilang pagpapakasal, kabilang ang muling pag-aayos nito na gaganapin sana sa Spain.


Gayunman, tila hindi ito magiging madali dahil may usapin umano tungkol sa prenup agreement at kung papayag ang pamilya ni Vincent sa plano ng kasal. 


Well, may tsika na dati nang tinutulan ng mga magulang ni Vincent Co ang una niyang GF noon, kaya nananatili siyang single hanggang sa edad na 45.


Samantala, abala si Bea sa kanyang pagbabalik-taping para sa bagong serye sa GMA-7 na Whispers from Heaven (WFH). Nabili rin niya ang isang high-end condo sa Rockwell, na personal niyang inaasikaso.


Ayon sa usap-usapan, doon sana titira sina Bea Alonzo at Vincent Co kung natuloy ang kanilang kasal sa Spain noong May 16.





Sa edad 31, multi-millionaire na…

DAVID, TODO-PAYAMAN, ‘DI PRIORITY ANG BABAE



NGAYONG matatapos na ang Never Say Die (NSD), nag-aabang ang BarDa (Barbie Forteza at David Licauco) fans sa susunod na proyekto ni David Licauco sa GMA Network. 


Umaasa rin sila sa muling pagtatambal ng dalawa sa isang bagong proyekto.

Gayunman, mukhang matatagalan pa ang muling pagsasama nina Barbie at David sa isang serye. May project ang aktres kasama si Megastar Sharon Cuneta. Malaking proyekto ito at committed si Barbie sa serye.


Samantala, nakatuon ngayon si David sa kanyang mga negosyo. Nasa peak siya ng pagpapalawak ng kanyang mga itinayong negosyo. 


Mayroon siyang food and beverage business, ang Sóbra Café, at ang Korean-inspired na restaurant na Kuya Korea. May mga food franchise rin siya.


May sarili rin siyang construction company, at nagsisimula na ang construction ng kanyang resort sa Siargao. 


Ginagawa niya ang lahat ng ito kasabay ng kanyang career.

Sa edad na 31, isa nang ganap na multi-millionaire si David Licauco kaya hindi niya magawang magseryoso sa pag-ibig.





NAG-AANYAYA si Wilson Lee Flores sa araw na ito sa book launching ng veteran actress na si Boots Anson-Roa na gaganapin sa coffee shop ng Kamuning Bakery.


Matutunghayan sa librong Grateful ang journey ng buhay ni Ms. Boots at ang kanyang mahusay na pamamahala sa Movie Workers Welfare Foundation, Inc. (MOWELFUND).


Bahagi ng kikitain ng librong Grateful ay ibabahagi sa foundation. 

Inaasahan na tatangkilikin ng mga kapwa celebrities ni Boots ang naturang libro.





NAKAGAWIAN na ng mga Pinoy viewers ang panonood ng sitcom na Pepito Manaloto (PM) tuwing Sabado ng gabi sa GMA-7. Tipikal na Pinoy ang kuwento ng comedy-drama series na masang-masa ang appeal.


Swak ang tandem nina Manilyn Reynes at Michael V. bilang sina Elsa at Pepito, na mala-young John at Marsha (Dolphy and Nida Blanca).


Bumagay din sina Jake Vargas at Angel Satsumi bilang kanilang mga anak, habang markado rin ang papel ng veteran comedienne na si Nova Villa.


Si Angel ay 6 years old pa lamang nang maging bahagi ng PM at doon na rin nag-debut sa show. 


Si Jake Vargas naman ay binatilyo pa noon at ngayon ay malapit na ring mag-asawa.


Inaabangan ng mga viewers kung kailan gagawa ng episode ang PM kung saan ipakikilala na ni Jake kina Elsa (Manilyn R.) at Pepito (Michael V.) ang babaeng kanyang pakakasalan. Gayundin, kung magkakaroon na ba ng mga manliligaw at boyfriend si Clarissa (Angel), at kung paano tatanggapin nina Elsa at Pepito ang pag-alis ng kanilang mga anak.


 
 

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | May 21, 2026



TEKA NGA - GASTOS SA PAGDODOKTOR NI RABIYA, SAGOT NI JAKE-IG _juancarloscuenca

Photo: IG _juancarloscuenca



Usap-usapang iiwan na umano ng beauty queen-aktres na si Rabiya Mateo ang showbiz at desidido nang mag-aral ng medisina sa University of Santo Tomas (UST). 


Balitang ang BF niyang si Jake Cuenca ang nangakong sasagot sa lahat ng gastusin niya sa pag-aaral. At bago pa mag-enroll si Rabiya ay ipinasyal muna siya ni Jake sa Hong Kong Disneyland.


Well, mukhang seryoso na nga ang aktor kay Rabiya dahil handa nitong gastusan ang pag-aaral ng GF.


Marami naman ang nagtatanong kung kakayanin at hindi pagsisisihan ni Rabiya ang desisyon niyang talikuran ang showbiz at ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral ng medisina.


Gusto ni Rabiya Mateo na matupad ang pangarap niyang maging ganap na doktora. At least, naging beauty queen naman siya at nabigyan ng pagkakataong maging artista.

Hindi ang showbiz ang kukumpleto sa kanyang kaligayahan kundi ang katuparan ng kanyang pangarap na maging doktora.


Well, hindi pa kumpirmado na tuluyan na ngang iiwan ni Rabiya Mateo ang showbiz. Wait na lang natin ang statement niya.





‘Di tumagal, aktor nainlab kay Janine…

ECHO, GINAMIT LANG NI KATHRYN PARA PAGSELOSIN SI DANIEL



HINDI raw totoo ang tsismis na bago pa nanligaw si Jericho Rosales kay Janine Gutierrez ay pumorma muna siya kay Kathryn Bernardo. Ito ay noong panahong kaka-break pa lang ni Kath kay Daniel Padilla.


Tipong gusto lang daw pagselosin ni Kath si DJ kaya naging malapit siya kay Jericho. Pero, short-lived romance lang ang nangyari. Hindi itinuloy ng aktor ang pakikipagrelasyon kay Kathryn dahil kay Janine nabaling ang kanyang atensiyon.

Pumasok naman sa buhay ni Kath ang Lucena City mayor na si Mark Alcala at madalas na silang nakikitang magkasama.


Nabalita rin na sa condo ni Kathryn sa BGC (Bonifacio Global City), Taguig sila madalas magkita ni Mayor Alcala.


Samantala, open naman si Jericho Rosales sa relasyon nila ni Janine Gutierrez. Inamin na niya ito sa publiko at almost two years na silang magkarelasyon.




MAY mga pumuri kay Daniel Padilla sa kanyang patuloy na pagsuporta sa animal welfare at sa mga stray dogs.


Kumakalat na nagpatayo umano siya ng shelter for stray dogs sa Arayat, Pampanga.


Suportado niya ang pagkain at iba pang pangangailangan ng mga aso sa shelter.

Recently, niregaluhan ni Daniel ang caretaker ng shelter for stray dogs ng sariling bahay-kubo na nasa compound.


Likas na mahilig sa mga aso si DJ kaya naging adbokasiya niya ang pagtulong sa mga stray dogs. 


Kahit abala ngayon sa kanyang showbiz career, binibigyan ni Daniel Padilla ng panahon ang kapakanan ng mga stray dogs.





MARAMI ang hindi makapaniwala na naging magkaibigan sina Hilda Koronel at Amy Austria. 


Pareho silang naging bahagi ng buhay ng yumaong aktor na si Jay Ilagan. Kasal sina Hilda at Jay pero nagkahiwalay dahil batang-bata pa sila nang magpakasal.


Sumunod si Amy Austria na nakarelasyon ni Jay Ilagan. Bagama’t hindi sila kasal ay matagal silang nagsama. May adopted daughter sila na si Alexandra Ilagan.

Fifteen years na umanong walang communication sa isa’t isa sina Hilda at Amy.


Sa kagustuhang makita at makausap si Hilda, sa Facebook (FB) niya sinubukang kontakin ang aktres at doon sila nagkaroon ng reconnection. 


Naging regular na ang kanilang pagkukumustahan. Nang umuwi sa ‘Pinas si Hilda para gawin ang pelikulang Sisa ay hindi sila nagkaroon ng pagkakataong magkita at mag-bonding.


Happily married na si Amy kay Duke Ventura. Si Hilda naman ay nabiyuda na sa mister na si Ralph Moore, Jr., at may apat silang anak.


 
 

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | May 20, 2026



TEKA NGA - FAITH AT KYLINE, PANG-DISPLAY LANG NI SAM SA MGA KAPWA NEGOSYANTE-FB Faith da Silva & Kyline Alcantara & Sam SV Versoza

Photo: FB Faith da Silva & Kyline Alcantara & Sam SV Versoza



Madalas ngayong nakikitang magkasama sina Faith da Silva at Sam Verzosa sa iba’t ibang events. Kaya marami ang nagsasabing si Faith na nga ang bagong apple of the eye ni SV, kapalit ni Rhian Ramos. Kaya, asahan na lagi silang nasa sentro ng mga tsismis sa showbiz ngayon. 


Ikinukumpara si Faith kay Rhian Ramos. ‘Di hamak daw na mas maganda at mas may class ang beauty ni Rhian kumpara kay Faith.


At ngayon pa lang, marami na ang nagsasabing hindi rin magtatagal ang relasyon nila ni SV. 


Ganunpaman, marami ang nagtataka kung bakit nali-link din itong si Sam sa isa pang Kapuso actress na si Kyline Alcantara. Nakikita kasi ang aktres na kasama si SV sa mga events ng mga young businessmen. Ipinakikilala na rin niya sa kanyang circle of friends si Kyline. 


Well, hindi tuloy maiwasang isipin ng mga netizens na ginagawang trophy ni SV ang pagkakaroon ng celebrity girlfriend at hindi raw siya seryoso sa pakikipagrelasyon. Mas priority ni SV ang kanyang mga negosyo kaysa sa kanyang love life.





30 yrs. na sa showbiz…

DINGDONG, MAY ‘K’ BILANG PRIMETIME KING NG GMA-7



THIRTY years na sa showbiz si Dingdong Dantes at literal na malayo na ang kanyang narating bilang actor-performer.


Mula sa pagiging bahagi ng Abztract Dancers, nahulma ang acting skills ni Dong at naging seryosong aktor. 


Nakaganap na siya sa iba’t ibang klaseng roles sa mga TV series. Nakalabas na rin siya sa maraming pelikula.


Hindi lang sa acting nahasa si Dingdong. Naging game show host din siya at marami ang nagsasabing napakagaling niyang host sa top-rated game show na Family Feud (FF).


Well, sa dami ng mga achievements na nakamit ni Dong sa kanyang career ay marami siyang dapat ipagpasalamat. Nakamit niya ang tagumpay dahil sa kanyang angking talent, sipag, dedikasyon, pagiging propesyonal sa trabaho at mahusay na pakikisama sa lahat ng bumubuo sa movie industry.


Si Dingdong Dantes din ang bumuo sa samahang AKTORPH na ngayon ay nasa ika-anim na taon na.


At may bago siyang serye ngayon sa GMA-7, ang The Master Cutter (TMC) kung saan gumaganap siya sa iba’t ibang katauhan. Ito ay mula sa direksiyon ni Dominic Zapata.

Kaya naman, deserved ni Dingdong ang titulong Primetime King ng GMA-7. 





Pangarap ni Robin, tinupad… 

KYLIE, ACTION STAR NA



NATUPAD din sa wakas ang pangarap noon ni Sen. Robin Padilla para sa anak niyang si Kylie Padilla na maging action star.


At nakita ng lahat na sa bagong seryeng Task Force Firewall (TFF) ay nag-switch na si Kylie Padilla sa pagiging action star mula sa pagiging dramatic artist.


Matatandaang bata pa si Kylie ay sinanay na ng kanyang amang si Robin sa martial arts. Gusto ni Sen. Robin na sumunod si Kylie sa kanyang yapak.


At mukhang handa na ngang sumabak sa action series si Kylie at mapapanood ito sa TFF. Tandem sila rito ni Miguel Tanfelix at pareho silang hindi gagamit ng double sa kanilang mga delikadong stunts na gagawin.


Patutunayan ni Kylie na taglay niya ang tapang ng kanyang amang si Sen. Robin Padilla pagdating sa aksiyon.





TAONG 2023 nang humiwalay si Cai Cortez sa mister niyang AFAM na si Wissem Rkhami. May dalawa silang anak, isang lalaki at isang babae, na nasa kanyang pangangalaga.


Ngayon ay masaya na ang love life ni Cai sa piling ng bago niyang inspirasyon na isang divorced US Navy na nakilala niya online.


Bukod sa kanyang showbiz career, abala si Cai sa kanyang tungkulin bilang konsehal ng Taytay, Rizal. Aktibo si Cai Cortez sa mga projects niya sa Taytay.


Marami siyang natutunan nang pumasok ss political arena.


Pero, iba pa rin ang fulfillnent niya kapag umaarte sa telebisyon at pelikula. Grateful si Cai na nabibigyan pa rin siya ng guestings sa mga shows ng GMA-7.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page