top of page
Search

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Apr. 22, 2025



Photo: Kyline at Kobe Paras - Instagram



Naglalabasan na ngayon sa social media ang tunay na dahilan ng hiwalayang Kyline Alcantara at Kobe Paras.


Kahit hindi pa nila inaamin sa publiko na break na sila, may mga posts na si Kyline patungkol sa pinagdaraanan nila ngayon ni Kobe. 


Marami ang nagsasabing sobra raw kasing selosa ang aktres kaya walang nagtatagal na karelasyon.


Si Kobe naman daw ang hindi na nakatiis, kaya nakipaghiwalay na lang kay Kyline.


Ganunpaman, may depensa naman ang kampo ng aktres. Umiral na naman daw ang pagiging babaero ni Kobe at lumipas na ang kanyang atraksiyon kay Kyline.  


Tatak na raw ni Kobe na hindi nagtatagal sa kanyang karelasyon. Kadalasan ay isang taon lang at nauuwi na sa paghihiwalay.


Marami naman ang sumisisi kay Kyline dahil bigay-todo ito kung ma-in love. Hindi man lang niya pinahirapan si Kobe nang siya ay ligawan.


Nawalan ng challenge sa kanya ang basketball player, kaya madali siyang binitiwan nang makatagpo ng bagong chicks na may kakaibang atraksiyon.

Hindi rin si Kobe ang tipo na magseseryoso agad sa pag-ibig.



Lingid sa kaalaman ng marami, may nai-record palang pitong awitin ang Superstar/National Artist na si Nora Aunor bago siya biglaang pumanaw.


Ayon sa ilang malalapit na kaibigan ni La Aunor,  plano raw na i-release commercially ang 7 awitin na nai-record ni Guy bilang handog na rin sa libu-libo niyang tagahanga na tumangkilik at nagmahal sa kanya nang mahigit limang dekada.


Bukod sa mga bagong awitin na iniwan ni Nora, plano rin na i-restore ang magaganda niyang pelikula na nagmarka sa mga moviegoers tulad ng Himala, Bona, Tatlong Taon Na Walang Diyos, Flor Contemplacion Story at Bulaklak ng City Jail


Maging ang pelikulang Pieta na ipinalabas recently ay magkakaroon daw ng rerun. 

May dalawa pa siyang pelikulang natapos na hindi pa naipapalabas, ang Kontrabida at Ligalig


Dapat ay may mag-asikaso upang maipalabas na ang nasabing mga pelikula ni Nora Aunor.


Samantala, sa araw na ito ay ihahatid na sa kanyang huling hantungan si La Aunor sa Libingan ng mga Bayani pagkatapos ng necrological mass at tribute sa kanya ng NCCA na gagawin sa Metropolitan Theater.



MAGANDANG gesture ang ginagawa ni Alden Richards na pagsuporta sa pelikula ng mga kasamahang artista, tulad na lang ng kanyang pag-sponsor sa block screening para

sa pelikulang Samahan ng mga Makasalanan (SNMM) kung saan bida sina David Licauco, Sanya Lopez, Betong at Buboy Villar. 


Nakatrabaho ni Alden sina David at Sanya sa Pulang Araw (PA) ng GMA-7. Dito nabuo ang kanilang friendship. Kaya naman, nagpa-block screening si Alden para sa pelikulang SNMM bilang suporta.


Well, sana lahat ng artistang nabibigyan ng tagumpay ay tulad ni Alden na marunong mag-share ng blessings at tumulong sa kapwa niya artista. 


Wala siyang inggit kaninuman. Ipinu-push niya ang mga pelikulang Pilipino upang kumita sa takilya. Hindi siya makasarili, kaya patuloy ang pagdating sa kanya ng suwerte.



ISA sa mga labis na nalungkot at nanghinayang sa pagpanaw ng Superstar na si Nora Aunor ay ang magaling na aktres-direktor na si Gina Alajar.


Bukod sa nagkatrabaho sila ni Aunor sa ilang pelikula ay magkumare rin sila. 


Ang huling movie na pinagsamahan nila ni Guy ay ang Pieta. Nag-request pa raw sa kanya si Aunor na kunin siya ni Gina sa isang pelikula dahil gusto niyang maging direktor si Gina. 


Ganoon kalaki ang tiwala ni Nora Aunor sa kakayahan ng direktor.


Pero, hindi nga nila agad nabili ang gusto nilang istorya na isinulat ng isang magaling na nobelista kaya hindi nagkaroon ng chance si Alajar na idirek ang Superstar-National Artist na si Nora Aunor.

 
 

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Apr. 17, 2025



Photo: Kyline at Kobe Paras - Instagram



Wala pang direktang pag-amin sina Kyline Alcantara at Kobe Paras na tinapos na nila ang kanilang relasyon. Pero base sa mga naglalabasan ngayon sa social media, break na nga sila. 


May mga endorsements sina Kyline at Kobe na magkasama, kaya hindi pa nila puwedeng aminin sa publiko ang kanilang paghihiwalay. Puwede silang mademanda. 


Samantala, maraming showbiz friends si Kyline na nakikisimpatya sa nangyari sa relasyon nila ni Kobe. Akala nila ay sa altar na mauuwi ang pagmamahalan ng dalawa.


Sobrang minahal ni Kyline si Kobe. Naipakilala na niya ang nobyo sa kanyang partidos. Na-meet na rin ni Kyline ang ina ni Kobe na si Jackie Forster.


Pero, likas na lapitin o habulin ng chicks si Kobe at hindi niya nasuklian ng katapatan ang pagmamahal sa kanya ni Kyline. 


Marami naman ang nagsasabing blessing in disguise ang nangyaring paghihiwalay ng dalawa. Hindi raw kasi si Kobe ang tipo ng lalaking sasabak sa seryosong relasyon at magpapakasal kahit mahal niya ang girl.


Besides, hindi pa naman financially stable si Kobe at hindi pa kaya ang responsibilidad ng isang padre de familia. Trophy boyfriend lang si Kobe Paras na puwedeng i-display. 


May ilan naman ang sumisisi kay Kyline dahil ang bilis-bilis daw niyang nagtiwala agad kay Kobe. Dapat ay noon pa niya na-realize na mahirap ma-solo at talian o maging sinsero ang tulad ni Kobe na habulin ng chicks.


At this point of Kobe’s life, magbibilang pa ito ng mga karelasyon bago mag-settle down.



Kung bina-bash at pinagtatawanan sina Phillip Salvador at Willie Revillame dahil sa kanilang pagtakbong senador sa darating na midterm elections, marami ang nagulat dahil pumasok sila sa Top 15 senatoriables sa latest survey na lumabas. 


Kumakalat din ang balitang ‘palulusutin’ ng mga DDS (Duterte diehard supporters) sina Revillame at Salvador upang magkaroon ng puwersa ang mga senador ng PDP. 


Naniniwala ang mga DDS na malakas ang hatak nina Willie at Phillip sa mga botante, kaya ibibigay ng mga ito ang kanilang suporta sa TV host at dating action star. 


At mukhang ipinakiusap nga ng dating Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang mga supporters na dalhin at ipanalo sina Willie at Ipe. 


Well, magsisilbing malaking hamon para sa dalawa ang pagsabak nila ngayon sa political arena. At hindi nila ito uurungan kahit ano pa ang mangyari.



MARAMI sa mga miyembro ng That’s Entertainment ang nakaka-miss kay German Moreno a.k.a. Kuya Germs (SLN) kapag panahon ng Semana Santa. 


Nakagawian na kasi nila ang pagpunta sa Our Lady of Manaoag sa Pangasinan bilang bahagi ng kanilang panata at debosyon. 


Tumutulong din noon ang TE members sa mga fundraising projects ng Our Lady of Manaoag Shrine. Pagkatapos ng misa ay tutuloy na sina Kuya Germs sa resthouse nina Manay Gina de Venecia sa Dagupan City na may inihandang lunch para sa lahat. 


Maging sa show noon ni Kuya Germs na GMA Supershow ay naging bahagi rin ang ilang artista tulad ng yumaong veteran actress na si Gloria Romero na gumaganap bilang Virgin Mary. Si Richard Gomez, nakaganap na rin bilang si Hesukristo sa isang Lenten presentation ng GMA Supershow


Mahigit 3 dekada nang namaalam sa ere ang TE, pero patuloy na nagkikita/nagba-bonding ang mga dating miyembro. 


Sa October, may reunion na namang magaganap ang TE at abala sa paghahanda sina Harlene Bautista, Jennifer Sevilla, Ana Abiera atbp..


 
 

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Apr. 16, 2025



Photo: Pilita at Janine Gutierrez - IG



Sa lahat daw ng apo ng Asia’s Queen of Songs na si Pilita Corrales, si Janine Gutierrez ang kamukha nito kaya naman masyadong malapit dito si Pilita. At pati ang mga damit na ginagamit niya sa kanyang mga shows ay ipinamana rin niya kay Janine. Classic kasi ang style ng mga ito at hindi nawawala sa uso.


Ayon na rin kay Janine, sobra nilang mami-miss ang Sunday bonding sa kanilang Mamita Pilita. Tuwing Linggo ay magkakasama sina Pilita at mga apo at masaya ang kanilang bonding. Masayahin din siyang lola at may pagka-kenkoy din.


Maraming nagmamahal kay Pilita Corrales na kapwa niya singers/performers. Hinangaan din si Pilita abroad kapag nagso-show kasama sina Elizabeth Ramsey at Reycards Duet. 



Hinangaan si Pilita Corrales maging ng mga foreigners na nanonood ng kanyang mga shows abroad.


Bago pa sumikat si Lea Salonga sa United States, si Pilita Corrales ang paboritong panoorin ng mga Pinoy doon.



Sa mga humuhusga sa aktor na si Phillip Salvador dahil hindi raw naging mabuting ama sa anak niya kay Kris Aquino na si Joshua at hindi nagbibigay ng sustento, kapos sila sa mga tunay na impormasyon.


Nang maghiwalay sina Kris at Phillip, ramdam ng aktor na ayaw ng una na magkaroon siya ng kaugnayan sa anak nilang si Joshua. Hindi inobliga ni Kris na magbigay ng sustento si Ipe dahil kaya naman niyang buhayin si Joshua na walang tulong-pinansiyal mula sa aktor. 


Ganunpaman, nag-request si Phillip na mahiram si Joshua kapag weekends upang maka-bonding ang anak. Pero bihira ngang ipahiram sa kanya si Joshua dahil laging kasama ito ni Kris sa mga lakad niya. 


Hanggang sa hindi na iginiit ni Ipe ang kanyang karapatan kay Joshua at ayaw na rin niyang makipagtalo pa kay Kris. Pagod na siya sa panunumbat ni Kristeta, ayaw na niya ng gulo. Mas pinili ni Phillip ang manahimik na lamang at hayaan ang mga bashers na siraan siya.


Pero bilang isang ama, missed na missed ni Kuya Ipe ang kanyang anak. At wish niya na mabigyan siya ni Kris ng pagkakataon na makita-makasama nang matagal-tagal si Joshua upang makabawi sa kanyang mga pagkukulang.


Alam din ni Phillip ang pinagdaraanang karamdaman ngayon ni Kris. Kasama raw sa kanyang mga dasal ang paggaling ng TV host-aktres dahil naging mabuti naman daw itong ina.



TANGGAP ni Rayver Cruz na hindi boto sa kanya ang ilang mga fans at supporters ni Julie Anne San Jose. Ayaw maniwala ng mga ito na sincere siya sa kanyang pagmamahal sa Limitless Star na si Julie Anne. Hanggang ngayon ay pinagdududahan pa rin kung totoong mahal niya si Julie Anne o ginagamit lang para umangat ang kanyang career.


At nagsisiguro lang ang mga loyal fans ni Julie Anne dahil ayaw nilang makitang nasasaktan ang kanilang idolo. Hindi raw niya deserve ang lokohin lamang.

Well, gusto nang burahin ni Rayver ang image niyang chickboy dahil sa mga nakaraan niyang relasyon. At nang dumating nga si Julie Anne sa kanyang buhay ay nabago ang lahat.


Natagpuan ni Rayver Cruz ang kapayapaan sa piling ni Julie Anne at maging sa kanyang trabaho ay malaki ang naging impluwensiya sa kanya ng Limitless Star. 


Nakita niya ang pagiging professional at goal-oriented ni Julie Anne San Jose kaya nagkaroon ng disiplina at sineryoso ang kanyang craft. Kaya ngayon ay swak na silang tandem ni Julie Anne San Jose.



EXCITED at masaya ngayon sina Billy Crawford at Coleen Garcia dahil parating na ang kanilang Baby No. 2. Ang panganay nilang anak na si Amari ay ipinanganak noong 2020. 


Gusto na raw nitong magkaroon ng kapatid, kaya naman maingat ngayon si Coleen sa kanyang pagbubuntis.


Inspirado naman si Billy dahil madaragdagan na naman ang kanilang pamilya. 

Malaki ang ipinagbago ni Billy simula nang siya ay naging padre de familia.


Nagbago ang kanyang mga pananaw sa buhay. Totally clean living na si Billy ngayon, hindi naninigarilyo, hindi umiinom, at wala na ring nightlife. 


Wala na ring issue tungkol sa kanyang pagka-casino dahil ang kanyang panahon ay ibinubuhos niya sa kanyang pamilya. 


And so far, tahimik at masaya si Billy sa piling ni Coleen at anak nilang si Amari.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page