ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Apr. 30, 2025
Photo: Kobe Paras - Instagram
Sa halip na mapabuti at mabigyang-linaw kung bakit naghiwalay sina Kyline Alcantara at Kobe Paras, mas naging kumplikado at masalimuot ang sitwasyon nang magbigay ng statement si Jackie Forster upang ipagtanggol ang anak na si Kobe.
Naba-bash na rin ngayon si Jackie at nauungkat ang kanyang nakaraan nang hiwalayan ni Benjie Paras.
Hindi pumayag ang mga loyal fans ni Kyline na api-apihin at ipahiya ni Jackie sa publiko ang kanilang idolo.
Katwiran ng mga fans ni Kyline, dapat ay si Kobe Paras ang nagsasalita at nagpapaliwanag, hindi ang kanyang mom na si Jackie Forster. Tuloy, nagmumukhang mama’s boy at sumbungero si Kobe.
Wala nang ginawa si Kobe Paras ngayon kundi ang mag-party-party matapos makipaghiwalay kay Kyline.
‘Di solo ng mga anak ang mana…
BOYET, RICHARD MERCK, RICKY AT BING, KASAMA SA LAST WILL NI NORA
MARAMING Noranians ang naguguluhan at nagtatanong kung totoo ang lumabas sa social media na may iniwang Last Will and Testament ang yumaong Superstar/National Artist na si Nora Aunor.
Wala pa namang kumpirmasyon na nanggagaling mismo sa mga anak ni Aunor na sina Lotlot, Ian at Matet, at maging ang personal na abogado ni Aunor ay wala pa ring pahayag.
Pero ayon sa ilang taong nakapaligid kay Nora, nababanggit daw sa iniwang Last Will and Testament ng Superstar na bukod sa mga anak ay kasama rin ang ex-husband niyang si Christopher de Leon at ganoon din ang pinakasalan niya abroad na si Richard Merck.
Well, tiyak naman na maisasaayos ang mga naiwang properties ni Guy sa tulong ng trusted lawyer niya. Interesado ang lahat na malaman kung sinu-sino ang mga personalidad na pinamanahan ni Nora Aunor.
TAPOS nang kunan ang mga eksena ni Rhian Ramos sa Encantadia Chronicles: Sang’gre (ECS) kaya medyo nabitin siya sa kanyang last taping day. Mami-miss niya ang iba pang sang’gres na kasama niya tulad nina Gabbi Garcia, Mikee Quintos, Glaiza de Castro, atbp..
Pero, pabor naman para kay Rhian na maagang nakunan ang kanyang mga eksena sa ECS. May panahon na siyang samahan ang BF niyang si Sam Verzosa sa pangangampanya.
Kandidato sa pagka-mayor ng Maynila si SV, at madalas ay kasama si Rhian Ramos sa pag-iikot sa iba’t ibang distrito at barangay ng Maynila.
Lucky charm ni Sam Verzosa ang aktres dahil masang-masa ang appeal nito. Sanay kumain si Rhian ng street food kahit sosyal ang personalidad. At marami ang nagsasabing bagay daw na maging First Lady ng Maynila si Rhian sakaling palaring manalo sa pagka-mayor si SV.
Wish naman ng mga fans ni Rhian Ramos, sana si Sam Verzosa na ang maging real-life partner ng kanilang idolo.
MAY mga netizens ang nagtataka kung bakit napasama sa mga judges ng Stars On The Floor (SOTF) hosted by Alden Richards si Pokwang, gayung hindi naman siya dancer kundi isang comedienne.
Okey lang si Marian Rivera at ang choreographer ng SB19 na si Jay Joseph Roncesvalles bilang mga hurado. Mas okey din kung si Rochelle Pangilinan na dating leader ng grupong Sexbomb ang kinuhang judge ng SOTF.
Marami tuloy ang nagsasabing tila paborito si Pokwang ng Kapuso Network dahil nadagdagan na naman ang mga shows niya sa GMA-7. Co-host si Pokwang sa TikToClock, at kasama rin siya sa seryeng Binibining Marikit (BM).
Well, may mga nagsa-suggest din na sana, kinuhang judge sa SOTF sina Maribeth Bichara, Geleen Eugenio o si Joy Cancio na aktibo pa rin naman, o kaya, si Wowie de Guzman.
Anyway, nakatawid na si Rochelle Pangilinan sa pagiging aktres at hindi na lamang dancer. Markado ang kanyang role sa action seryeng Lolong: Pangil ng Maynila na pinagbibidahan ni Ruru Madrid.










