top of page
Search

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | May 17, 20255



Photo: Mr. Ipektibo - FB


Isa kami sa mga labis na nagtaka nang hindi pumasok sa Top 12 senatoriables ang aktor na si Phillip Salvador.


Sa mga unang naglabasang surveys kasi ay laging kasama ang pangalan ni Salvador sa Top 13 at 14 rank. Inakala ng marami na kahit papaano ay aangat siya at makakahabol sa Top 11 o 12 post. 


Noong umpisa pa lang ng kampanya ay sinabi na ni Phillip na wala siyang malaking pondo. Wala siyang sponsors na susuporta sa kanyang kandidatura. Puro donasyon ng mga kaibigan ang mga t-shirts, pamaypay, pocket calendar at posters na ipinamimigay sa kanilang pag-iikot. At puro volunteers ang tumutulong at sumasama sa kanya sa kampanya. 


Sumagupa si Ipe sa laban na wala siyang armas at bala. Ganunpaman, ipinaubaya na niya sa Diyos ang kanyang magiging kapalaran sa midterm election. Ginawa niya ang lahat ng dapat gawin pero sadyang hindi nakalaan sa kanya ang pagiging senador. 


Masakit man ay tinanggap ni Phillip Salvador ang desisyon ng taumbayan at ipinagpapasalamat niya na may mga kaibigan siyang tumulong, dumamay at hindi nang-iwan sa gitna ng laban. 


Puro volunteers ang mga ito kaya gusto niyang pasalamatan at banggitin ang pangalan ng mga ito tulad nina Aeron, JC, Teroy, Nordin, Aris, Christian, Ricky, Glen at Roman. 

Gusto ring pasalamatan ni Phillip ang sambayanang Pilipino na sinamahan siya sa pagdarasal noong panahon ng eleksiyon. 


Kahit papaano, naiangat niya ang kanyang ranking mula No. 58 hanggang sa No. 19. 

Maraming kaibigan naman ang nangumusta kay Kuya Ipe pagkatapos lumabas ang resulta ng eleksiyon noong May 12. 


So far, tiniyak ng aktor na okey siya at tinanggap ang kanyang pagkatalo. In due time, babalik na sa normal ang takbo ng kanyang buhay.



Malaki ang naitulong ng pag-eendorso ni Coco Martin kay Sen. Lito Lapid upang makapasok siya sa Top 12 ng mga nanalong senatoriables, at ganoon din ang maayos na exposure niya sa Batang Quiapo (BQ) na libu-libo ang mga viewers. 


Kilala si Lito Lapid sa kanyang role bilang si Supremo na tumatak sa mga viewers ng BQ. Malaking bentahe rin ang malakas na impact ng kanyang campaign promo na si Coco Martin mismo ang nag-endorso sa kanya. Kaya naman sa bawat survey ay kasama si Lito sa Top 12 senatoriables. 


Maganda ang tandem nina Supremo at Tanggol (Coco Martin) sa BQ at aminado naman si Sen. Lapid na malaki ang naitulong ni Coco Martin upang mahalal siyang muli bilang senador. 


Sa kabila ng pagpuna ng mga kritiko at pagsasabing wala naman siyang nagawa sa Senado, maraming botante ang naniniwala at nagtitiwala pa rin sa kakayahan ni Sen. Lito.


Kaya olats nang tumakbo uli…

PACQUAIO, WALANG GINAWA SA SENADO


MARAMI ang nagtatanong kung ano ang nangyari sa People’s Champ na si Manny Pacquiao na mukhang kumupas na ang taglay na karisma sa tao. 


Bakit hindi man lang siya pumasok sa Top 12 senatoriables? Malaki naman ang kanyang pondo at campaign fund. Bakit hindi siya gaanong pursigido na manalo, ‘di tulad ng dati? 


Sey naman ng madlang people, hindi kasi nagpakitang-gilas at nagtrabaho si Pacman sa panahon ng kanyang pagiging senador. Hindi siya nagmarka sa mga botante at ang pagtulong at pagmamalasakit niya sa mahihirap ay nasentro lang sa mga kababayan niya sa GenSan. 


Pero kahit na natalo si Pacquiao, mayaman na mayaman pa rin siya at hindi na makakaranas ng kahirapan ang kanyang pamilya.


Ganito rin ang reaksiyon ng marami sa pagkatalo ng aktor at TV host na si Willie Revillame. Hindi naman kailangan pa ni Willie ang maging senador dahil bilyonaryo na siya sa dami ng kanyang naipundar na properties. Mamumuhay na maginhawa ang kanyang pamilya at hindi mauubos ang kanyang kayamanan. 


Magtayo na lang siya ng foundation upang makatulong sa mga taong nangangailangan at mag-produce ng sariling game show kung ayaw pa niyang magretiro sa showbiz.


 
 

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | May 16, 20255



Photo: Alden Richards - Barbie Forteza - IG


Binigyan ng malisya ng ilang netizens ang lumabas na larawan ni Barbie Forteza na nakakandong kay Alden Richards.


Nakunan ang nasabing larawan sa ginanap na fundraising fun run sa Mall of Asia Grounds na inorganisa ni Alden, kung saan ang proceeds ay ido-donate sa Mowelfund. 

Sumali sa nasabing fun run ang mga kaibigan at tropa ni Alden na sina Barbie Forteza, Kristoffer Martin, atbp..


Naging sentro ng usapan ng ilang netizens ang pagkandong ni Barbie kay Alden dahil sa naging reaksiyon noon ng publiko sa pagkandong ni Kyline Alcantara sa dating nobyong si Kobe Paras. 


Ganunpaman, iba naman daw ang sitwasyon nina Barbie Forteza at Alden Richards, buddy-buddy sila at matagal nang magkatropa.


Walang anumang malisya para kay Barbie ang pagkandong niya kay Alden. Hindi ‘yun dapat bigyan ng kahulugan dahil wala silang personal na relasyon sa isa’t isa. 


Pero tiyak na pagseselosan si Barbie ng mga fans ni Kathryn Bernardo at ng mga loyal fans ni Alden Richards, at magre-react din ang mga BarDa (Barbie at David Licauco) fans.



Maraming nagtataka at nagtatanong kung bakit hindi sinipot ng Star for All Seasons ang kanyang proklamasyon bilang gobernador ng Batangas. Si Finance Sec. Ralph Recto at bunso nilang anak na si Ryan Christian ang nag-proxy kay Ate Vi.


May balitang sobrang depressed at nagdamdam si Gov. Vilma nang hindi pinalad na manalong vice-gov. ang anak niyang si Luis Manzano. 


Bago mag-eleksiyon at noong kasagsagan ng campaign season, nakiusap si Vilma Santos sa mga kababayan na iboto at suportahan ang kanyang anak na si Luis “Lucky” Manzano. Pero sad to say, hindi nakalusot si Lucky.


Labis itong dinamdam ni Ate Vi. Alam niya kung gaano rin dinamdam ni Luis ang kanyang pagkatalo sa unang sabak niya sa pulitika. Mahal na mahal ng Star for All Seasons ang anak, kaya agad niya itong dinamayan at binigyan ng moral support.


Maraming nanay ang nakakaintindi kung hindi man sumipot si Vilma sa kanyang proklamasyon. Masakit sa isang ina na makitang bigo ang kanyang anak sa pangarap nitong posisyon. 


Ganunpaman, lilipas din ang lahat at magagawang tanggapin ito ni Luis Manzano at makaka-move on din sa tulong ng mga kaibigan at mga mahal sa buhay.



MALUWAG sa dibdib na tinanggap ni Bong Revilla, Jr. ang kanyang pagkatalo sa katatapos lang na eleksiyon.


Walang bitterness at panunumbat sa kanyang puso pero labis na ipinagtaka ng marami ang hindi pagkakapasok ni Bong Revilla sa Top 12 Senators. 


Sa mga naunang lumabas na surveys ay laging kasama si Bong sa Top 12 senatoriables.

At ang sipag-sipag ni Bong na mag-ikot sa kanyang pangangampanya, kaya marami ang nagsasabing tiyak na panalo na siya. 


Pero ‘yun nga, hindi siya pinalad at kinapos sa boto.


Labis itong ikinalungkot ng libu-libong supporters ni Bong Revilla, Jr., lalo na’t napaka-hardworking at dedicated niya sa kanyang trabaho bilang senador. 


Well, sey niya, maaaring may ibang plano ang Diyos para sa kanya, kaya hindi siya nanalo ngayon. Binati rin ni Bong Revilla ang 12 senators na nanalo.


Sa kanyang farm sa Cavite nanatili si Bong pagkatapos ng eleksiyon noong May 12 upang makabawi sa pagod at makapagpahinga. 


At ngayong hindi na siya gaanong busy sa kanyang pagiging public servant, mas may time na siyang makasama at maka-bonding ang kanyang mga cute na apo. 


May dapat pa rin daw siyang ipagpasalamat sa Diyos dahil pare-parehong nanalo si Congw. Lani Mercado at ang mga anak nilang sina Jolo at Ram Revilla.



 
 

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | May 15, 20255



Photo: Kathryn Bernardo - IG


Dapat nang tanggapin ng libu-libong mga fans ng KathNiel love team na hindi na puwedeng magkabalikan sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla (DJ).

Kahit na ipag-novena pa nila ito sa lahat ng simbahan at hingin ang tulong ng mga psychics, next to impossible na mangyari ito.


Si Kathryn na mismo ang aayaw sa anumang project na pagsasamahan nila ng kanyang ex-BF. Tuluyan nang isinara ng aktres ang chapter ng kanilang 11 years na relasyon ni Daniel.


May bago nang landas na gustong tahakin ni Kathryn sa kanyang showbiz career at gusto naman niyang makatambal sa pelikula ang mga mas mature na aktor tulad nina Piolo Pascual at Jericho Rosales.


Sa ngayon ay hindi pa nakakatagpo si Kath ng kapalit ni DJ sa kanyang puso. Pero, ayon sa ilang reliable sources, may tatlong non-showbiz guys ang masigasig niyang manliligaw ngayon. 


Nakikipag-date na si Kathryn sa mga ito upang kilatisin ang background ng mga ito, pero wala pa siyang ipino-post sa social media sinuman sa mga suitors niya.


Samantala, close pa rin naman sila ni Alden Richards, pero bilang matalik na magkaibigan lamang. Pareho kasi silang abala sa kani-kanilang negosyo at career, ganoon din sa iba pa nilang goal na gustong abutin.


Nagpakatotoo rin sina Kathryn at Alden sa mga KathDen fans upang huwag nang umasa na may seryosong relasyon na mabubuo sa kanila.



HINDI lang pala pera ang dahilan ng breakup nina Kyline Alcantara at Kobe Paras, kundi may third party na involved, na hindi na kinayang tanggapin ng aktres.

Bukod dito, hindi sila magkasundo sa maraming aspeto, kaya madalas silang nag-aaway. 


Matipid at masinop sa paghawak ng pera si Kyline, samantalang si Kobe ay gastador at maluho. 


Ang pagiging busy din ni Kyline sa kanyang career ang dahilan kaya naghanap si Kobe ng babaeng makakasama niya sa mga happenings.


Samantala, mas naging priority ni Kyline ang kanyang career kesa kay Kobe. Strong woman ang aktres at wala siyang balak na habulin ang dating nobyo na

mas gusto ang malayang buhay. 


Besides, ayaw naman ni Kyline na mistulang sugar mommy at siya pa ang gagastos sa lalaki. At wala siyang nakikitang magandang future kapag sila ni Kobe Paras ang nagkatuluyan.


Hindi pa mature at hindi pa seryoso ang aktor-basketball player kung ano ang landas na gusto niyang tahakin, at walang tiyak na goal sa buhay.



NGAYONG naipalabas na ang pelikulang My Love Will Make You Disappear (MLWMYD) na pinagbidahan nina Kim Chiu at Paulo Avelino, malaya na silang nakakakilos.


Hindi na nila kailangang magkunwari na may relasyon sila para kiligin ang kanilang mga tagahanga. Screen partners lang ang KimPau love team. 


Marami ang nagmahal at tumangkilik sa kanilang tambalan. Pero, hindi nila kayang magkunwari forever, lalabas din naman ang katotohanan. 


At ayon sa kilalang psychic/card reader na si Mamu Gloria Escoto, may isang non-showbiz guy na masugid na manliligaw ni Kim Chiu.


Malaya naman siyang mag-entertain ng mga suitors dahil hindi naman committed ang “Chinita Princess” kay Paulo Avelino. 


Hindi nangyari ang gusto ng KimPau fans na mauwi sa totohanan ang kanilang love team. Takot pa rin si Kim na muling pumasok sa seryosong relasyon, dahil sa nangyari sa kanila ni Xian Lim. Ayaw na niyang magtiwala agad sa mga bagong manliligaw at nararamdaman naman niya kung sincere ang kanilang layunin.



ANG baguhang rock/alternative singer na si Nadz Zablan ay nagsimulang gumawa ng pangalan sa Spotify noong 2022, hanggang ang iba pa niyang isinulat na awitin tulad ng Sabihin, My Kind of Christmas, Hanggang Kailan, Luha, Akay, at Laya ay madalas nang pinatutugtog sa Barangay LS 97.1.


Ang Sabihin ang kanyang naging Most Wanted Song noong 2022, at ang Hanggang Kailan naman ay naging Most Wanted noong 2023. Ito’y sinundan ng Akay noong 2024.


Ang kanyang mga awitin ay umabot ng million streams sa Spotify, Apple Music, YouTube (YT) Music, at digital music platforms worldwide. 


Bilang solo artist, si Nadz din ang nag-compose ng kanyang mga awitin. Pagkatapos ng COVID pandemic ay na-inspire siyang sulatin ang awiting Laya. Lahat ng kanyang awitin ay self-produced sa ilalim ng isang independent label.


Naging idolo ni Nadz Zablan sina Bamboo, Rico Blanco at Ney Dimaculangan. Gustung-gusto ni Nadz ang energy ni Bamboo kapag nagpe-perform sa concert. Ibang-iba rin daw ang karisma ni Rico Blanco sa tao.


Pangarap ni Nadz na makasama sa anumang concert sina Bamboo, Rico Blanco at Ney Dimaculangan. 


Well, given the chance at mabigyan lang ng magandang break at exposure, lalaki ang pangalan ni Nadz sa music scene. Hopefully, mapansin siya ng Viva Records, Star Records, Ivory, atbp..


Maraming kabataan ang makaka-relate sa mga awitin ni Nadz Zablan na nakasentro sa pag-asa, pagmamahal sa bayan, at matibay na pananampalataya.



 
 
RECOMMENDED
bottom of page