ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | January 4, 2026

Photo: File / IG _maria.elena.adarna
Ayon sa psychic at card reader na si Mamu (Gloria Escoto), wala siyang nakikitang pagbabalikan sa estranged couple na sina Ellen Adarna at Derek Ramsay.
Kahit ginagawa na lahat ni Derek upang suyuin si Ellen, matigas ang loob ng huli at final na ang desisyon nu’ng makipaghiwalay.
Magkakaroon na lang sila ng co-parenting arrangement para sa anak nilang si Lily.
Ganunpaman, nakikita naman ni Mamu sa kanyang baraha na magkakaroon ng bagong love life si Ellen Adarna sa kalagitnaan ng taong 2026. Isa raw pulitiko ang magiging bagong karelasyon nito, pero uunahin muna nitong ayusin ang annulment nila ni Derek.
Walang nabanggit ang kampo ng aktor kung may prenup agreement sila ni Ellen, pero may mga negosyo silang itinayo, kaya hindi basta madedehado ang dating aktres sakaling may hatian sa kanilang mga properties. Ganoon din ang share na dapat mapunta sa anak nilang si Lily.
Mga ex-BF, siniraan daw kasi noon ng aktres…
JANUS, BINALAAN ANG BAGONG MISTER NI CARLA NA MAG-INGAT
Naba-bash ngayon ang aktor na si Janus del Prado dahil sa mga posts niya laban sa Kapuso actress na si Carla Abellana.
May patutsada pa si Janus na tinawag na ‘malditang bagong kasal’ si Carla dahil ini-report umano nito ang kanyang comment tungkol sa kakaibang hugis ng wedding cake ng aktres at ni Dr. Reginald Santos.
Kaya raw na-hold ang monetization ng kanyang FB page dahil sa pagre-report ng aktres.
Binalaan din ni Janus ang bagong mister ni Carla na mag-ingat dahil siniraan noon ng aktres ang kanyang mga naging boyfriends.
Marami ang na-turn-off sa ginawa ni Janus, na tinawag na “ungentleman” at bastos tulad ni Anjo Yllana na nanira sa Dabarkads para lang mapansin sa social media.
Marami rin ang nag-react na tama ang ginawa ni Carla dahil sa pamimintas ni Janus sa kanilang wedding cake. Besides, bakit pati wedding cake ay pinakikialaman ni Janus? Hindi naman siya kaibigan nina Carla at Doc Reginald.
Nakakawala ng respeto ang ganitong pagre-react at hindi makatwiran na siraan niya ang pagkatao ng aktres.
Samantala, sa kabila ng isyu sa kanilang wedding cake, may regalo naman para sa isa’t isa sina Carla at Dr. Reginald. Isang infinity bracelet ang natanggap na wedding gift ng aktres mula sa kanyang mister, habang isang luxury men’s watch naman ang iniregalo niya sa kanyang hubby.
Simple at intimate ang kanilang kasal sa Tagaytay, na dinaluhan ng pamilya at malalapit na kaibigan.
Marami ang masaya para kay Carla Abellana dahil finally, natagpuan na niya ang kanyang ‘the one’.






