top of page
Search

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | May 21, 20255



Photo: Kyline at Ivana Alawi - YT / SS


Maraming natuwa sa latest collab ni Ivana Alawi sa Kapuso actress na si Kyline Alcantara sa YouTube vlog nito. 


Hinamon ni Ivana si Kyline para sa isang street food challenge kung saan titikman nila ang iba’t ibang klase ng street foods. 


Akala ni Ivana, hindi ito kakayanin ni Kyline dahil mukha siyang sosyal at maarte. Pero game na game na sumabak si Kyline sa street food challenge at sinabayan si Ivana sa pagkain ng squid balls at iba pang street food.


Ang nakakatuwa, nagagawang isingit ni Ivana ang ilang personal na tanong kay Kyline habang kumakain sila ng street food.


Unang tanong, ano raw ba ang trait na ayaw na ayaw ni Kyline sa isang lalaki?

“Ayaw ko sa lalaking tamad at 'yung walang direksiyon sa buhay,” diretsahang sagot ni Kyline.


At kahit wala siyang binanggit na pangalan, alam ng lahat na para kay Kobe Paras ang sinabing 'yun ni Kyline Alcantara.


Well, parehong kalog sina Ivana at Kyline, kaya swak silang magkasama. At pareho rin na strong woman ang image nila.



TODO ang preparasyon ng lahat ng grupo ng Noranians para sa selebrasyon ng 72nd birthday ng Superstar/National Artist na si Nora Aunor sa araw na ito.


Dahil sa pakiusap ng mga anak ni Aunor ay hindi muna sila didiretso sa puntod ni Guy sa Libingan ng mga Bayani. May inihanda rin kasi sina Lotlot, Ian, Matet, Kiko, Kenneth at iba pang kamag-anak para sa kaarawan ng Superstar. Whole day silang magsasama-sama sa LNMB upang makapiling si Aunor at maging memorable ang 72nd birthday ng Superstar.


Ganunpaman, after 4 PM sa araw na ito, puwede nang dumalaw ang mga Noranians sa puntod ni Nora sa LNMB. Mauuna rin ang mga Noranians na magkakaroon ng activities sa star ng Superstar sa Walk of Fame-Philippines sa Eastwood Park, Libis. Dito ay muling magkikita-kita at magre-reunion ang mga loyal at diehard Noranians.


May special screening din ang pelikulang Faney sa Gateway Mall Cinema 11 bilang tribute kay Nora Aunor. 


Ang pelikulang Faney ay idinirek ni Adolf Alix at produced ni RS Francisco. Kasama sa lead cast ng movie sina Laurice Guillen, Gina Alajar, Ian de Leon at may cameo role sina Perla Bautista at Roderick Paulate.



HANGGANG ngayon, hindi pa rin ganap na matanggap ng mga supporters ni Bong Revilla, Jr. ang hindi nito pagkakapasok sa Top 12 senators noong nakaraang eleksiyon, lalo na’t sa unang sultada pa lang ng mga surveys ay laging kasama si Bong Revilla sa Top 13 senatoriables. 


Ang lakas-lakas ng kanyang dating at maraming publicities sa mga tabloids at broadsheets. Visible rin siya lagi sa mga TV interviews.


So, saan nga ba nagkulang si Bong Revilla, Jr.? Sadya bang may nagplano na siya ay ilaglag sa Top 12?


Ayon naman sa isang veteran political analyst, naging kampante at lenient masyado ang kampo ni Bong at hindi gaanong nangampanya sa Luzon provinces, ganoon din sa NCR na majority ng botante ay mga kabataan. Ibinuhos ni Bong ang kanyang panahon sa pag-iikot sa Visayas at Mindanao.


Hindi niya natunugan na ilalaglag siya ng mga botante sa Mindanao dahil kasama siya ng Team Alyansa. Naging liability niya ito sa halip na maging bentahe sa kanyang kandidatura. 


At kung nanatili raw si Bong sa PDP, baka pumasok pa siya sa Top 12 senators.


 
 

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | May 20, 20255



Photo: Daniel Padilla - IG


Nag-e-entertain na ngayon ng mga bagong manliligaw si Kathryn, kaya naman sinisikap ni DJ na maka-move on at tuluyang isara ang nakaraan nila ni Kath.


Marami naman siyang nakilalang puwedeng ipalit kay Kathryn at isa nga rito ang isang non-showbiz girl na nasa malayong lugar. Posibleng out of the country ito, dinadalaw

daw ni Daniel at gusto nang seryosohing ligawan. 


Pero naghihintay siya ng tamang panahon at sinisigurong handa na siyang umibig muli.

Sa ngayon ay nag-e-enjoy si Daniel Padilla sa kanyang pagiging single. At okey sa kanya ang mga projects na hindi niya kailangan ang may ka-love team. Mas may challenge kapag nagso-solo siya at career muna ang kanyang prayoridad ngayon.


Payo lang sa kanya ay iwasan ni Daniel ang pagiging sobrang maluho at magastos. Hindi na siya gaanong malakas kumita ngayon.


Hanggang namatay, ‘di nagpa-annul…

RICKY, NAGKA-2 GF, SI JACKIE LOU PA RIN ANG LEGAL WIFE


MAY ilang nagtatanong kung bakit hindi na nakipagrelasyon sa iba si Jackie Lou Blanco matapos nilang maghiwalay noon ng kanyang mister na si Ricky Davao. At hanggang ngayon, hindi nabalita sa showbiz kung ano ang dahilan ng kanilang paghihiwalay.


Wala namang lumitaw na third party at that time nang sila ay naghiwalay. Basta ang alam ng lahat, they remained civil to each other.


Bumukod man ng tirahan noon si Ricky ay malapit lang sa dati nilang bahay ni Jackie Lou upang makasama ang kanilang mga anak. 


Hindi naman itinago ni Ricky sa publiko na may bago siyang karelasyon at pinayuhan din ng kanyang mga anak si Jackie na magkaroon ng love life.


Pero mas pinili ni Jackie na maging single at ibuhos ang panahon sa kanyang mga anak. At matagal man silang hiwalay ni Ricky, hindi naman nila ipina-annul ang kanilang kasal. Si Jackie pa rin ang legal wife hanggang sa yumao si Ricky Davao. 


Tanggap ni Jackie ang dalawang babaeng naugnay kay Ricky, pati na ang isa pang anak ng yumaong mister sa ibang babae.


Sadyang kakaiba ang love story nina Jackie Lou Blanco at Ricky Davao. Nagkahiwalay man ay napanatili ang respeto sa isa’t isa.



MAY isang bagay na hindi alam ang publiko tungkol sa ginawa ng magkapatid na Rachel at Ali Alejandro bago yumao ang kanilang amang si Hajji Alejandro. 


Tinawagan nila ang singer na si Alynna Velasquez na nakarelasyon ni Hajji for 27 years. Pinapunta nila ito sa bahay ng kanilang ama upang makapiling sa mga huling araw ng singer na si Hajji.


Eight days na nagkasama sina Alynna at Hajji bago tuluyang yumao ang orig na Kilabot ng mga Kolehiyala! Kaya kung hindi man pinayagan si Alynna Velasquez na dumalaw sa burol ni Hajji, at least binigyan naman siya na makasama si Hajji sa huling mga araw na buhay pa ito. At sapat na rin na sa star ni Hajji sa Walk of Fame-Phils. sa Eastwood Park na lang niya nadalaw si Hajji at inalayan ng mga bulaklak.



NGAYONG tapos na ang Miss Universe PH 2025 competition, ang kanyang showbiz career naman ang haharapin ng beauty queen na si Winwyn Marquez.


Marami siyang options na pagpipilian. Puwede siyang tumanggap ng serye at bumalik sa pag-arte. Puwede rin siyang maging endorser ng mga beauty products o tumanggap ng modelling job. 


Pero sa ngayon, mas pinili ni Winwyn Marquez ang maging isa sa mga hosts ng morning show ng GMA-7, ang Unang Hirit (UH).


At hindi naman siya nanibago dahil swak siya agad sa ibang UH hosts. 

Nagkaroon na rin siya ng experience na mag-host sa ilang showbiz events.


At this point of Winwyn’s life, marami pa siyang gustong ma-achieve. May mga goal pa siyang gustong abutin at gusto rin niyang mas lumawak pa ang kanyang kaalaman sa maraming bagay.


At lagi namang nakasuporta sa kanya ang kanyang mom na si Alma Moreno at dad na si Joey Marquez. Nagsisilbing inspirasyon din sa kanya ang kanyang partner at ang kanilang cute na 3-year-old daughter na si Luna.


 
 

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | May 19, 20255



Photo: Manny Pacquiao - IG


Hindi rin makapaniwala ang maraming Pinoy na ang dating sikat at world champion boxer na tulad ni Manny Pacquiao ay matatalo sa midterm election. 


Pero batay sa obserbasyon ng mga political analysts, maraming factors kung bakit natalo si Pacman nang tumakbong senador. 


Una sa lahat, hindi siya gaanong nangampanya at hindi gumastos para sa kanyang campaign materials. Ni hindi siya halos nagpa-ads sa anumang network at hindi nagpa-presscon. 


Sobra raw ang kumpiyansa sa sarili ni Pacman at inakalang sikat pa rin siya.

Isa pang factor na ikinatalo ni Pacquiao ay hindi niya gaanong natutukan ang kanyang kandidatura bilang senador dahil sa dami ng kanyang inaasikaso. 


May mga partylists siyang ineendorso at tumutulong pa sa kandidatura ng iba niyang kamag-anak kaya kalat-kalat ang kanyang atensiyon.


Naging setback din ni Pacman ang kanyang sinabi sa kampanya na naging slogan niya na: “Bobo ako, ibalik n’yo sa Senado.”


Sa halip na matuwa ang mga botante ay nabuwisit tuloy kay Pacman. 


Ayon pa sa ilang mga netizens, sinayang ni Manny ang magagandang oportunidad na dumating noon sa kanyang buhay. Hindi niya inalagaan ang legacy ng kanyang pagiging world champion sa boxing. Kumupas na ang ningning ng kanyang pangalan.



Unfair para kay Sen. Robin Padilla na siya ang bagsakan ng sisi kung bakit maraming artista ang natalo sa nakaraang midterm election. 


Kay Sen. Robin daw ikinukumpara ang kawalan ng kaalaman ng mga tumakbong artista sa iba’t ibang posisyon. Sikat lang daw si Robin, action star, pero walang nagawa bilang senador. 


Sinuwerte lang daw si Sen. Padilla na tumakbong senador noong panahon ni Duterte, kaya siya naging number one senator. At plus factor din na idolo si Robin ng mga botante sa Visayas at Mindanao.


Pero ayon sa veteran campaign analyst na si Alan German, hindi si Sen. Robin Padilla ang main factor sa pagkatalo ng mga artistang senador, lalo na ‘yung kasama sa Alyansa ni PBBM. 


Malaking pagkakamali raw na bago ang election ay isinulong ang planong pagpapa-impeach kay VP Sara Duterte. Sinundan pa ito ng pag-aresto kay Duterte ng ICC. 


Nagmistulang gumanti ang mga DDS kaya iniligwak sa Mindanao at Visayas ang mga kandidato ng Alyansa. 


Sad to say, tinamaan nang husto rito si Sen. Bong Revilla, Jr., na isa pa namang masipag at dedicated na senador. 


Sabi nga ng mga political analyst, iba na ang mindset ngayon ng mga botante, hindi na sila nakukuha lang sa popularidad ng isang kandidato. Dapat ay may puso at malasakit sa mga mahihirap.



BAGAMA’T wala pa silang kumpirmasyon sa status ng kanilang relasyon ngayon, kalat na sa social media na nakaplano na ang pagpapakasal nina Bea Alonzo at Vincent Co ng Puregold sa October, 2025. 


May tsika pang naimbitahan na ng pamilyang Co sa kanilang tahanan ang partidos ni Bea. 


Ayon pa sa ilang malalapit kay Bea, magiging limitado lang ang entourage at bisita sakaling matuloy na ang kasalang Bea at Vincent Co.


Well, may tsikang matagal na raw type ni Vincent si Bea at dati na siyang nanliligaw sa aktres. Ang kasosyo raw sa negosyo ng aktres sa kanyang luggage business ang naging daan upang sila ay magkakilala. At hindi tumigil si Vincent sa panliligaw kahit noong naging karelasyon na ni Bea si Dominic Roque. 


Sobrang pursigido si Vincent sa kanyang panunuyo sa aktres. Kahit nasa Spain ito para asikasuhin ang kanyang luggage business, pinadadalhan niya ito ng mga paboritong pagkain. Ganoon kabongga si Vincent Co.


Tiyak na mai-intimidate ang sinumang nagnanais manligaw kay Bea Alonzo ngayon. Ibang-iba na ang financial status niya ngayon at kahilera na siya nina Gretchen Barretto at Sharon Cuneta sa dami ng naipundar na properties. 


Hindi na rin siguro kailangan ang prenuptial agreement kapag sila ay nagpakasal na.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page