top of page
Search

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | May 24, 20255



Photo: Gabbi Garcia - IG


Muling pinapirma ng kontrata ng GMA Network si Gabbi Garcia. Sa loob ng ilang taon ng pamamalagi niya sa GMA-7 ay kinakitaan ng malaking potensiyal si Gabbi. 


Bukod sa acting, kaya rin ni Gabbi na mag-host ng shows. Hindi rin siya na-typecast sa iisang klase ng pagganap. Kahit na anong role ang ibigay sa kanya ay sinisikap niyang gampanan nang mahusay. 


Gusto rin daw subukan ni Gabbi na gumawa ng GL (girls’ love) serye. Malaking serye ito na magiging challenge sa kakayahan niya. 


Hindi magiging hadlang kay Gabbi ang pagkakaroon ng love life. Walang kompetisyon sa kanila ng nobyong si Khalil Ramos. Nagkakatulungan sila pagdating sa kanilang career.



Nang dahil sa kanyang paghanga sa nag-iisang Superstar na si Nora Aunor, agad na pumayag si RS Francisco ng Frontrow upang i-produce ang pelikulang Faney bilang tribute sa kaarawan ng National Artist na si Nora Aunor. 


Nagkaroon ng special red carpet screening ng Faney sa Gateway Cinema 11 noong mismong kaarawan ni Ate Guy last May 21. Bukod kay RS Francisco, co-producer din ng Faney ang Estele Builders ni Cecille Bravo at ang AQ Prime. 


Isa sa mga ikinatuwa ni RS Francisco ay nakatrabaho niya si Nora Aunor sa pelikulang Ligalig, na ginawa ng Superstar bago nagkasakit at pumanaw. 

Inaayos na ngayon ang lahat upang maipalabas na sa mga sinehan ang pelikulang Ligalig.


Samantala, pinuri naman ni Direk Gina Alajar ang Kapuso young star na si Althea Ablan na nakasama niya sa Faney


Nagkatrabaho na sina Gina at Althea sa seryeng Prima Donnas (PD) na tumagal ng 2 taon sa ere. Fourteen years old lang noon si Althea, pero kinakitaan na ni Direk Gina ng husay sa pag-arte. 


Nagpasalamat naman si Althea kay Direk Gina Alajar dahil tinulungan siya sa tamang acting.


Dumanas din ng matinding depresyon… KYLIE, NAKA-RELATE SA INANG SINUNOG ANG 3 ANAK


LABIS na ikinalungkot ni Kylie Padilla ang balita tungkol sa isang mom na nagpakamatay matapos sunugin ang tatlo niyang anak na menor-de-edad. 

Dumaranas ng matinding depression ang nasabing young mom dahil sa problema sa kanyang pamilya. 


Naka-relate si Kylie sa pinagdaanan ng nasabing ina dahil naranasan din niya noon ang postpartum depression. 


Mahirap ipaliwanag ang ganitong sitwasyon. Kaya naman, gustong iparating ni Kylie sa mga single moms na manatiling matatag kapag may mga pagsubok na pinagdaraanan.


Dapat ay humingi ng tulong sa kanilang mga kaanak at kaibigan. Kailangan ding magkaroon ng support group. 


Ang depression at anxiety ay isang seryosong problema na related sa mental health. Dapat itong bigyan ng pansin bago mauwi sa worst-case scenario.

 
 

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | May 23, 20255



Photo: Vico Sotto - IG


Sa edad niya ngayon na 35, wala pang balak na mag-asawa ang masipag na mayor ng Pasig City na si Vico Sotto. 


Sa kanyang status ngayon, tiyak na pag-aagawan siya ng mga babae. Ipagmamalaki siya ng kanyang magiging girlfriend lalo’t perfect na husband material si Mayor Vico. May matibay siyang paninindigan at hindi corrupt na public official. 


Sa panahon ng kanyang panunungkulan bilang mayor ng Pasig ay good governance ang kanyang pinaiiral.


Noong nakaraang eleksiyon ay mga multi-milyonaryo at maimpluwensiyang tao ang kanyang nakalaban bilang mayor, pero si Vico ang ibinoto ng mga Pasigueños. Landslide ang kanyang panalo.


Bagong dugo ng pulitiko si Mayor Vico Sotto. Kaya ang buong panahon niya ay kanyang inialay para tuparin ang kanyang mga naipangako sa kanyang mga nasasakupan. 


At his age, dapat ay nagsisimula nang bumuo ng kanyang pamilya si Mayor Vico dahil kailangan niya ng katuwang sa buhay.


Pero hindi priority ni Mayor Vico Sotto ang kanyang love life. Kung tutuusin, hindi naman siya choosy at balak din niyang mag-asawa sa tamang panahon. 


At plano niya na bago siya umabot ng 40 yrs. old ay magkaroon na ng pamilya. Gusto niya sa kanyang future wife ay ‘yung matalino at pareho sila ng wavelength — 'yung makakasundo niya sa mga pananaw sa buhay.


Dahilan daw ng hiwalayan kay Marco…

CRISTINE, SUMPUNGIN AT PABAGU-BAGO RAW NG MOODS 


ITINATANGGI ni Cristine Reyes na break na sila ni Marco Gumabao. ‘Yun ay sa kabila ng mga naglalabasang tsika sa social media tungkol sa kanilang magulong relasyon. 


Paliwanag ni Cristine, may konting tampuhan lang daw sila ni Marco na natural lang sa magkarelasyon.


Pero mas marami ang nagsasabing tinapos na nina Cristine at Marco ang kanilang relasyon at ayaw pang aminin ang katotohanan. 


Ilang taong malalapit kina Cristine at Marco ang nagsasabing ang aktres ang may pagkukulang sa kanilang relasyon. Sumpungin daw kasi ito at pabagu-bago ang moods.


Madalas silang mag-away dahil maraming bagay na hindi mapagkasunduan. 

Well, ideal boyfriend si Marco Gumabao. Sayang naman kung pakakawalan pa ni Cristine Reyes.



DUMAGSA ang mga Noranians sa Eastwood Walk of Fame-Phils. noong May 21 upang mag-alay ng mga bulaklak para sa kaarawan ng Superstar at National Artist na si Nora Aunor.


Mala-Princess Diana si Nora na inalayan ng mga bulaklak ng kanyang mga diehard fans. Pagkatapos ay tumuloy ang mga Noranians sa Gateway 2 Cinema 11 para sa special red carpet screening ng pelikulang Faney bilang tribute kay La Aunor para sa kanyang 72nd birthday. 


Big success ang special screening ng Faney in terms of attendance. Ito’y dinaluhan ng ilan sa major cast ng Faney tulad nina Gina Alajar, Bembol Roco, Ian de Leon, Althea Ablan at Ina Feleo na proxy ni Laurice Guillen. 


Dumalo rin sa red carpet screening sina Rita Avila, Jeric Gonzales, Martin Escudero at ang P-pop group na BILIB. 


Naroon din si RS Francisco ng Frontrow na isa sa mga producers ng Faney.

Maaga pa ay nasa Gateway Cinema na si Direk Adolf Alix.


In full support din sa Faney movie ang entertainment press. Ang movie ay open lang for block screening.


Samantala, posibleng maipalabas na rin ang pelikulang Kontrabida, na isa sa mga huling pelikula na ginawa ni Nora Aunor bago siya pumanaw.



MAY kakaibang twist ngayon sa istorya ng Lolong na ikinagulat ng mga viewers.

May ibinunyag na lihim si Manuel (Rowell Santiago) tungkol sa tunay na pagkatao ni Lolong (Ruru Madrid).


May natuklasan din si Elsie (Shaira Diaz) tungkol sa nawawala niyang anak na lalaki na ipinamigay ng kanyang ina. 


Nabawasan na rin ang mga kontrabidang labis na kinamumuhian ng mga viewers tulad ng character nina Jean Garcia at Martin del Rosario.


Patuloy pa rin ang pakikipaglaban ni Lolong sa mga taong umapi sa kanyang pamilya. Gagawin niya ang lahat upang iligtas ang kanyang mag-inang sina Elsie at Mimay.


 
 

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | May 22, 20255



Photo: Bimby Aquino - FB


Mukhang lilinya rin sa pulitika si Bimby Aquino Yap at susunod sa yapak ng kanyang Tito Noynoy Aquino (SLN) at sa yumao niyang lolo, si Benigno “Ninoy” Aquino, Sr..


Nabanggit kasi ng ilang kaibigan ni Kris Aquino na ang personalidad ni Bimby ay nababagay sa mundo ng pulitika. Matalino at malakas ang appeal ni Bimby sa mga ordinaryong tao, kaya nang natanong siya kung interesado ba siyang pumasok sa pulitika kapag nasa tamang edad na, nagpakatotoo si Bimby at sumagot ng “Yes, why not?”


Na-excite rin si Bimby nang malaman na ang kanyang Grandpa Ninoy ay dating mayor sa Concepcion, Tarlac. 


Kaya naman, may mga family friends na kumukumbinse kay Bimby na sa Tarlac na siya kumandidato sakaling papasok na siya sa pulitika. 


Well, tiyak na patuloy na lalabanan ni Kris Aquino ang kanyang karamdaman upang gumaling at matulungan si Bimby sa kanyang pangangampanya. Gagawin ni Kris ang lahat para matiyak lang na mananalo si Bimby.



Sa darating na May 25 ang 40 days ng kamatayan ng Superstar/National Artist na si Nora Aunor. 


Tiyak na paghahandaan ito nina Lotlot, Ian, Matet, Kiko, Kenneth na mga anak ni Guy at ng iba pang malalapit na kaibigan ng Superstar, ganoon din ng mga Noranians.


Nangangako naman ang mga tagahanga ni Aunor na patuloy nilang dadalawin ang puntod ng Superstar at regular silang magpapamisa para kay Aunor. 


Wish din ng mga Noranians na sana, kahit tapos na ang 40 days ni Guy ay ipagpatuloy pa rin nina Lotlot, Ian, Matet, Kiko at Kenneth ang paggunita sa kanilang ina, tulad ng hindi paglimot ng buong movie industry sa mga naging ambag ng isang Nora Aunor at sa malaking karangalan na ibinigay niya sa ating bansa.


Mananatiling nakaukit sa puso ng mga Pilipino ang pagiging icon ni Aunor. At kahit lumipas pa ang ilang dekada, mananatiling nakatatak ang pangalan ni Nora Aunor bilang isang mahusay na aktres at mang-aawit.



ISA kami sa mga nagulat sa pagkakasangkot ni Arnell Ignacio sa diumano’y katiwalian sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).


Tinanggal siya sa puwesto bilang OWWA administrator dahil daw sa loss of trust and confidence. Ang pagbili ng property ng OWWA worth P1.4 billion na hindi isinangguni sa OWWA Board ang sinasabing anomalya na kinasasangkutan ni Arnell. 


Sa ngayon ay under investigation umano si Arnell at posibleng kasuhan kapag napatunayang guilty.


Marami sa mga kaibigan ni Arnell ang nagsasabing maaaring na-frame-up lang ang TV host-comedian at sana raw ay may magaling na abogadong makuha si Arnell upang siya ay tulungan at ipagtanggol. 


Matagal na naming kilala si Arnell Ignacio. Alam namin na hindi siya ang tipo ng taong agad masisilaw sa salapi. Napaka-dedicated at hardworking niya. Halos hindi na siya natutulog sa kaka-follow-up sa mga OFWs na may problema sa kanilang employers.


Maaaring kinainggitan lang si Arnell Ignacio at idinawit sa nasabing anomalya. Maaaring na-overlook ang ilang bagay sa kanyang tungkulin bilang OWWA administrator kaya nakahanap ng pagkakataon ang kanyang mga kalaban upang gawan siya ng isyu at maakusahan. 


Hard lesson in life, at sana, malinis niya ang kanyang pangalan.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page