top of page
Search

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | May 28, 20255



Photo: Coco at Julia - IG


Tanggap ng mga fans ang relasyon nina Julia Montes at Coco Martin. Marami ang kinikilig kapag nakikita silang magkasama. At kahit walang pormal na pag-amin sina Julia at Coco sa status ng kanilang relasyon at sa pagkakaroon nila ng dalawang anak, still marami pa rin ang humahanga sa kanila.


Nananatiling tahimik si Julia Montes at hindi naging sagabal sa pag-abot ni Coco sa kanyang tagumpay. Hindi siya nakikipagkompetisyon at hindi nagde-demand ng atensiyon. May sarili siyang diskarte sa kanyang career at may mga negosyong naipundar. 


Ang paglalantad sa kanilang relasyon ay sariling desisyon ni Coco Martin. Ngayon ay malayang-malaya na sina Coco at Julia na makitang magkasama. Hindi naman nila itinatago ang kanilang relasyon.


Parehong homebody sina Julia at Coco. ‘Pag wala silang trabaho at commitments, nasa bahay lang sila at nagba-bonding.


At this point of Julia’s life, wala na raw siyang puwedeng hilingin pa. Masaya siya sa piling ni Coco dahil maalaga at very supportive.


Hindi lang partner kundi best friend ang turing niya sa aktor. Maging sa kanyang mga negosyo ay nakaalalay sa kanya si Coco. Kaya maituturing na masuwerte si Julia Montes na siya ang pinili ni Coco Martin na maging partner sa buhay.



SA latest post ni Lotlot de Leon sa social media, nakikiusap siya sa lahat na bigyan naman ng respeto at privacy ang yumao niyang ina, ang Superstar/National Artist na si Nora Aunor.


Marami na kasing naglalabasan na kung anu-anong kuwento na nakakasira sa reputasyon at pagkatao ng kanyang ina. Kaya humihiling si Lotlot na igalang muna ang kanilang pagluluksa.


Humingi rin ng tulong si Lotlot kay Atty. Mark Julius Estur ng Estur and Associates Law Firm para sa aksiyon na kanyang gagawin sakaling hindi tumigil ang mga gumagawa ng fake news.


Bilang panganay sa magkakapatid, handang protektahan ni Lotlot ang dignidad ng yumaong ina. Planong idemanda ni Lotlot ang nagkakalat ng kasiraan at fake news tungkol kay Nora Aunor.


Well, nairaos na ang 72nd birthday ni Aunor, ganoon din ang kanyang forty days. Nawa’y bigyan na ng katahimikan ang Superstar at tanggapin ng mga Noranians na hindi na nila makakapiling ang kanilang idolo. 


Ang kanilang dasal ang kailangan ni Aunor para sa kapayapaan ng kanyang kaluluwa.



NAKAKABAHALA ang nangyaring insidente sa Boracay kung saan nabugbog ang anak ni Sen. Jinggoy Estrada na si Julian at ang pinsan niyang si Jelo.

Tatlong lalaking kabataan ang nambugbog sa kanila na walang malinaw na dahilan at hindi nila kilala ang mga umatake sa kanila.


Dapat na tutukan ng mga awtoridad sa Boracay ang pangyayaring ito dahil baka makabawas sa interes ng mga turista na nagtutungo roon.

Well, sa pagkakakilala namin kay Julian Estrada ay tahimik ito at mabait. Hindi siya maporma at hindi umaastang mayabang kahit senador ang kanyang ama, at lolo niya ang dating Pangulong Joseph Estrada.


Edukadong tao si Julian at pinalaking marespeto. Unfair na siya ay husgahan dahil lang sa kanyang pagiging anak ng senador.


Kung tutuusin, dapat ay may kasama siyang bodyguards. Pero dahil bakasyon ang ipinunta nila sa Bora, kasabay ang imbitasyon para sa isang event, hindi na sila nagsama ng bodyguards. Nataon naman na nakursunadahan sila ng ilang local boys. 


Well, knowing Sen. Jinggoy, hindi siya basta mananahimik lamang hangga’t hindi nabibigyan ng kaukulang aksiyon ang nangyari sa kanyang anak na si Julian at pamangkin. Magsasampa sila ng kaukulang reklamo sa tatlong nambugbog sa kanyang anak


 
 

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | May 26, 20255



Photo: Janice De Belen - IG


Nagmistulang fan girl si Janice de Belen nang makita nang personal ang hinahangaang Korean actor na si Song Joong Ki. 


Dumating sa ‘Pinas ang South Korean star upang i-promote ang ine-endorse niyang barley product. Sa Mall of Asia (MOA) Arena ginanap ang event at masuwerte si Janice de Belen na makita at makaharap sa stage ang sikat na Korean actor. 


Lumuhod pa si Song Joong Ki nang ibigay niya ang bouquet of flowers kay Janice. Kitang-kita naman sa reaction ng aktres na sobrang saya at bongga ang excitement nang makaharap ito, at panay ang yakap niya sa Korean actor. Para siyang teen-ager na kinikilig.


For sure, maraming fans ang nainggit kay Janice de Belen.


Aktres, deserve raw ng mas better sa aktor…

FANS NI JULIA, NATUWA PA NA BREAK NA SILA NI GERALD


Kalat na kalat na sa buong showbiz na hiwalay na sina Julia Barretto at Gerald Anderson. Pinagpiyestahan sila sa mga tabloids at maging sa social media.


Marami na kasing okasyon na nagdaan na hindi nakikita si Gerald na kasama ang pamilyang Barretto. Tulad na lang nang ikasal si Claudia kay Basti Lorenzo at maging noong birthday celebration ni Marjorie. Dati-rati ay bahagi si Gerald ng mga okasyon sa pamilya ni Julia.  


At sa latest na kaganapan sa buhay ni Gerald nang mag-camping ito kasama ang kanyang pamilya, hindi nila kasama si Julia. Nabalita rin na bumiyahe abroad si Julia na solo lang siya. Kaya naman tumibay ang tsismis na hiwalay na sila ng aktor.


Pero hangga’t hindi mismo galing kina Julia at Gerald ang pag-amin sa real status ng kanilang relasyon ay hindi makukumpirmang break na sila.


Ngunit may ilang grupo ng mga fans at supporters ni Julia ang natutuwa sa balitang break na sila ni Gerald. Hindi raw si Gerald ang lalaking nababagay kay Julia. She deserves a better man. 


At ‘wag siyang magmadaling magpakasal dahil mas aangat ang kanyang career kung mananatili siyang single. Marami pang magagandang oportunidad ang darating kay Julia Barretto.



NAGDESISYON na si Albert Martinez na mag-semi-retire na sa showbiz, kaya nagbawas na siya ngayon ng workload at hindi na gaanong tumatanggap ng movie projects. Namimili na lang siya kung ano ang gusto niyang gawin.


Ang latest movie ni Albert ngayon ay ang The Lotto Winner (TLW) kasama si Kylie Padilla. 

Ayon kay Albert, hindi siya pamilyar kay Kylie at hindi niya alam na anak pala ito ni Sen. Robin Padilla. 


Magkakaroon lang siya ng panahon na makilala nang husto si Kylie kapag nagkatrabaho na sila sa kanilang movie.


Well, masasabi ngang financially stable na si Albert at puwede na siyang magretiro anumang oras na gustuhin niya. Marami nang naipundar na kabuhayan si Albert. 


Sobra-sobra na rin ang kanyang naipon at may negosyo pa siyang patuloy na kumikita. 

Okey na rin ang kabuhayan ng mga anak ni Albert. May mga sariling pamilya na rin ang mga ito, kaya ine-enjoy na lang ngayon ni Albert ang pagiging single. Hindi na niya iniisip na mag-asawang muli nang mabiyudo kay Liezel.

 
 

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | May 25, 20255



Photo: Bea Alonzo - IG


Ang bongga ng Mama Mary Ann ni Bea Alonzo dahil pangarap pala niya ang magkaroon din ng vineyard sa kanilang farm sa Zambales.


Nakita kasi niya ang vineyard sa Spain, kaya nabanggit niya kay Bea na sana, magkaroon din sila ng vineyard sa kanilang farm. 


Agad namang nangako si Bea sa kanyang mama na magkakaroon sila ng

vineyard. Tutal, napakalawak naman ng kanilang lupain sa Zambales at kakayanin itong pangasiwaan ng kanyang Mama Mary Ann.


Well, para sa ikaliligaya ng kanyang ina ay handang ibigay ni Bea Alonzo ang lahat. Mas pinili nga niya na sundin ang kagustuhan ng kanyang ina pagdating sa larangan ng pag-ibig. Mas pinili ni Bea ang kanyang pamilya nang magkaroon ng problema ang relasyon nila noon ni Dominic Roque.


So far, wala siyang regrets sa kanyang naging desisyon dahil masaya at tahimik ang kanyang buhay sa piling ng kanyang pamilya. 


Sa tamang panahon, darating ang tamang lalaki para sa kanya. Who knows, baka si Vincent Co na ang nakatadhana para kay Bea Alonzo.



MANA NI NORA SA MGA ANAK, INAAYOS NA



NANG dumalo si Ian de Leon sa special screening ng pelikulang Faney, naitanong ng ilang entertainment press kung inaayos na ba ng kanilang abogado ang mana nilang magkakapatid sa yumao nilang ina na si Superstar Nora Aunor. 


Marami kasi ang interesadong malaman kung gaano kalaki ang ipinamana sa kanila nito.


Sey ni Ian, may nag-aasikaso na tungkol dito pero confidential ito at ayaw nilang isapubliko.


Well, kahit papaano ay nakapag-iwan naman si Aunor ng kanyang Last Will and Testament at naihanda niya ito bago siya nagkasakit at pumanaw. Kaya kahit papaano ay may pamana siyang maiiwan para sa kanyang mga anak na sina Lotlot, Ian, Matet, Kiko at Kenneth.


Hindi nga lang puwedeng idetalye kung paano ang gagawing partehan sa naiwang yaman ni Nora Aunor.


Ngayong tapos na ang 40 days ni Aunor, nangako ang mga Noranians na aabangan at panonoorin nila ang iba pang nagawang pelikula ni Guy tulad ng Kontrabida at Ligalig

Ang Faney ay puwede namang mapanood ng mga gustong magpa-block screening.




NAGULAT ang marami sa naging pag-amin ni Alden Richards na nakaranas siya ng matinding depression last year nang maubos ang kanyang mga pinaghirapan at kinita sa showbiz.


May mga naipundar na negosyo at investments naman si Alden. Pero dahil nga sa sobra niyang pagiging generous na lahat ng lumalapit ay kanyang tinutulungan, nagising na lang siya na halos said na ang kanyang kinita. 


Umabot siya sa puntong nasa rock bottom na siya. Hindi makapaniwala noon si Alden sa nangyari. Dismayado rin siya na may mga taong nagsamantala sa kanyang kabaitan at pagiging generous. 


Nakadagdag pa sa depression noon ni Alden Richards ang pagpanaw ng kanyang lolo noong 2024. 


Kaya naman, upang maka-regain ng kanyang tiwala sa sarili at makabawi sa milyones na nawala sa kanya, ibinaling ni Alden ang panahon sa ilang physical activities at nag-organize ng fundraising fun run sa tulong ng kanyang mga kaibigan sa showbiz.


Ngayon ay unti-unti nang bumabalik ang sigla ni Alden Richards. May malaking leksiyon siyang natutunan sa mga nangyari sa kanya. 


Ganunpaman, patuloy pa rin siyang magiging mabait at generous sa mga dapat tulungan.



DUMAGSA sa GMA Network ang mga nag-audition para sa search ng Bubble Gang ng Bayan (BGNB) kung saan naghahanap ng mga future comedians na bibigyan ng exposure. 


Maraming mga viewers ang nangangarap na mapabilang sa longest-running gag show sa telebisyon. Mahigit tatlong dekada na sa ere ang BG at maraming artista na ang naging bahagi ng show.


Tanging sina Michael V., Paolo Contis at Chariz Solomon ang maituturing na ‘orig’ sa cast na hanggang ngayon ay nasa BG pa rin. 


Si Betong Sumaya, bumilang na rin ng taon sa BG at nakikipagsabayan na rin kina Michael V., Paolo, Chariz atbp..


Maging si Ogie Alcasid ay matagal ding nakasama ni Michael V. sa mga skits nila sa BG


Si Antonio Aquitania, gradweyt na rin, ganoon din si Sef Cadayona. 

Maraming characters ni Michael V. ang minahal ng mga viewers ng BG tulad ni Mr. Assimo at si Yaya ni Angelina.


Patuloy ang mga pagbabagong nagaganap sa BG, kaya ngayon ay gusto nilang tumuklas ng bagong henerasyon ng mga young comedians. 


Dumagsa naman ang mga aspiring comedians sa audition ng BGNB.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page