top of page
Search

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | June 7, 20255



Photo: Bea Alonzo - IG


Ngayon pa lamang ay inaabangan na ng marami kung ang relasyon ni Bea Alonzo at ng boyfriend niyang billionaire businessman na si Vincent Co ay mauuwi sa kasalan. 


Tiyak daw na maraming ikokonsidera ang pamilyang Co dahil si Vincent ang nag-iisang anak na lalaki at siya ang hahawak o mamamahala sa mga negosyo ng pamilya tulad ng Puregold.


Mas mayaman din si Vincent kahit na sabihin pang bilyonarya na si Bea sa dami ng kanyang properties at negosyo na naipundar. At tiyak na ang unang kondisyon bago magpakasal sina Bea at Vincent ay ang pagkakaroon ng prenup agreement upang bigyan ng proteksiyon ang kanilang mga ari-arian.


For sure, papayag ang partido ni Bea sa prenup agreement at hindi mao-offend. Besides, may sariling yaman ang aktres-businesswoman at hindi dedepende kay Vincent kapag sila ay mag-asawa na. 


Minamadali na ng kanyang pamilya, mga kaibigan, at mga fans si Bea na mag-asawa na dahil 38 years old na siya ngayon. At pangarap ng kanyang mom na bigyan siya ni Bea ng apat na apo. 

Kayanin pa kaya?


MARAMI ang labis na nagtataka kung bakit ayaw ipakita ni Maja Salvador ang mukha ng kanyang baby girl na si Maria noong mga unang buwan matapos siyang manganak.


Gusto pa namang makita ng mga fans kung sino ang kahawig ni Baby Maria. Marami nang celebrity mommies ang agad na ipino-post sa social media ang hitsura o larawan ng kanilang mga anak. Proud silang i-display sa publiko ang kanilang anak lalo na kung maganda o pogi.


Well, katwiran ni Maja, ayaw niyang malait at i-bash ang kanyang anak kaya hindi niya agad ipinakita sa publiko. Nag-aalala siya sa mga negative comments ng mga bashers. Ayaw niyang pagtawanan o pintasan ang anak nila ni Rambo Nuñez. 

HINDI na matinee idol ngayon ang level at kategorya ng pagiging aktor ni Dingdong Dantes. Hindi lang pang-romcom (romantic comedy) dahil mature at serious roles na ang kanyang ginagampanan sa telebisyon at pelikula. 


Puwede siya sa drama, action, suspense, at horror. Hindi na rin niya kailangan ang ka-love team. 


Siya ang Primetime King ng GMA Network. Nagkamit na rin siya ng ilang acting awards. Hindi image conscious si Dingdong Dantes. Hindi rin siya namimili ng kanyang kapareha sa pelikula. Tanggap ng mga fans kahit sino pa ang kanyang leading lady. 


Ang mahalaga ay ang husay ng pag-arte na kanyang ipinakikita sa bawat role na kanyang ginagampanan. Kaya naman wala nang nagtaka nang si Ms. Charo Santos ang kanyang kapareha sa pelikulang Only We Know (OWK). Isa itong kakaibang love story na tiyak na magugustuhan ng moviegoers. 


Ipapalabas din ang OWK sa mga sinehan sa USA, Canada, atbp..



BIKTIMA rin ang comedy genius na si Michael V. (Bitoy) ng fake news at ginagamit ang kanyang mukha at boses para sa endorsements ng mga produkto.


Ilang beses na itong nangyayari kay Bitoy, kaya may panawagan siya sa publiko na huwag maniwala sa mga lumalabas na endorsements niya ng mga produktong wala siyang pahintulot. Isa raw itong scam. 


Kung hindi raw titigil ang mga taong gumagamit sa kanya para ibenta ang anumang produkto ay gagawa na siya ng legal action.


Mahigit 4 na dekada na sa showbiz si Michael V. at alaga niya ang kanyang pangalan, lalo na’t wholesome ang imahe niya sa telebisyon at pelikula. Comedy shows at gag show ang ibinigay sa kanya ng Kapuso Network tulad ng Bubble Gang (BG) at Pepito Manaloto (PM).


Fifteen years nang napapanood sa ere ang PM at marami na silang napasayang mga viewers. 


Sa paglipas ng mga taon, may ilang pagbabago na rin na nagaganap sa main characters ng PM, tulad ni Clarissa (Angel Satsumi) na dalagang-dalaga na ngayon. Siya ang bunsong anak nina Elsa (Manilyn Reynes) at Pepito (Michael V).

 
 

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | June 6, 20255



Photo: Ms. Valerie Tan - 1 Heart PH, IG Story


Si Kris Aquino pala ang peg ng host ng I Heart PH (IHPH) na si Valerie Tan.

Hangang-hanga raw siya sa husay mag-host ni Kris sa kahit na anong show na ibigay sa kanya. Lutang na lutang ang talino at pagiging smart nito at lagi siyang well-informed sa maraming topics na kanyang tinatalakay kaya nagagawa niyang interesting ang bawat show na hinahawakan.


Ang katangiang ito ni Kris ang gustong tularan ni Valerie, kaya pinagbubuti niya ang pagho-host ng IHPH na ngayon ay nasa Season 10 na.


Marami namang viewers ang nagsasabing malaki ang hawig ni Valerie Tan kay Toni Gonzaga na isa ring magaling na TV host, pero may anggulo rin na kamukha niya si Heart Evangelista.


Well, walang kontrata si Valerie Tan sa TV8 Media, pero malaki ang tiwala sa kanya kaya tumagal ang kanilang partnership.


Samantala, para sa Season 10 ng IHPH, espesyal ang kanilang feature in partnership with Hong Kong Tourism Board. Itatampok sa show ang iba’t ibang atraksiyon tulad ng Disneyland, Ocean Park, at maging ang fishing village na hindi napupuntahan ng mga turista. 


Game na game si Valerie Tan na gawin ang mga challenges sa kanyang paglilibot sa Hong Kong.


Mapapanood ang I Heart PH tuwing Linggo, 10:30 AM simula sa June 8.



HINDI man pinalad na manalo si Luis Manzano nang kumandidatong vice-governor ng Batangas, tatlong game shows naman ang nakalinya niyang i-host. 


Nauna na rito ang Rainbow Rumble (RR) na patok sa mga viewers. Sa kanya rin ibinigay ang pagho-host ng Minute to Win It (MTWI) at Deal or No Deal (DOND) kaya bonggang-bongga ang magiging exposure ni Luis sa telebisyon.


So far, tanggap naman niya na hindi pa panahon upang pasukin niya ang mundo ng pulitika. Naniniwala siyang darating din iyon kung sadyang nakalaan para sa kanya kaya balik na siya sa kanyang kinagisnan bilang game show host dahil ito ang forte niya.


Bentahe kay Luis Manzano ang kanyang exposure sa mga game shows dahil dito siya nakukuhang product endorser, at milyones ang kinikita niya rito.



MARAMING netizens ang nakapansin na pumayat ang ex-husband ni Ai Ai delas Alas na si Gerald Sibayan. 


Base sa mga larawan nito na naka-post sa social media, bumagsak ang katawan ni Gerald at marahil, dahil na rin sa stress na pinagdaraanan niya ngayon sanhi ng ginawang pagbawi ni Ai Ai sa kanyang petition para sa US citizenship.


Maging sa paghahanap ng trabaho ay malilimitahan din si Gerald, kaya hindi na niya magagawang tumira o magtrabaho sa United States of America (USA). No choice siya kundi bumalik na lang sa ‘Pinas.


Samantala, payapa at naka-move on na rin si Ai Ai at tinanggap na ang pakikipaghiwalay sa dating mister. May bagong show siyang pagkakaabalahan ngayon — ang The Clash (TC) kung saan isa siya sa mga hurado kasama sina Lani Misalucha at Christian Bautista.


Nalilibang din siya sa kanyang pagsu-zumba kaya physically fit siya ngayon. 

Naibalita rin ng Comedy Queen na ibinabalik niya ang dating tradisyon kung saan nagsusuot siya ng belo kapag siya ay nagsisimba bilang tanda ng respeto sa simbahan. Marami na ngayon ang hindi na gumagamit ng belo kapag nagsisimba.



 
 

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | June 2, 20255



Photo: Lovi Poe - IG


Marami ang hindi makapaniwala sa balitang 7 months preggy na si Lovi Poe. Nakita pa kasi siyang rumampa sa Bench Summer 2025 at wala namang nakitang baby bump niya. Napaka-sexy ni Lovi nang rumampa sa kanyang summer look.


Pero balita nga ng malalapit na kaibigan ni Lovi na preggy na ang aktres. 

Marami naman ang natutuwa kung totoo na talaga ito dahil alam nilang pangarap ni Lovi na magkaroon na sila ni Monty Blencowe ng kanilang little angel. 


At sa edad niyang 36, nararapat na nga na magkaroon na sila ng baby upang makumpleto ang kanilang pamilya. 


Excited na rin si Lovi na ma-experience ang maging ganap na ina.



MARAMI nang nakarelasyong artista si Gerald Anderson tulad nina Kim Chiu, Sarah Geronimo, Maja Salvador, Bea Alonzo at Julia Barretto. Magkakaiba ang naging experience niya sa bawat relasyon na kanyang pinagdaanan. 


Sa height ng kanyang popularidad ay naging makulay ang kanyang love life, kaya chickboy ang kanyang naging image sa showbiz dahil papalit-palit ang kanyang naging karelasyon.


Marami rin ang nagtatanong kung bakit nauuwi sa breakup ang relasyon niya sa mga babaeng kanyang minahal? Masaya naman sa umpisa ang bawat love story na nagdaan sa buhay ni Gerald.


Pero sa isang interbyu ni Boy Abunda, inamin ni Gerald na sa lahat ng kanyang nakarelasyong artista, si Kim Chiu ang kanyang greatest love. Marami raw magagandang bagay na naituro sa kanya si Kim. Isa na rito ay ang pananatiling humble at huwag magbabago kahit na sumikat pa nang husto at ‘yun ang kanyang tinatandaan kapag naaalala niya ang aktres.



INAMIN mismo ni David Licauco kay Barbie Forteza na segurista siya pagdating sa pag-ibig. Hindi raw siya basta nanliligaw sa babae kapag naramdaman niyang wala siyang pag-asa. Hindi siya basta sumasabak kahit type niya ang isang girl. Nagtatanung-tanong din muna siya sa mga kaibigan ng girl na balak niyang ligawan kung papasa ba siya.


Hindi open si David Licauco pagdating sa kanyang love life. Hindi niya ito ipino-post sa social media. 


Ang pagiging tahimik ni David Licauco ang nakaka-attract sa mga kababaihan. At plus factor din na may mga negosyo na ito at financially stable na.


Inamin ni David na naka-lima na siyang girlfriends, pero nauwi sa paghihiwalay. Kaya naman, may mga nagsasabing sana ay si Barbie na lang ang ligawan ni David. Tutal, magkasundo sila sa maraming bagay kahit magkaiba ang kanilang personalidad. Isa pa, nagkakatulungan sila sa kani-kanilang career.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page