top of page
Search

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | June 11, 20255



Photo: Carla Abellana - IG


Marami ang nag-react sa naging pahayag ni Carla Abellana na pitong taon niyang tiniis ang hindi magandang relasyon nila ni Tom Rodriguez bago sila ikasal.


Malaking pagdurusa ang naranasan niya dahil sa panahon na magkarelasyon sila ay bawal siyang magalit, magtampo at magreklamo. 


Tiniis daw ni Carla ang lahat dahil mahal na mahal niya si Tom. Pero 3 buwan lang matapos ang kanilang kasal ay nagdesisyon si Carla na makipaghiwalay na. 


January, 2022 nang tuluyang maghiwalay sina Carla at Tom. Mahigit dalawang taong namalagi sa USA si Tom at wala silang naging komunikasyon. 


Naungkat lang ulit ngayon ang kanilang nakaraan dahil sa paglalantad ni Tom sa bago niyang karelasyon at sa kanilang anak. 


Walang galit at panunumbat na narinig kay Carla laban sa dati niyang mister. At dahil sa kanilang failed marriage ay hindi na raw naiisip pa ni Carla ang muling magpakasal sakaling makatagpo ng bagong pag-ibig dahil traumatic para sa aktres ang naranasan sa piling ni Tom Rodriguez.


Dahil sa mga lumabas na wedding photos nina Shaira Diaz at Edgar Allan (EA) Guzman sa social media, bumuhos ang mga pagbati mula sa kanilang mga kaibigan at kakilala. 


Kaya naman, agad na nilinaw ni Shaira na hindi totoong nagpakasal na sila ni EA dahil sa August pa naka-schedule ang kanilang church wedding. 


Ang mga wedding photos na lumabas ay para lang sa promo ng Honor Phils. at sila ang kinuhang ambassadors. 


Abalang-abala ngayon sina Shaira at EA sa preparasyon ng kanilang kasal dahil tatlo ang prenup shoots na kanilang gagawin. Isa ay kinunan pa sa South Korea sa kahilingan na rin ni Shaira na certified K-drama fanatic. 


Pati ang kanyang wedding dress na isusuot sa kasal ay sa Korea pa binili. 

Larawan ng masayang soon-to-be bride si Shaira Diaz. 


Well, regular pa rin siyang napapanood sa programang Unang Hirit (UH) ng GMA-7. Malaki rin ang kanyang role sa action seryeng Lolong na malapit na ring magtapos.



DALAWAMPUNG taon na ang lumipas nang mapanood sa GMA Network ang fantaseryeng Encantadia na pinagbidahan noon nina Iza Calzado, Diana Zubiri, Sunshine Dizon at Karylle. 


Noong 2016 ay muling nagkaroon ng version na ang major cast ay sina Glaiza de Castro, Kylie Padilla, Gabbi Garcia, at Sanya Lopez, kasama si Mikee Quintos.


Kaya nanabik ang mga viewers sa pagbabalik ng Encantadia na mas pinalaki at ginastusan nang husto. Bongga ang mga costumes at mga bagong batch ng Kapuso stars na magsisiganap sa pangunguna nina Bianca Umali, Angel Guardian, Faith da Silva, Kelvin Miranda, atbp.. 


Si Julie Anne San Jose ang kumanta ng theme song ng Encantadia, ang Bagong Tadhana (BT)


Ibang-iba ang concept ng Encantadia Chronicles: Sang’gre (ECS) kaya masuwerte ang mga Kapuso stars na napiling magsiganap sa mga bagong characters. 

Ang ECS ay mula sa direksiyon nina Rico Gutierrez at Enzo Williams.

 
 

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | June 9, 20255



Photo: Jak Roberto at Jackie Gonzaga - Circulated, FB


Mukhang naka-move on na si Jak Roberto sa breakup nila ni Barbie Forteza. Masaya siya ngayon dahil nakabili ng bagong modelo ng Ford Ranger at may mga kaibigang kasa-kasama niya sa pagmomotorsiklo. 


Nababalita rin na madalas silang nakikitang magkasama ni Jackie Gonzaga, ang ‘Ate Girl’ sa It’s Showtime (IS). May mga nakakita na sweet sila nang magpunta sa isang bar. 


Well, ang alam namin ay single si Jak pero hindi ba't si Jay Contreras ng Kamikazee ang rumored BF ni Jackie? 


Samantala, marami namang JakBie (Jak at Barbie) fans ang hanggang ngayon ay patuloy na umaasa na magkakabalikan sina Barbie Forteza at Jak Roberto.


Kailangan lang na bigyan nila ng space ang isa’t isa para malaman kung sila pa rin ang nakatadhanang magsama.



Maraming netizens ang hindi pabor at dismayado sa ginawang paglalantad sa social media ni Tom Rodriguez sa kanyang anak at bagong partner ngayon. 


Dapat daw ay nanatili na lang private ang kanyang personal na buhay. Alam naman niyang hindi naging madali ang paghihiwalay nila noon ng kanyang ex-wife na si Carla Abellana. Wala silang pormal na closure at hindi nila naayos ang kanilang naging problema. 


Ang tanging statement noon ni Tom ay divorced na sila ni Carla dahil US citizen siya.

Marami tuloy ang nagsasabing gumaganti lang si Tom kay Carla kaya inilantad na niya sa social media ang kanyang mag-ina. 


Maraming kababaihan ang naawa at nakikisimpatya sa aktres. Alam nilang nasaktan ito at dinamdam na may kapalit na siya sa puso ng dating mister. At kahit papaano ay may pinagsamahan sila ni Tom at malaki ang naging bahagi nito sa kanyang buhay. 


Ganunpaman, hangad daw niya ang kaligayahan ni Tom. 

Ramdam ng lahat ang lungkot ni Carla Abellana na wala pang bagong karelasyon ngayon.



MARAMING viewers ng Lolong ang awang-awa na kay Shaira Diaz sa kanyang role bilang Elsie.


Grabe ang hirap na dinanas niya sa kamay ni Martin del Rosario na bukod sa sinasaktan siya ay pinagsamantalahan pa. 


Malaking challenge ito para kay Shaira dahil dati ay magaan lang ang kanyang role na ginagampanan sa serye, pero sa sequel ng Lolong ay pinahirapan siya physically at emotionally. Matitindi ang mga eksenang ginawa niya at pumayag siyang maging batang ina. Handa na siya sa mature role. 


Well, pinupuri si Shaira ng kanyang direktor at mga co-stars sa Lolong. Napaka-professional daw nito sa trabaho. Maging si Ruru Madrid ay saludo kay Shaira Diaz dahil nagpapakita ito ng galing sa pag-arte.

 
 

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | June 8, 20255



Photo: Gerald Anderson - IG


Takot pala ang aktor na si Gerald Anderson kay Bea Alonzo, kaya idinaan sa ghosting ang kanilang paghihiwalay.


Napaka-strong kasi ng personalidad ni Bea, alam niya kung ano ang gusto niyang marating sa kanyang career. Hindi siya ang tipo ng babaeng yes lang nang yes sa kagustuhan ng kanyang karelasyon. 


Hindi rin siya nagpapaalipin sa pag-ibig pero handa niyang i-give-up ang kanyang BF kung may magiging problema sa kanyang pamilya, lalo na sa kanyang mom. 


Mas nanaig kay Bea ang isip kesa puso, kaya nga hindi na niya hinabol si Gerald nang bigla na lang hindi ito nagpakita at nagparamdam. Wala silang formal breakup at closure, kaya tumatak sa lahat ang ‘ghosting issue’ ni Gerald. 


Kaya naman, binabantayan ng publiko ang bawat pakikipagrelasyon niya. Inaabangan ng lahat kung magpapakasal na siya ngayong 37 years old na siya. Inaapura na rin siya ng kanyang ina na mag-asawa na dahil sabik na ito sa apo.

Biggest mistake raw…

AI AI, SISING-SISI NA NAGPAKASAL KAY GERALD


SA guesting ni Ai Ai delas Alas sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA) kasama si Lani Misalucha, naitanong ni Boy Abunda na kung sakali at maibabalik ang panahon, ano ang hindi gagawin ng Comedy Concert Queen? 


Aminado naman si Ai Ai na pabigla-bigla rin siyang magdesisyon noon, lalo na sa usapin ng pag-ibig. Ngayon niya na-realize na sana, hindi siya nagpakasal sa lalaking mas bata sa kanya dahil magbabago, lalo na kung malaki ang agwat ng kanilang edad. 


Sabi nga, biggest mistake niya ang pagpapakasal kay Gerald Sibayan. 

Naniwala siya na totoo siyang minahal, kaya nagtiwala siya. Inakala ni Ai Ai na nakatagpo siya ng lalaking magmamahal sa kanya nang totoo kaya sinuportahan niya ang pangarap ni Gerald na maging isang piloto. Nag-petition din siya upang maging US citizen ang mister. Pero lumabas din ang totoong motibo ni Gerald, at ginamit lang niya si Ai Ai para sa pansarili niyang interes. 


Walang formal breakup sina Ai Ai at Gerald. Idinaan lang sa chat ni Gerald ang pakikipaghiwalay, at napakasakit nito para sa Comedy Concert Queen.


Parehong bagets pa kaya naghiwalay…

AGA, UNANG BF NI AIKO


MARAMI ang nagulat nang aminin ni Aiko Melendez na si Aga Muhlach ang kanyang first boyfriend.


Pareho pa silang bagets noon at marami ang nagtaka kung bakit hindi nagtagal sina Aiko at Aga. 


Napunta si Aiko kay Jomari Yllana, si Aga naman ay na-in love kay Janice de Belen at nagkaroon sila ng isang anak, pero hindi nagpakasal. 


Ang actress/beauty queen na si Charlene Gonzales ang pinakasalan ni Aga at nagkaroon sila ng kambal na anak, sina Atasha at Andres, na nag-aartista na rin ngayon. 

Kaya tanong ng mga netizens ay kung posible bang magkasama sa isang movie project sina Aga, Aiko at Janice? 


Well, pare-pareho na silang mature at may kani-kanyang pamilya na rin. Trabaho na lang ang dapat nilang ikonsidera sakaling may movie producer na mag-offer.



BONGGA ang Season 10 ng programang IHeart PH (IHPH) hosted by Valerie Tan at produced ng TV8 Media. 


Sa first episode para sa Season 10, itatampok ang mga tourist attractions ng Hong Kong. Mapapanood ito sa GTV simula ngayong 10:30 AM.


Tiyak na marami ang maeengganyo na muling pumunta sa Hong Kong ngayon dahil sa mga bagong attractions, bukod sa HK Disneyland at Ocean Park at ang dinarayong Night Market.


Pupuntahan din ng Team IHPH ang isang fishing village na hindi kadalasang nararating ng mga turista.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page