top of page
Search

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | June 14, 20255



Photo: River Joseph at Heart Evangelista - PBB, YT.


Na-starstruck kay Heart Evangelista ang Pinoy Big Brother (PBB) Celebrity Collab Edition housemate na si River Joseph. Makikitang kumikinang-kinang ang mga mata niya nang masilayan si Heart.


Ibang-iba kasi ang aura ni Heart nang pumasok sa PBB house para maging celebrity houseguest. Maraming naaliw kay Heart dahil kahit sosyal na sosyal ang porma, kalog naman ito at very humble, sinikap na maka-adjust sa mga task habang nasa loob ng Bahay ni Kuya. 


Tumulong pa siyang magluto ng dessert na banana cue. 


Samantala, aminado si River Joseph na crush niya si Heart Evangelista kahit taken na. Guwapo naman siya, in fairness ha, na isa ring matagumpay na businessman at sport-minded. Galing siya sa angkan ng mga prominenteng pamilya at may kaya sa buhay.



May video na maglilinaw kung saan mapapanood ang basketball player na si Bobby Ray Parks, Jr. na kinakausap ang ina ni Zeinab Harake tungkol sa kanilang pag-iisang-dibdib dahil sa pagputok ng isyu na hindi pagdalo nito sa kanilang kasal. 


Bina-bash kasi ngayon si Zeinab dahil natiis daw niyang hindi imbitahin ang sariling ina na si Marife Ocampo sa kanyang engrandeng kasal. Ang tatay ni Zeinab ang naghatid sa kanya sa altar, kaya marami sa mga dumalo sa engrandeng kasalan ang nagtataka at nagtatanong kung bakit wala ang mom ni Zeinab sa kanyang special day. 


Bonggang-bongga nga ang kanilang kasal ni Ray Parks, pero hindi ito nasaksihan ng mom ni Zeinab. Paano raw natiis ni Zeinab ang sariling ina? 


Kaya kumakalat muli ngayon ang isang video kung saan ipinakita na si Ray mismo ang nagpunta sa mom ni Zeinab para personal itong imbitahin sa kasal nila. At hindi nila alam kung ano ang dahilan at hindi ito dumalo sa kasal. 

Pero ang mahalaga ay nagbigay sila ng respeto sa mom ng bride at hindi naetsapuwera sa kasalang Zeinab Harake at Ray Parks.


Natapos na ni Matteo Guidicelli ang kurso niyang business program sa Harvard University last December 24. At muli na naman silang maglalayo ng kanyang wifey na si Sarah dahil babalik na naman siya sa Boston, USA para mag-aral ng Marketing Executive Education sa Harvard. 


Pero ang lahat ng ito, ayon kay Matteo ay para sa maganda nilang future. Maging ang kanyang showbiz career ay pansamantalang iiwan ni Matteo dahil gusto niyang tapusin ang kanyang pag-aaral. 


May resto business ang pamilya ng aktor, at nagtayo rin sila ni Sarah ng recording studio kaya makakatulong sa kanya ang pag-aaral ng marketing course sa Harvard University.


Well, mahalaga ang edukasyon para kay Matteo, kaya nagpupursige siyang makatapos. Kahit papaano ay financially stable sila ni Sarah, kaya can afford silang mag-slow down muna sa kanilang career kung kinakailangan. At masaya sila sa kanilang set-up ngayon na walang stress at walang pressure.

 
 

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | June 13, 20255



Photo: Karylle - It's Showtime


Maraming viewers ng It’s Showtime (IS) ang kinilig sa muling pagkikita nina Karylle at Dingdong Dantes sa noontime show.


Nag-guest sina Dingdong at Charo Santos sa IS upang i-promote ang movie nilang Only We Know (OWK).


Kung matatandaan, naging magkasintahan sina Karylle at Dingdong noong magkatambal sila sa ilang shows sa GMA-7. Wala pa noon si Marian Rivera sa buhay ni Dingdong, pero hindi sila itinadhana para sa isa’t isa. 


Si Marian ang pinakasalan ni Dingdong, at si Karylle naman ay happily married na rin kay Yael Yuzon.


Nag-mature na rin si Karylle kaya nagawa niyang harapin ang dating nobyo at hindi siya nailang nang muli silang nagkita. 


Well, naghihintay naman ang mga netizens sa reaction ni Marian sa muling pagkikita nina Karylle at Dingdong. Hindi ba siya nakaramdam ng selos?


At this point of her life, hindi na nai-insecure si Marian Rivera kung may mga babaeng umaaligid sa kanyang mister. Malaki ang tiwala niya sa aktor at masaya naman ang kanilang married life.


Kahit pumanaw na… 

RICKY, MAPAPANOOD PA SA ENCANTADIA


MAY special role rin pala ang yumaong aktor na si Ricky Davao sa Encantadia Chronicles: Sang’gre (ECS). Nagawa pa niyang mag-taping sa Encantadia bago siya nagkasakit, kaya tiyak na isa ito sa mga aabangan ng mga viewers kapag nagsimulang umere ang Sang’gre.


Napakalaki ng production cost ng Encantadia dahil maraming artista ang kasama sa cast. Ginastusan din ang production design, special effects at costumes ng mga artistang magsisiganap dito.


Almost three years ang ginugol sa pagbuo ng concept ng Sang’gre. Mas pinabongga ang lahat ng aspeto at tiyak na hihigitan ang mga naunang kuwento ng Encantadia.


Si Bianca Umali ang magiging sentro ng istorya at siya ang magsasalba sa kaharian ng Encantadia.


Ang magandang twist ay may pa-flashback muna ng mga naunang characters na nagsiganap noon sa Encantadia tulad nina Glaiza de Castro, Solenn Heussaff, Mikee Quintos, Sanya Lopez, atbp..


Kaabang-abang ang mga eksenang magaganap sa Encantadia.



HINDI na nakasama si Bayani Agbayani sa Season 3 ng Da Pers Family (DPF) sa TV5. Nasa kasagsagan siya noon ng kampanya para sa TUPAD Partylist kaya hindi siya nakapag-taping. 


Ngayon pa lang siya bumabawi ng pahinga, pero hinahanap-hanap pa rin niya ang pagho-host ng game show-variety show.


May hinihintay din siyang comedy movie na dati niyang tinanggap bago ang midterm election. 


Looking forward si Yani na muling sumigla ang movie industry upang magkaroon ng trabaho ang mga artista. Malaking tulong din na may mga independent movie producers na gumagawa pa rin ng pelikula sa kabila ng mga problema sa movie industry.

Samantala, maraming fans ni Bayani Agbayani ang nagtatanong kung kailan siya muling mapapanood sa telebisyon. Mahusay naman siyang mag-host ng game show-variety show, beterano na rin siyang comedian. Sayang naman ang talento niya kung hindi magiging aktibo sa showbiz.


For sure, hindi naman pababayaan ng Viva Entertainment ang career ni Bayani Agbayani.


NGAYONG gabi na, June 13, gaganapin ang Divas on Fire concert ng magkaibigang Token Lizares at Dulce sa Teatrino in Promenade, Greenhills, San Juan.


Parehong magaling na singer at performer sina Token at Dulce at ilang shows na ang kanilang pinagsamahan.


Bukod sa parehong magaling mag-perform, pareho ring mabuti ang puso ng dalawa lalo na sa pagtulong, kaya ru’n sila nagkakasundo at kaya rin sila sinusuportahan ng kanilang mga kakilala at kaibigan.


Marami nang natulungan si Charity Diva Token Lizares lalo na sa hanay ng mga pulis, gayundin ang mga madre at iba pang bata at matatandang maysakit.

Kaya naman tuwing nagso-show sila ni Dulce, part ng proceeds ay napupunta sa mga kaibigang madre na tinutulungan ni Token.


Tulad ngayon sa Divas on Fire, ang beneficiary ay ang Servants of Mary and Noah’s Ark dog and cat shelter.


Tiyak na mag-aapoy sa init ang show na hatid ng dalawa lalo’t sasamahan din sila ng kanilang mga special guests na Rhythm N Babes, Jex de Castro ng Tawag ng Tanghalan at Ram Castillo na nag-champion sa WCOPA.


 
 

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | June 12, 20255



Photo: Ivana Alawi, Zeinab Harake at Ray Parks - IG, YT


Bonggang-bongga ang kasal ng sikat na social media influencer na si Zeinab Harake at ng basketball player na si Ray Parks, Jr. na ginanap sa Aquila Crystal Palace sa Tagaytay. 


Mala-fairytale ang setup at sosyal na sosyal ang ambiance. Nasa 100 guests ang inimbita sa kasal, at pawang mga celebrities ang mga bridesmaids nina Zeinab at Ray na sina Ivana Alawi, Alex Gonzaga, Jelai Andres, Andrea Brillantes, Loisa Andalio, atbp..


Tumayo rin bilang ninang at ninong sina Toni Gonzaga at Direk Paul Soriano. 

Bongga ang mga regalo sa mga bridesmaids na pawang Chanel items. 


Well, ang ganda-ganda ng wedding gown ni Zeinab na gawa pa ni Michael Cinco. Hamak na mas mahal ito sa wedding gown nina Marian Rivera at Heart Evangelista na milyones din ang halaga. 


Bongga rin ang wedding gift ni Zeinab sa kanyang mister na si Ray Parks – isang brand new Toyota Land Cruiser.


Ganunpaman, marami ang nagtataka at nagtatanong kung bakit hindi dumalo sa kasal ni Zeinab ang kanyang mom. Balitang may tampuhan daw silang mag-ina. 


Maging si Ivana Alawi na isa sa mga bridesmaids ay hindi rin dumating sa kasal nina Zeinab at Ray Parks.



KUNG marami sa Pinoy Big Brother (PBB) housemates ang humanga kay Bianca Umali nang ito ay maging celebrity houseguest sa Bahay ni Kuya, makakasundo rin ba nila si Barbie Forteza? 


Certified jologs si Barbie at wala itong kaarte-arte. Sanay din siya sa hirap, kaya keri niyang gawin ang mga tasks na ibibigay sa kanya ni Kuya. 


Kilalang palaban at walang inuurungan si Barbie at handang sumabak sa kahit na anong challenge. 


Well, hindi naman mai-intimidate kay Barbie ang mga PBB housemates dahil napaka-down-to-earth ng aktres at marunong makisama. Aabangan ng mga viewers ng PBB Celebrity Collab Edition ang magiging reaction-impressions ng mga PBB housemates kay Barbie Forteza. 


Mapantayan kaya niya ang impact na iniwan ni Bianca Umali?


LABIS na nagpapasalamat si Kylie Padilla sa GMA Network dahil binigyan pa rin siya ng pagkakataon na mapasama sa pagbabalik ng Encantadia sa ere. 

Si Kylie ay gaganap bilang si Reyna Amihan at sa kanya ipinagkatiwala ang pamamahala sa kaharian ng Encantadia


Hindi napigilan ni Kylie na maging emosyonal sa naganap na mediacon ng Encantadia dahil naging malaking bahagi ng kanyang career ang pagkakasama noon sa fantaserye. 

At feeling niya, may naiwan siyang unfinished business nang bigla siyang mahinto at nawala ang kanyang character bilang si Amihan. 


Preggy na siya noon sa anak nila ni Aljur Abrenica na si Alas at ngayong bahagi na siya uli ng Encantadia ay magagawa na ni Kylie ang mga bagay na dapat niyang ginawa noon bilang si Amihan. 


Ang Encantadia Chronicles: Sang’gre (ECS) ay mapapanood na sa GMA-7, mula sa direksiyon nina Rico Gutierrez at Enzo Williams.



MARAMING viewers ang nagsasabing mas naging interesting ang takbo ng istorya ng Mga Batang Riles (MBR) nang pumasok ang character ni Jillian Ward bilang si Lady. Marami rin ang kinilig sa tambalan nila ni Raheel Bhyria, may chemistry sila at swak ang kanilang personalidad.


Mas okey daw para kay Jillian na itambal sa iba’t ibang Sparkle actors. Dramatic actress si Jillian, kaya puwede siya kahit walang ka-love team. 


Ganunpaman, gusto ng mga fans ni Jillian na makatagpo na rin siya ng kanyang “the one” upang magkaroon ng inspirasyon dahil hanggang ngayon ay wala pang ipinapakilala ang aktres na kanyang special someone. 


Career ang kanyang priority kaya hindi niya nabibigyan ng panahon ang kanyang love life. Masaya naman daw siya kapag kasama ang kanyang pamilya at ine-enjoy muna ang pagiging single.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page