top of page
Search

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | July 12, 2025



Photo File: Joshua Garcia at Anne Curtis - IG



Hanggang ngayon, bata pa ring tingnan si Joshua Garcia, kaya hirap na hirap na ipareha siya sa mga artistang mas mature sa kanya tulad ni Anne Curtis.


Nagmumukha silang mag-ate kapag magkasama sa eksena. Hindi katulad noong sila ni Julia Barretto ang magkapareha, swak na swak sila sa mga rom-com movies. 


Marami ang nagsasabing dapat ay magbago ng kanyang hitsura si Joshua. Kailangan niya ng change of image at medyo mag-adjust sa kanyang style ng pananamit, ‘yung puwede siyang pumantay sa tikas nina Gerald Anderson, Rayver Cruz, Jameson Blake atbp., upang mabura na ang kanyang ‘totoy image’. 


Mas magiging malawak pa ang oportunidad na darating kay Joshua kapag nagbago siya ng image. Puwedeng-puwede na siyang itambal sa iba’t ibang sikat na leading ladies ngayon at mas magmamarka sa moviegoers ang role na kanyang gagampanan.


Kahit 37-anyos na…

BEA, BABAE AT LALAKI RAW ANG MAGIGING ANAK


Hindi lang ang mga fans ang interesadong malaman kung hahantong sa altar ang relasyon ngayon ni Bea Alonzo sa Chinese billionaire businessman na si Vincent Co ng Puregold. Lahat ay nakasubaybay sa update ng kanilang relasyon. 


Marami sa mga fans and supporters ni Bea ang nagwi-wish na sana ay si Vincent na nga ang makatuluyan niya at maging life partner. 


Samantala, may ilang psychics naman na interesado ring basahin sa kanilang mga baraha ang kahahantungan ng love life ni Bea. May nagsasabi na isang civil wedding muna ang magaganap bago ang bonggang church wedding. May nagsabi rin na dalawa ang magiging anak ni Bea – isang babae at isang lalaki. 


Well, kayanin pa kaya ni Bea ang magkaanak ngayong 37 years old na siya? 

Ganunpaman, ang ultimate dream ni Bea Alonzo ngayon ay ang makasal sa lalaking mahal niya at magkaroon ng mga anak.



MAY dapat palang ipagpasalamat ang dating sexy star na si Janice Jurado sa yumaong veteran movie reporter/talent manager na si Lolit Solis, kaya siya nakiramay noong nakaburol si Manay Lolit sa Aeternitas Chapels sa Commonwealth. 


Lingid daw sa kaalaman ng marami, nagbigay ng tulong-pinansiyal si Manay Lolit kay Janice nang magkaroon siya ng breast cancer. Ipinadadala raw direkta ni Lolit sa ospital ang bayad para sa pagpapagamot niya at hindi lang minsan, kundi ilang beses siyang tumulong at nagbigay ng medical assistance kay Jurado. 


At kabilin-bilinan daw ni Manay Lolit ay huwag na nila itong ipagsabi pa sa iba. Palihim kung siya ay tumulong. 


Bukod dito, pinapayuhan din siya ni Manay Lolit kapag nasasangkot sa anumang kontrobersiya. Lahat ng magagandang ginawa ni Lolit Solis ay hindi malilimutan ni Janice Jurado.



SOBRA ang dedikasyon ni Michael V. sa sitcom na Pepito Manaloto (PM) na 15 years nang umeere sa GMA Network. Tinututukan ni Bitoy (Michael V.) ang bawat episode ng PM. Nagbibigay siya ng inputs sa mga writers. 


Hindi lang siya writer, siya rin ang nagdidirek ng PM, kaya mas magaan at mas madali ang trabaho nila sa set. 


Gamay na gamay na ng buong cast ng PM ang sitcom. Pamilya na ang turing nila sa isa’t isa. Lahat ay masaya at nakikisama upang makapagbigay ng pampamilyang show. 


Samantala, may ilang viewers naman ang nagtatanong kung posible bang makapag-guest sa PM si Bea Binene na dating ka-love team ni Jake Vargas, o kaya si Inah de Belen na karelasyon niya ngayon. 


Hinahanap din ng marami si Julie Anne San Jose na noong unang mga episodes ng PM ay naging love interest ni Chito (Jake Vargas).


 
 

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | July 11, 2025



Photo File: Kiko, Sharon at Cristy Fermin - YT



Marami ang humanga sa power couple na sina Megastar Sharon Cuneta at Sen. Kiko Pangilinan sa ginawa nilang pag-urong sa cyber libel case na isinampa laban sa veteran columnist/radio anchor na si Cristy Fermin. 


Nagkaroon ng out-of-court settlement o mediation procedure na pinagtibay sa harap ng Makati Regional Trial Court, Branch 148.


Nauna nang nag-public apology si Cristy Fermin sa kanyang programa sa YouTube (YT). Kinasuhan ng 5 counts of cyber libel nina Sharon at Sen. Kiko si Cristy. Ilang beses din na nagkaroon ng hearing bago nagdesisyon na iurong ang kaso.


Nagpahayag naman si Cristy ng kanyang pasasalamat kina Megastar Shawie at Sen. Kiko na tinawag niyang ‘The Forgiving Couple’.


Dahil sa pagkaka-dismiss ng kaso, malaking tinik ang nabunot sa dibdib ni Kabsat Cristy Fermin. Bagama’t sanay na sanay na siya sa demanda ng mga artista, malaking abala at nakaka-stress din ang um-attend ng hearing sa korte.


Ngayon ay masayang-masaya na ang mga kaibigan nina Megastar at Cristy dahil naayos na ang kanilang kaso sa korte. 


Samantala, ramdam naman ang sinseridad ni Megastar sa kanyang post na hindi basta naitatapon ang pagkakaibigan. Na-miss din daw niya si Cristy.


Payapang buhay ang gusto nina Sharon Cuneta at Sen. Kiko Pangilinan kaya pinili nilang magpatawad at iurong ang demanda.


Dahilan ng tampuhan ng 2 aktres…

WILL, GAME PAG-AYUSIN SINA JILLIAN AT SOFIA


PLANO raw ni Will Ashley na mamagitan upang maayos na ang gap at silent war nina Jillian Ward at Sofia Pablo.


Pareho niyang kaibigan ang dalawa na nakasama niya noon sa afternoon soap na Prima Donnas (PM). Ilang taon na ang lumipas at hanggang ngayon ay hindi pa nag-uusap at nagpapansinan sina Jillian at Sofia.


Well, sa pagkakaalam namin, si Will ang dahilan ng gap at silent war nila. Crush ni Jillian si Will pero naging close sa isa’t isa si Sofia at ang aktor. 


Dinamdam daw ito ni Jillian at malaki ang selos niya sa kapwa-aktres. Kaya hanggang sa natapos na ang PD ay hindi sila nagpapansinan ni Sofia.


Ganunpaman, sa isang interview, sinabi ni Sofia na willing siyang makipag-ayos kay Jillian Ward upang matuldukan na ang issue sa kanilang pagitan.


Magtagumpay kaya si Will Ashley na pagbatiin sina Jillian Ward at Sofia Pablo? Let’s see.



MAY ilang mga netizens ang nagsasabing nakita nila sa isang event si Nadine Lustre at medyo nag-gain daw ito ng weight.


Eh, may movie pa naman siyang entry sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2025 kaya tiyak na magiging busy siya sa pagpo-promote. 


Kailangan na ngayon pa lang ay mag-effort si Nadine na magbawas ng timbang kung totoong tumaba siya.


Well, confident naman si Nadine sa kanyang pagiging morena. At wala siyang balak na gumamit ng mga produktong pampaputi. Asset niya ang kanyang kutis-Pilipina at hindi niya ito ikinahihiya. Ayaw niyang maging fake na tisay tulad ng ibang artista.


 
 

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | July 10, 2025



Photo File: Brent Manalo at Mika Salamanca - IG


Labis na ikinagulat nina Brent Manalo at Mika Salamanca (BreKa) nang sila ang itinanghal na Big Winner sa katatapos na Pinoy Big Brother (PBB) Celebrity Collab Edition.


Ramdam kasi ng BreKa na hindi sila paborito ng mga viewers at ng ibang PBB housemates. At ang BreKa ang ‘least desirable duo’ at marami na silang red flags.


Ang inaasahan nilang mananalo ay ang tandem ng RaWi (Ralph de Leon at Will Ashley) o ang CharEs (Charlie Fleming at Esnyr).


Pero maraming vloggers ang nagmahal at sumuporta sa tambalang Brent Manalo at Mika Salamanca. Sila ang underdog, kaya bumuhos ang boto sa kanila ng mga vloggers. Kaya, ganoon na lang ang pasasalamat ng BreKa tandem sa lahat ng vloggers na sumuporta sa kanila hanggang sa huling laban.


Ipinangangako nina Brent at Mika na tutumbasan nila ang tiwala sa kanila ng mga fans at ng GMA Network.



Dream come true para sa magaling na aktres na si Dina Bonnevie ang makasama ang kanyang mga anak na sina Oyo Boy at Danica sa isang show. 


Sa kanyang mga interviews ay madalas itong banggitin noon ni Ms. D. Gusto niyang makasama ang mga anak sa anumang project, sa telebisyon man o pelikula.

At nagkaroon nga ito ng katuparan sa programang House of D (HOD) na mapapanood sa YouTube (YT) Channel simula bukas, July 11.


Bukod kina Danica at Oyo Sotto, makakasama rin sa HOD ang kanilang mga partners na sina Marc Pingris at Kristine Hermosa.


May mga nagtatanong kung ano ang concept ng show na ito ni Ms. Dina. Ano ang puwedeng abangan ng mga viewers?


Parehong sanay sa pagho-host ng show sina Dina at Danica Sotto. For sure, kaya rin ni Kristine Hermosa ang makipagsabayan.


Ano ang magiging partisipasyon nina Marc Pingris at Oyo sa show?


Para naman sa mga kaibigan at fans ni Dina Bonnevie, makakatulong sa aktres ang pagkakaroon ng pagkakaabalahang show upang maka-move-on sa pagpanaw ng kanyang mister na si DV Savellano.


Well, sana sa regular network maipalabas ang HOD para mas marami ang makapanood.



AYON kay Mark Herras, walang tumatayong manager niya ngayon. Kung may offer sa kanyang trabaho ay direkta na sa kanya makikipag-usap. 


Kailangan niyang magsipag at kumayod nang husto dahil dalawa na ang kanyang anak — isang lalaki at isang one-month-old baby girl.


May mga kontrobersiyang pinagdaanan sa buhay si Mark. Isa na rito ang kanyang pagsasayaw sa isang gay bar pero hindi siya naapektuhan sa mga bashers.


Ang importante sa kanya ay magkaroon ng trabaho at kumita upang itaguyod ang kanyang pamilya.


Wish ng mga fans ni Mark, sana ay bigyan din siya ng GMA Network ng second chance dahil sa kanila nagsimula ang career nito.


At this point of his life, seryoso na si Mark Herras sa kanyang career. Hindi na siya ang dating happy-go-lucky at chickboy. Gusto na niyang tahakin ang bagong landas, alang-alang sa kanyang mag-iina.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page