top of page
SHOWBIZ SPECIAL - ROMNICK- 54-ANYOS NA AKO, NAGBI-VIDEO GAMES PA RIN, WALA PA AKONG NASAKT
Search

ni Jeff Tumbado @News | August 3, 2026



Sunog sa House of Representatives sa Batasan Complex, Quezon City - BFP-QC

Photo: BFP QC


Nasunog ang isang storage facility sa loob ng compound ng House of Representatives sa Batasan Complex, Quezon City, Linggo ng umaga.


Ayon sa QC-BFP, sumiklab ang sunog alas-9:30 ng umaga na agad namang narespondehan at tuluyang naapula alas-9:57 ng umaga.


Wala namang naitalang nasawi o nasugatan sa pangyayari.

Sinabi ng Office of the Secretary General na nagsasagawa na ito ng imbestigasyon, katuwang ang Bureau of Fire Protection, upang matukoy ang sanhi ng sunog.


 
 

ni Mylene Alfonso @News | May 24, 2026



Sa aerial view, makikita ang lawak ng sunog na sumiklab sa mga kabahayan sa Parola Compound sa Tondo, Maynila na umabot na sa Task Force Bravo. (Jeff Tumbado)

Photo: Sa aerial view, makikita ang lawak ng sunog na sumiklab sa mga kabahayan sa Parola Compound sa Tondo, Maynila na umabot na sa Task Force Bravo. (Jeff Tumbado)



May 1500 pamilya ang nawalan ng tahanan kaugnay sa nangyaring sunog kahapon ng hapon sa Parola Compound, Gate 46, Binondo, Maynila.


Batay sa inisyal na beripikasyon ng Manila Bureau of Fire Protection (BFP), itinaas na sa Task Force Charlie ang sunog hanggang alas-5:19 ng hapon.


Ayon sa BFP, bandang alas-3 ng hapon nang magsimula ang sunog na mabilis na kumalat dahil pawang yari sa light materials ang mga nakatayong bahay.


Hindi pa rin naapula ang sunog habang isinusulat ang nasabing balita.


Dinala sa Delpan Evacuation Center ang mga pamilyang nabiktima ng sunog.

Sa sketchy report walang pang iniulat na namatay o nasugatan sa napakalaking sunog sa lugar. 

 
 

ni Mylene Alfonso @News | May 6, 2026



Sunog sa PUP - Circulated - Jose Caridad FB

Photo: Circulated - Jose Caridad FB



Natupok ang bahagi ng main building ng Polytechnic University of the Philippines (PUP) matapos na sumiklab ang sunog kahapon ng hapon sa Sta. Mesa, Maynila.


Batay sa ulat ng Manila Bureau of Fire Protection (BFP), alas-2:30 ng hapon nang magsimula ang sunog dahil sa “electrical fire.”


Sa advisory ng PUP management, alas-3 ng hapon nang maideklara itong fire under control.


“Rest assured that the situation is already under control and the fire has been extinguished,” nakasaad pa sa advisory.


Bunsod nito, suspendido ang klase ng mga estudyante at pinayuhan na gamitin ang mga fire exits ng unibersidad.


Samantala, wala naman iniulat na nasaktan o namatay sa nabanggit na sunog.

Patuloy naman ang imbestigasyon kaugnay sa halaga ng pinsala ng sunog.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page