top of page
BIDA - ALEX EALA, MAY MGA BASHERS NA FOREIGNER-IG _alex.eala.jpg
Search

by Gerard Arce @Sports News | May 30, 2026



Photo: Ang Alas Pilipinas women’s national team kasama ni coach Shaq Delos Santos na sina Alyssa Valdez, Jovelyn Gonzaga, Ces Molina at Nina Ytang sa PSA forum kahapon na sasabak sa Asian Volleyball Confederation (AVC) Women’s Cup simula Hunyo 6 hanggang 14 sa Candon City, Ilocos Sur. (pscpix)

Photo: Bunga ng tagumpay ng Philippine National Speed Cubing Open sa Tagaytay City ay pinaplano ni  Philippine Olympic Committee (POC) President Atty. Abraham “Bambol” Tolentino ang paglalagay sa speed cubing bilang demonstration sport sa inaugural na Southeast Asian Games Youth Plus sa Disyembre. (pocpix) 



Itutulak ni Philippine Olympic Committee (POC) President Atty. Abraham “Bambol” Tolentino ang paglalagay sa speed cubing bilang demonstration sport sa inaugural na Southeast Asian Games Youth Plus kasunod ng naitalang World Record ni Crimson Arradaza sa opening ng Philippine National Speed Cubing Open sa Tagaytay City Combat Center.


We are pleased as we saw everyone’s enthusiasm in the cube,” wika ni Tolentino, upang mapabilang ang bagong palakasan sa SEA Youth Plus sa Dis. 2 hanggang 14 sa Metro Manila.


Matapos ang matagumpay na  national contest ay sunod na pinaplano ang hosting ng Asian Championships. “We have unlocked a new era in speed cubing—from long time ago when as kids, we got enamored with the Rubik’s Cube,” aniya bilang pinuno rin ng National League of Mind Sports at vice president ng Asian Mind Sports Association (AMSA).


Kinamada ng 15-anyos mula Baguio City na si Arradaza ang pambihirang world record sa 3x3x3 one-handed speed cubing event kapareha ng mga potensiyal na world champion tulad ng 19-year-old na si Brenton Wong (regular cube) at Aragon Martin Gonzales (Pyraminx).


 “I’m happy Filipinos have gone competitive in this mind sport, which doesn’t require height, but tactics, speed and skills,” eksplika ni Tolentino. “We’re satisfied in promoting the sport because there are many Filipinos who play the cube.” 

 
 

by MC @Sports News | May 29, 2026



Krog wangkay at Cesar

Photo: Tiknalakay ni Philippine Aquatics, Inc. (PAI) Secretary General Eric Buhain, sa lingguhang Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) Usapang Sports ang patuloy na pagpapalawak ng mga grassroots program para mga swimmers ng bansa upang higit pang makatuklas ng mga world-class na manlalangoy kahapon sa Rizal Memorial Sports Center. (Reymundo Nillama)  



Patuloy ang Philippine Aquatics, Inc. (PAI) sa pagpapalawak ng grassroots at elite development program sa layuning makalikha ng world-class na manlalangoy  sa iba’t ibang larangan ng aquatics. 


Ayon kay PAI Secretary General Eric Buhain, nagbubunga na ang holistic development program dahil sa  pagpapatupad ng regional program kabilang ang coaching at training activities, learn-to-swim programs, at serye ng mga kompetisyon upang mahasa ang mga bagong talento. “We are focusing on the continuity of our program from the regional level up to the national level. We congratulate our regional directors who were reelected because they will continue guiding our swimmers not only to win competitions but also to improve their performance times,” pahayag ni Buhain sa Tabloids Organization in Philippine Sports, Inc. (TOPS) “Usapang Sports” kaagapay ang PSC, Behrouz at Pocari Sweat kahapon sa PSC Conference Room. 


Ipinunto ni Buhain na ang malaking bilang ng mga kalahok sa National Tryouts noong Abril para sa pagpili ng pambansang koponan na lalahok sa 40th Southeast Asian Age Group Championships at 20th Asian Age Group Championships ay patunay sa paglakas ng antas ng kompetisyon. 


 Mahigit sa 1,000 atleta ang sumali sa tryouts. “The level of competition in the national tryouts was truly intense because these swimmers are the best from their regions,” aniya na nakakuha ng bagong mandato kasama si PAI president Miko Vargas sa election sa PAI noong Marso. Gamit ang bronze medal time mula sa nakaraang age-group championships bilang qualifying standard, nakabuo ang PAI ng 24-man team para sa Southeast Asian Age Group Championships sa Malaysia, habang 20 batang swimmers ang bubuo sa koponan para sa Asian Age Group Championships sa Bangkok, Thailand. 


Sinabi rin ni Buhain na plano rin ng bansa na magpadala ng mga koponan sa water polo, diving, artistic swimming, at open water swimming. Nakatakda ring idaos ng Pilipinas ang 4th Southeast Asian Open Water Swimming Championships sa Agosto 21 hanggang 23 sa Boracay New Coast sa Aklan.


 
 

by MC @Sports News | May 29, 2026



Krog wangkay at Cesar

Photo: Circulated



Kabilang sina Maritanya Krog sa cycling at Pi Durden Wangkay at Naomi Marjorie Cesar sa mga atletang sasagupa sa Fourth Youth Olympics Games sa Senegal sa Oktubre, ayon kay Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham “Bambol” Tolentino.


They have been nominated by their respective national sports associations (NSAs) and we’re awaiting six more nominations,” ani Tolentino kahapon sa inaugural Philippine National Speed Cubing Open 2026 kung saan ang POC ang nagtatag ng Tagaytay City Combat Sports Center katuwang ang Asian Mind Sports Association.


Ang International Olympic Committee na nag-oganisa ng quadrennial YOG na idaraos sa  October 31-November 13 sa Dakar ay umagap ng 9 Universitality Places para sa Pilipinas.  


May dalawang atleta sa athletics, isang woman cyclist para saroad at individual time trial, isang lalaki at babae sa artistic gymnastics, isa sa windsurfing, women’s taijiquan ng wushu at isa sa men’s 100 meters butterfly at isa sa women’s 100 meters breaststroke sa swimming.


Ang YOG ay para sa atletang edad 15-18 years old. Napili si Krog dahil sa sa kanyang sixth-place finish sa Asian Youth Games sa Bahrain noong 2025 bilang top  gold medalist sa Batang Pinoy at National Cycling Championships at gahibla sa podium ng women’s elimination race sa Asian Cycling Confederation Track Championships sa Tagaytay CT Velodrome noong Marso.


“She has the potential although we need to raise the level of her training program for Senegal,” ani Tolentino, pangulo rin ng PhilCycling.


Napagwagian ni Wangkay ang men’s 200 meters gold medal at silver si Cesar sa girls’ 800 meters sa likod ng Chinese noong Oktubre sa Asian Youth Games sa Bahrain—wagi rin si Wangkay ng gold sa parehong event sa Bangkok Southeast Asian Games noong Disyembre.   Tulad ni Krog, sina Wangkay at Cesar ay parehong 17-anyos.



 
 
RECOMMENDED
bottom of page