top of page
Search

ni VA @Sports | May 13, 2025



Photo: Mikee Conjuangco-Jaworski



Bagong naitalaga si Philippine International Olympic Committee (IOC) member Mikee Cojuangco-Jaworski bilang Chairman ng IOC Coordination Commission para sa 2032 Summer Games sa Brisbane, Australia.


Ayon sa IOC, itinalaga ni outgoing president Thomas Bach ang dating equestrian athlete/ actress para sa naturang tungkulin mula na rin sa kahilingan ng papalitan niyang si Kirsty Coventry matapos niyang bakantehin ang tungkulin nang mahalal na sumunod na pangulo ng komite.


"A former equestrian athlete who represented the Philippines internationally, Jaworski has been a member of the IOC [Executive Board] since 2020. She has strong connections with Australia, having trained and competed in the country, including in Brisbane, for her entire career," saad ng IOC sa kanilang website.


Sinabi ng Olympic body na pamumunuan ni Jaworski ang  Coordination Commission meeting sa Brisbane mula May 20 hanggang 2032, na dadaluhan din ni Bach at Coventry.


"As Commission Chair, Jaworski will oversee the planning and delivery of the Olympic Games Brisbane 2032, working in close partnership with the Organizing Committee, the Olympic Movement stakeholders, local authorities and International Sports Federations. Her role will be to ensure that all aspects of the project are developed and executed to the highest standards, creating an inclusive, sustainable and memorable Olympic experience for athletes, fans and communities alike," paliwanag ng IOC.


Bilang IOC member mula 2013, si Jaworski ay dating Asian Games gold medalist at kasalukuyang chairman ng Olympic Education Commission.


Ang Brisbane 2032 Summer Olympics ay idaraos sa Hulyo 23 hanggang Agosto 8, 2032. 

 
 

ni Anthony E. Servinio @Sports | May 8, 2025



Photo: Buttler, Curry at Hield - Golden State Warriors FB


Baligtad na ang mundo ng 2025 NBA Playoffs Conference Semifinals at wala pa ring panalo ang mga paboritong koponan sa kanilang mga tahanan. Nanaig ang mga bisitang Golden State Warriors at Indiana Pacers. 

        

Nalampasan ng Warriors ang hamon ng maagang pagkawala ni Stephen Curry upang tambakan ang Minnesota Timberwolves sa Game 1, 99-88. Lumikha ng Milagro si Tyrese Haliburton para takasan muli ng Pacers ang Cleveland Cavaliers sa Game 2, 120-119 at itayo ang 2-0 bentahe. 

       

Nasaktan ang hita ni Curry at napilitang umupo na may 8:19 pa sa pangalawang quarter at lamang ang GSW, 30-20. Hindi na siya bumalik subalit inangat ng mga kakampi ang laro at lumaki ang agwat sa 76-53 sa pangatlong quarter at sapat na iyon.

        

Nakahanap ng tagasalba ang GSW kay Draymond Green na may 24 puntos, Jimmy Butler III na may 20 at 11 rebound at Buddy Hield na may 18. Kabuuang 13 minuto lang si Curry subalit mayroon na siyang 13 mula sa tatlong tres. 

        

Nanguna sa Minnesota si Anthony Edwards na may 23 subalit nalimitahan siya sa isang free throw sa unang 2 quarter. Ang Game 2 ay sa Biyernes sa Target Center pa rin.

         

May 12 segundong nalalabi, ipinasok ni Haliburton ang unang free throw buhat sa foul ni Ty Jerome at sadyang minintis ang pangalawa, 118-119. Nakuha ang offensive rebound at tumira ng himalang 3-points na may isang segundo sa orasan at hindi na nakaporma ang Cleveland. 

         

Ipinasok ni Haliburton ang 11 ng kanyang 19 sa huling quarter. Namuno sa Pacers sina Myles Turner at Aaron Nesmith na parehong may 23 habang 19 din si Bennedict Mathurin. Nasayang ang 48 ni Donovan Mitchell. Lilipat ang serye sa Gainbridge Fieldhouse para sa Game 3 sa Sabado at Game 4 sa Lunes.

 
 

ni Richmond Chi @Sports | Apr. 25, 2025





Ipinakita ni Paris Olympics gold medalist Carlos Yulo ang kanyang commemorative stamps na ibinigay ng Philippine Postal Corporation (Philpost) bilang bahagi ng National Philatelic Convention na naganap nitong Biyernes, April 25 sa Lucky Chinatown Mall, Manila. (Richmond Chi)

 
 
RECOMMENDED
bottom of page