top of page
Search

ni GA @Sports | October 26, 2023



ree

Sinigurado ng World Champion Denver Nuggets na hindi mababahiran ang kanilang espesyal na gabi at umulit ng panalo sa bisitang Los Angeles Lakers, 119-107 sa unang araw ng bagong taon ng NBA kahapon mula sa Ball Arena. Nalusutan din ng bisitang Phoenix Suns ang Golden State Warriors, 108-104, sa isa pang laro.


Tinanggap ng Nuggets ang mga singsing at itinaas sa kisame ang bandila ng kanilang pinakaunang kampeonato sa 47 taon sa liga. Matatandaan na winalis ng Denver ang Lakers sa West Finals, 4-0, upang harapin ang Miami Heat sa Finals na umabot ng limang laro.

Ipinagpag ng Nuggets ang mabagal na simula at bumanat ng siyam na magkasunod na puntos upang maagaw ang lamang at hindi na nila binitiwan, 16-10. Huling nagbanta ang Lakers sa tres ni LeBron James, 89-92, at 9:42 sa orasan subalit umakyat muli sa 110-96 ang agwat sa dunk ni Aaron Gordon at 3:54 ang nalalabi.

Nagtala si MVP Nikola Jokic ng triple double na 29 puntos, 13 rebound at 11 assist at simulan ang kanyang paghanap ng bihirang ikatlong sunod na parangal. Nag-ambag ng 21 si Jamal Murray at 20 si Kentavious Caldwell-Pope.

Sa kanyang talumpati matapos tanggapin ang kanyang singsing, nangako si Coach Michael Malone sa mga tagahanga na masusundan ang kanilang kampeonato. Ipagtatanggol nila ang titulo na halos walang pagbabago sa listahan ng manlalaro.

Sumandal ang Phoenix sa malaking shoot ng kanilang mga bagong manlalaro na sina Gordon at Jusuf Nurkic sa huling minuto upang itayo ang 108-104 bentahe na may 10 segundo sa orasan.

Isang dosenang laro ang gaganapin ngayon, kasama ang unang laro ni kabayan Jordan Clarkson at Utah Jazz kontra sa bisita Sacramento Kings. Si Jalen Green at Houston Rockets ay dadalaw sa Orlando Magic.


 
 

ni Anthony E. Servinio @Sports | October 26, 2023



ree

Mga laro ngayong Sabado – MOA

2:00 PM UE vs. UST

4:00 PM NU vs. DLSU

Pumukol ng 3-points sabay ng huling busina si LJ Gonzales upang buhatin ang Far Eastern University laban sa defending champion Ateneo de Manila University, 62-59, sa pagbubukas ng Round Two ng 86th UAAP Men’s Basketball Tournament Miyerkules sa MOA Arena. Pansamantalang inagaw naman ng National University ang liderato matapos ang makapigil-hiningang 64-61 panalo sa host University of the East.

Tinabla ng tres ni Mason Amos ang laro sa 59-59 at may pagkakataon sila subalit itinapon nila ang bola upang buksan ang pinto sa Tamaraws. Linampasan ni Gonzales ang depensa upang makumpleto ang kanilang pagtakas.

Nanguna si Gonzales na may 19 puntos. Tinulungan siya nina Patrick Sleat na may 12 at Jorick Bautista na may 10 puntos. Kumakapit ang NU sa peligrosong 62-61 lamang pero isinayang ng UE ang kanilang mga pagkakataon sa huling minuto. Napilitan silang bigyan ng foul si Jake Figueroa na ipinasok ang dalawang free throw na may limang segundo sa orasan at nagmintis ang huling bato ng Warriors.

Namuno sa Bulldogs si Kean Baclaan na may 18 puntos para sa kanilang ika-limang sunod na tagumpay. Sumunod si Figueroa na may 12 puntos.

Sa unang laro, naging maikli ang maliligayang araw ng University of Santo Tomas at tinambakan sila ng De La Salle University, 100-69. Galing ang UST sa 68-62 panalo sa Far Eastern Unversity noong Linggo, ang kanilang una matapos ang 19 magkasunod na talo buhat pa noong nakaraang taon.

First half pa lang ay itinatak ng numero unong kandidato para MVP Kevin Quiambao ang kanyang kalidad at itinala ang 10 ng kanyang kabuuang 22 puntos na may kasamang 12 rebound. Ito na rin ang pinakamahusay na linaro ng baguhan Jonnel Policarpio na nagsumite ng 14.


 
 

ni GA @Sports | October 25, 2023



ree


Mga Laro sa Huwebes

(Ynares Center, Antipolo)

3:00 n.h. – Gerflor vs Creamline

5:00 n.h. – Akari vs Farm Fresh

7:00 n.h. – Cignal vs Choco Mucho


Inihatid ng F2 Logistics Cargo Movers ang kanilang unang panalo sa pangungunang muli ni heavy hitter Ivy Lacsina para itaob ang NXLed Chameleons sa pamamagitan ng straight set 25-20, 25-14, 25-16 para sa pambungad na laro, habang winalis ng PLDT High Speed Hitters ang Farm Fresh Foxies sa 25-17, 25-17, 25-20 sa ikalawang laro ng triple-header ng 6th Premier Volleyball League (PVL) second All-Filipino Conference kahapon sa Ynares Center sa Antipolo City.

Todo sa paghambalos ang 23-anyos na opposite spiker para sa atake ng Cargo Movers ng kumana ng kabuuang 19 puntos mula sa 15 kills at apat na blocks, gayundin ang walong excellent digs upang maitala ng kanyang koponan ang unang panalo sa huling kumperensya ngayong taon matapos mabigo sa sa unang asignatura kontra Akari Chargers sa 25-21, 20-25, 25-27, 25-19, 8-15 sa fifth set nung Oktubre 17 sa Smart Araneta Coliseum.

Syempre di ko naman yan magagawa kung wala yung tulong ng mga ate’s ko, lalo na last game naming di pa naming nailabas yung totoong game naming, this game one-step-at-a-time po talaga,” wika ni Lacsina, na nasayang ang pangunguna sa huling laro kontra Akari ng tumapos ito ng 26 pts mula sa 22 atake, tatlong blocks at isang ace.


“Iniisip ko na laging may nag-iimprove sa ginagawa ko. Hindi ako nasa-satisfy sa mga ginagawa ko kaya every game iniisip ko kung ano pa yung hindi ko pa nagagawa last time para magkaroon ng malaking tulong sa team.”


 
 
RECOMMENDED
bottom of page