top of page
Search

ni Ambet Nabus @Let's See | October 9, 2025



Alma Concepcion

Photo: Alma Concepcion / IG



“Alam na this,” komento ng ilang netizens sa ipinagmamalaking post ni Alma Concepcion hinggil sa pagtatanong nito kay Quezon City Mayor Joy Belmonte.


May kinalaman nga ang naturang Facebook (FB) post ng aktres sa pinag-uusapang flood control scandal kung saan nagkaroon din daw pala ng transaksiyon ang mayora sa kumpanya ng mga Discaya. 


“Fact check, good governance,” ang ilan sa mga salitang nais ipahatid ni Alma, though ang naturang project dapat na tinutukoy sa post ng aktres ay construction ng building at walang kinalaman sa flood control.


At ayon nga sa website ng Quezon City kung saan ipinagmamalaki rin nitong may ‘transparency’ ang lahat ng mga infrastructure projects ng lungsod, kinansela na ng mayora ang kontrata nila sa kumpanya ng mga Discaya, na kung tutuusin daw ay dumaan naman sa tamang bidding process.


Sey ng isang netizen, “Itong artistang si Alma na nagmalaki pa ng friendship n’ya sa mga Atayde (Sylvia Sanchez) at nag-enjoy sa mga kinukuwestiyon na yate at mansion, makapagtanggol lang talaga, kahit s’ya itong dapat na nagpa-fact check, mema lang?” 

Well, kung sincere naman si Alma sa friendship niya with the Ataydes kung saan isa nga si Cong. Arjo Atayde sa mga nasasangkot sa iskandalo ng flood control, hindi naman natin maiaalis ang concern niya. 


Sa laro kasi sa pulitika, parte na talaga ang mga patutsadahan at turuan, gantihan at pahiyaan.


‘Yun nga lang, tila na-boljak (binatikos) si Alma Concepcion dahil sa resibong ipinamukha sa kanya.



NAKAKAALARMA namang talaga ang nagiging impression sa atin ng ibang bansa, huh?


Mula sa naging karanasan ng mga kaanak ni Gretchen Ho sa bansang Norway, hanggang sa homily ng isang foreign priest na ikinabahala ni Pokwang, kahihiyan ngang matatawag na isa kang Pinoy.


Although naklaro na ang isyu sa hindi pagpapalit ng dolyar ng mga kaanak ni Gretchen sa Norway dahil daw sa may ‘ban’ (nasa grey list) ang ‘Pinas sa usaping money laundering, kahihiyan pa ring maituturing ang naganap. 


Malaking dagok nga naman ‘yung ma-generalize kang kurakot nang dahil sa sunud-sunod na iskandalo ng bansa sa naturang isyu. 


Naayos na rin naman daw ang lahat lalo’t noong February 2025 pa lifted ang Philippines sa grey list ng mga bansang questionable on money laundering item.


Pero marami rin ang nakikiisa sa pagkabahala ni Pokwang na kahit sa mga homilies pala sa ibang bansa ay topic ang isyu ng korupsiyon ng mga Pinoy officials.

Tunay namang nakakahiya na!



SAMANTALA, for the very first time ay mapapanood na sa GMA Afternoon Prime ang Hating Kapatid (HK) tampok ang Legaspi family.


Pagbibidahan nina Carmina Villarroel bilang Roselle, Zoren Legaspi bilang Cris, Cassy Legaspi bilang Belle, at Mavy Legaspi bilang Tyrone ang isang kuwento ng pag-ibig, pagtataksil, at muling pagkabuo ng pamilya.


Tampok din sa serye sina Valerie Concepcion, Bobby Andrews, Leandro Baldemor, at

Mercedes Cabral. Bahagi rin ng powerhouse cast ang fast-rising stars ng Sparkle na sina Vince Maristela, Cheska Fausto, at Haley Dizon.


Sa direksiyon ni Adolfo Alix, Jr., ang HK ay isang kuwentong puno ng emosyon at mga tanong tungkol sa pamilya, pagkatao at kapatawaran.


 
 

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | October 7, 2025



YT ABS-CBN News (MyPuhunan)

Photo: Sylvia Sanchez / IG


Matapang ngunit makabuluhan ang naging pahayag ng aktor na si Jeric Raval sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA) nang tanungin siya ng King of Talk na si Boy Abunda tungkol sa kontrobersiyal na isyu ng korupsiyon na kasalukuyang pinag-uusapan sa Senado.


Napakaganda ng sagot ni Jeric, matalino ang aktor at hindi basta nanghuhusga ng kapwa niya.


Ani Jeric, “Ako, ang personal opinion ko, ‘yung nangyayari sa Senate, sa napapanood ko, ‘yung nagtuturuan dahil sa litrato, pictures lang ‘yun, Kuya Boy, eh. Pictures prove nothing, ‘di ba? Ang dali namang magturu-turo, pero to prove, it’s another story. 


“So, patunayan muna nila. ‘Yun lang ang sa akin. Hindi naman ako nagpapaniwala doon sa turu-turo lang at sa picture. 


“Ang pulitiko at artista, halos pareho ‘yan. Kahit sino, puwedeng magpa-picture sa kanila, ‘di ba? Kahit sino, at hindi mo puwedeng tanggihan. Ang nakakaawa d’yan, ‘yung nadadamay lang.”


Totoo ang sinabi ni Jeric, nakakaawa ‘yung nadadamay lang. Hindi pa man nahahatulan sa korte ay hinatulan na agad ng mga madlang people.


Samantala, ipinaalala ng taong malapit at totoong nakakakilala sa aktor na si Sen. Bong Revilla, tulad na lang ng BFF ni yours truly na si Portia Ilagan, na huwag muna kayong maghusga. Kilalanin at alamin muna ang totoo bago maniwala.


Naalala tuloy ni yours truly ang namayapang Lolit Solis (RIP) sa sinabi niyang, “Sana, nagkaroon ng pagkakataong makilala ng tao si Sen. Bong. Sana nalaman ninyo kung gaano kabait si Sen. Bong.”


Si yours truly ay buhay na patotoo kung gaano kabuti ang puso ng ating senador.

Reminder lang po, a man is innocent until proven guilty. Iwasan ang paghuhusga sa kapwa, ‘di ba naman, madlang people?



NILINAW ng aktres na si Glenda Garcia sa kanyang social media post ang kumalat na paninira tungkol sa aktres na si Sylvia Sanchez.


May mga netizens na pilit sinisiraan ang aktres tungkol sa diumano’y pag-aari raw nito ang tinirhan niya kasama ang buong movie production.


Saad ni Glenda sa post niya, “Ang ganda nitong tinirhan nila Sylvia Sanchez at ang bumubuo ng movie production nila na nirentahan sa #Airbnb. Hindi nila ito pagmamay-ari, nirentahan lang nila para makatipid kaysa mag-hotel.”


Maraming netizens ang pinusuan ang ibinahagi ni Glenda, at sa comment section ng post niya ay nagbahagi rin ng saloobin ang mga aktres na sina Isabel Rivas at Marissa Sanchez.


Saad ni Isabel Rivas, “True! (clap emoji) Maka-QA (question and answer) naman ng kuwento. That’s not a residential house, that’s a big palatial hotel. It’s very nice but not owned by Filipinos.”


Wika naman ni Marissa, “Grabe ang mga tao ngayon talaga! (angry emoji).” 

Well, again, may panghuhusga na naman na hindi inaalam ang totoo.


 
 

ni Ambet Nabus @Let's See | October 7, 2025



Jinggoy Estrada - Senate PH

Photo: Shuvee at Vice / FB



HINDI namin alam kung may pormal na pag-come out sa public si Angel Aquino na umamin nga sa isang TV show na babae ang gusto niya.


In-explain pa niya na attracted din siya sa mga babae though wala namang direktang pag-amin na nakikipagrelasyon siya sa same sex o gender.


But still, dahil nga sa mabilis mag-isip at mag-conclude ang madlang pipol, nagwan-plus-wan nga ang lahat na baka nga iyon ang ibig sabihin ng maganda at magaling na aktres.

May anak si Angel at nababalitaan din naman nating may karelasyong lalaki ang magandang aktres, pero sa sinabi niyang iyon, madali sa mga netizens ang mag-isip ng kung ano.


Ang bongga-bongga pa naman ng exposure niya sa Batang Quiapo (BQ) na isang p*kp*k na babae na na-involve sa top ranking political family na kalaban nina Tanggol (Coco Martin), at naging congresswoman pa. 


Gumaganap siyang nanay ni Jake Cuenca na pinag-uusapan ang pagiging magkahawig na nila dahil sa kanilang kapayatan at mala-butu-butong awrahan ng mukha at katawan.



MARAMI pa ring mga celebrities natin ang patuloy sa pagiging vigilant hinggil sa mga nagaganap sa gobyerno, partikular na ang mga hearing sa parehong chamber ng Congress at Senate.


Mukha raw kasing moro-moro na naman ang kahihinatnan ng lahat lalo’t after mag-resign ni Sen. Ping Lacson bilang chairman ng ginagawang inquiry/investigation sa flood control issue, ipinatigil naman ito temporarily ni Senate President Tito Sotto. Dahil umano ito sa kawalan ng mga iba pang tatayong testigo sa mga inaakusahang mga sangkot.


‘Yung itinalaga namang ‘non-partisan agency’ na International Criminal Court (ICC) ay puro closed-door naman daw ang pag-iimbestigang ginagawa kaya’t nakanganga ang madlang pipol.


Ang ilan nga sa mga matitiyagang celebrities natin na tutok na tutok sa mga kaganapan ay sina Edu Manzano, Carla Abellana, Barbie Imperial, Cherry Pie Picache, Agot Isidro, Atom Araullo, Kara David at Alden Richards.


‘Yung iba ay tila nanahimik na rin at naghihintay lang ng posibleng mga plano sa future.



NOON pa namin nababalitaan ang diumano’y pagiging plastikada nitong si Tuesday Vargas.


Maraming beses na rin naman siyang nagpaliwanag ng kanyang panig pero tila mas marami ang ayaw maniwala sa kanya.


Sa isang mahabang post, sinagot ng komedyana-host ang naging paratang sa kanya kamakailan sa isang insidente sa Hong Kong, Disneyland.


Ayon sa nagkukuwento, nagsungit, nagtaray at may pabilug-bilog daw ng mata si Tuesday noong in-approach ito ng isang mag-lola na nais magpapiktyur dito.


Pinabulaanan ito ni Tuesday na sumumpang walang nangyari o hindi totoo ang insidente at pinagbigyan niya ang mga nakakilala sa kanya at nagpa-picture.


Hindi ito ang unang beses na nasangkot sa same incident si Tuesday. Kahit sa programang Face to Face (FTF) kung saan kasama siya nina Madam Korina Sanchez at Ryle Santiago ay may balita ring nagtataray raw ito kapag may sumpong or what.


Sa lakas ng personalidad ni Tuesday at sa talino rin nitong magsalita, baka nga nayayabangan sa kanya ang isang ordinaryong tao.


Pero dahil paulit-ulit na nga ang mga ganitong tsika, baka may something wrong sa paraan o manner ng komedyana-host sa pag-deal sa tao?

 
 
RECOMMENDED
bottom of page