top of page
Search

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | Apr. 3, 2025



Photo: Sugar Mercado at Willie Revillame / IG


Hindi naman namin sukat-akalain na for seven years ay nag-live-in pala sina Willie Revillame a.k.a. Kuya Wil at ang dating Sexbomb Girl na si Sugar Mercado.


Naging co-host din ni Kuya Wil noon si Sugar sa kanyang Wil To Win (WTW).

Hindi sila nagkaroon ng anak pero may anak si Sugar sa una niyang naka-live-in.


Hindi naman naging isyu iyon kay Kuya Wil at tipong inako na rin niya ang pagpapalaki sa anak ni Sugar. But lately, we heard na hiwalay na raw si Kuya Wil at si Sugar.


Ewan lang kung dahil sa pagiging so busy nowadays ni Kuya Wil sa pangangampanya this coming 2025 election bilang senador.


Pero malamang ay iboboto naman siya ni Sugar at ng mga tsokaran (kaibigan) niya.


Now ang tanong, anong klaseng ‘Sugar’ ang inilalagay now ni Kuya Wil sa kanyang iniinom na kape?


Pakihulaan na nga lang po, Madam Damin, please lang.


Ang wish lang ni yours truly ay magpa-presscon naman si Kuya Wil sa madlang media people kasi miss na miss na namin siya, wa’ etchos!

‘Yun lang and I thank you.



Dahil hiwalay ang mga magulang, aminado si Rhian Ramos na hindi siya naniniwala sa kasal. 


Sa episode ng Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA), sinabi ni Rhian na dahil sa nangyari sa pagsasama ng kanyang mga magulang, tumanim sa isip niya na wala talagang nagsasama nang forever.


“So parang for a long time, naiisip ko na nothing talaga lasts forever. But, ‘yun, and then parang later on naman, ‘yung how I made sense of that. Minsan kasi, may naiisip ka as a child, tapos while you’re growing up, parang dyina-justify mo nang dyina-justify kung ba’t ‘yun ‘yung pinaniniwalaan mo,” paliwanag ni Rhian.


“And so, I just felt like masyado siyang asking too much na to have just that for the rest of your life,” patuloy niya.


Pero nagbago raw ang pananaw niya tungkol dito dahil kay Sam na nais niyang laging kasama at kausap.


“Siguro kung iniisip ko before na nothing lasts forever and it’s asking for too much to just have that one person for the rest of your life. now, naiisip ko and the more I get to know him, [Sam] talagang every day I learn something new, I experience something new, and I’m never ever bored because kakaiba, eh. I’ve never met anyone talaga like this,” patuloy ng aktres.


“Sometimes, I see him in so many different ways. Sometimes I see him as this man that is more mature than me, that can teach me things. Sometimes I see him as this little baby that I want to squeeze and take care of. Parang ganu'n. So, I see him in so many different ways. It’s never the same,” sabi pa ni Rhian.


Inilarawan ni Rhian na very equal ang partnership nila ni Sam, at binibigyan siya nito ng “so much respect and trust”.


“And ‘yun nga, parang for me also, I’ve noticed na I’ve become a better, more mature person. More patient. But ‘yun, parang I can see myself really taking care of this partnership and doing life with this person,” pahayag niya.


Taong 2022 nang kumpirmahin nina Rhian at Sam ang kanilang relasyon nang dumalo sila sa GMA Gala na magkahawak ng kamay.

Boom, ‘yun na!


 
 

ni Ambet Nabus @Let's See | Apr. 2, 2025



Photo: Yassi Pressman - IG


Sinagot na ni Yassi Pressman ang mainit na pinag-uusapang retoke isyu niya.  

Wala raw siyang ipinaretoke at hindi totoo ang tsismis tungkol dito.  


Pero makukulit ang mga netizens sa pag-elaborate ng mga nabago sa mukha ng magandang aktres, partikular nga rito ang ilong na tila nag-iba ang shape. Though may mga experts naman sa pagme-make-up na nagsasabing napakadaling ma-achieve via make-up ang ganu’ng look.  


May mga nagsasabing may naiba sa mga mata ni Yassi, lalo’t before raw ay very expressive na ang mga ito. 


“Now kasi, mas naging matapang. Very Latina at nag-iba ‘yung glow,” sey pa ng netizen.  

Pati ang hugis-bigas daw na mukha ni Yassi ay naiba, plus iba pang pagbabagong idinenay na nga ng aktres dahil very natural pa rin daw ang lahat sa kanya.  


Basta ang alam ng mga taga-Camarines Sur, hindi nagbabago ang pagtatangi nito sa kanyang BF na tumatakbong governor ng probinsiya. Hindi lang pagkain at ugaling Bikol ang pinag-aaralan ni Yassi Pressman dahil kahit bulol na bulol na raw ito ay maganda pa ring nabibigkas ang mga salitang Bikol.


‘Di raw maintindihan ng Miss U… GLORIA, AYAW NG NAG-IINGLES NA KALAHOK SA BEAUTY PAGEANT


ISA talaga si Gloria Diaz sa iilang mga showbiz icons na masarap kausap, very consistent at walang filter ang mga sagot, ‘ika nga.  


Imagine, since 1969 pa nang manalo siyang Miss Universe (MU) at kahit mayroon nang mga Pinay na sumunod sa yapak niya, siya pa rin ang original beauty and brains, witty and naughty at the same time.  


Sang-ayon kami sa obserbasyon niya about our beauty pageants nowadays na “trained” o aral na aral ang lahat. Mula make-up, buhok, paglakad, pag-ikot, hanggang sa mga dramang tapilok o nadulas, at sa mga pagsagot sa mga Q&A na akala mo nga ay labanan ng mga genius. Hahaha!  


“Hindi na natural, eh. But I understand naman kasi nga dapat nag-e-evolve rin. Kaya lang, parang people tend to focus more on those things gaya ng pag-Ingles-Ingles na sagot na minsan, ako, ‘pag nag-judge ay hindi ko na maintindihan. Mas appreciated ko pa nga ‘pag Tagalog o Bisaya, dahil nandu’n ang puso,” kuwento pa ni Miss U (tawag ng lahat sa kanya).  


Naku, sa dami ng magagandang nai-share ni Ms. Glo, ang sarap-sarap niyang isulat, lalo’t aminado rin itong Marites pagdating sa tsismisan. Hahaha!  


Sa bagong movie ni Glo na Untold, siya ang gumaganap na nanay ni Jodi Sta. Maria. Matagal na panahon na nang huli silang magkasama, kaya’t mas naging espesyal sa dalawa ang horror movie na may kakaibang kuwento.  


“Nu’ng ginawa ko ang Mallari, sabi ko, tama na muna ang horror. But how can I say no to Untold with Jodi and Direk Derrick (Cabrido) na nabigyan pa ako ng award as manananggal sa Mallari?” hirit pa ni Ms. U.  


Sa April 30 na mapapanood sa mga sinehan ang Regal Entertainment movie na ito na pinagbibidahan din nina Joem Bascon, Lianne Valentin, Sarah Edwards, Kaori Oinuma at Juan Karlos.


Prangkahan na ‘to, Barbie! 

DAVID, KILIG NA KILIG SA KANILA NI KATHRYN


DAHIL inamin ng nanay ni David Licauco na dream ng Kapuso actor na makasama si Kathryn Bernardo sa isang movie, biglang nagkuwento na rin si David.  


Since bata pa pala ito ay nasubaybayan na ni David ang career ni Kath at napanood nito halos ang lahat ng mga TV and movie projects ng dalaga.  


Kumbaga, sa halos sabay nilang pag-mature ay idolo na ni David si Kath na isa rin sa mga rason pala kung bakit naengganyo itong mag-artista.  


Dahil nga sa brief encounter nila during the Body of Work fashion event, marami ang nakapuna na tila may chemistry umano ang dalawa based sa body language nila.  


Kilig na kilig daw si David sa mga naglabasang tsika tungkol dito kaya ayan, siya na itong nagma-manifest na soon ay magkaroon sila ng project ni Kath.  


Just proving na si Kathryn nga ang most sought-after leading lady sa showbiz ngayon.  

Teka lang, paano kaya magre-react ang BarDa (Barbie at David) fans dito o mismong si Barbie Forteza na balitang hulog na hulog na rin ang loob kay David Licauco?

 
 

ni Lucille Galon @Special Article | Mar. 31, 2025



Photo: Ai Ai Delas Alas - BB Gandanghari YT


Naging emosyonal si Ai Ai delas Alas sa interview sa kanya ni BB Gandanghari dahil inamin niyang ang kasal niya kay Gerald Sibayan ay isang maling desisyon.


Binasag ng veteran comedienne ang katahimikan tungkol sa kanilang relasyon, at sinabi niyang gusto niyang patunayan na hindi hadlang ang age—pero sa huli, napatunayan niyang may epekto pala ito sa kanyang sitwasyon.


Nang tanungin ni BB Gandanghari kung tingin niya ba’y maling desisyon ang kanilang naging relasyon, sumagot si Ai Ai ng “Wrong decision talaga from the very beginning.”

Paliwanag niya, “Kumbaga, una, pinanindigan ko na lang. Parang gusto kong ipakita sa buong mundo na age doesn’t matter—pero it matters.”


Inamin din ni Ai Ai na mas gusto na niya ngayon ang mga lalaking mas matanda o kasing-edad niya. Pero iginiit niyang ang self-love na ang priority niya ngayon. 


“Hindi ako tanga (sa pag-ibig). Nagkataon lang na napupunta ako sa hindi tamang tao para sa ‘kin,” sabi niya. 


Aniya pa, “Kasi kung tanga ako, hindi kami aabot (Gerald) ng 10 years.”


Aminado si Ai Ai na parang may expiration date ang kanilang kasal, at may mga ibang

dahilan daw kaya hindi ito nagtagal, tulad ng ibang agenda ni Gerald o baka may iba itong hinahanap sa kanya.


Bagama’t nasa recovery stage pa raw siya matapos ang kanilang hiwalayan, tiniyak ni Ai Ai delas Alas na magiging okey din siya sa tamang panahon.



MAY mahalagang mensahe si Janine Gutierrez na ibinahagi niya sa kanyang acceptance speech sa Cosmopolitan Philippines’ Women of Influence Awards na ginanap sa Newport World Resorts. Inihayag niya ang kahalagahan ng “small choices” at kung paano nito puwedeng baguhin ang buhay ng isang tao, na parang isang uri ng sining.


“I’m so happy to be the creative catalyst because I do believe that your life is your art. Your life is your legacy,” aniya sa kanyang speech.


Binanggit din ng aktres na ang mga simpleng desisyon sa araw-araw ay puwedeng magdulot ng malaking epekto, tulad ng pagpili ng pagkain o kung ano’ng klaseng content ang ipo-post mo sa social media.


“The simple choices you make, like what you’re going to eat today or what I’m going to post about Masumi today, where you can share knowledge with your followers and friends, these small things that you do every day do make a big impact,” pahayag niya.


Dagdag pa ni Janine, hindi kailangang manggaling sa isang tao na may “huge success story” ang kuwento o payo para makapagbigay ng positibong pagbabago sa buhay ng mga kababaihan. 


Para sa kanya, ang mahalaga ay ang intention o layunin ng taong nagsasalita.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page