top of page
Search

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | November 23, 2025



LETS SEE - SEN. ROBIN, KINA COCO AT DANIEL GUSTONG IPAMANA ANG PAGIGING BAD BOY_IG _robinhoodpadilla, _supremo_dp, _cocomartin_ph.png

Photo: IG _robinhoodpadilla, _supremo_dp, _cocomartin_ph


“Mahal na mahal kita,” ito ang mensahe ng aktor-pulitiko na si Senator Robin Padilla para sa kanyang anak na aktres at may pusong mapagparaya na si Kylie Padilla.

Sa preskon para sa contract signing ni Sen. Robin para sa Viva na ginanap sa mismong office nito sa 6th Floor, Tektite East Tower, Ortigas ay nagbahagi ang aktor ng mensaheng punumpuno ng pagmamahal para sa anak.


Saad ni Sen. Robin, “Mahal na mahal kita, Kylie. Lalo kang maging mas masipag dahil pahirap nang pahirap ang buhay ngayon. Ingatan mo rin ang sarili mo dahil nag-aalala ako ‘pag pumapayat ka. Hindi kasi ako sanay ng payat ‘yung batang ‘yun kasi kasabay ko ‘yun mag-martial arts noong araw at ‘pag nag-eensayo ako.


“Nalulungkot ako kasi isa lang naman ang bahay namin. ‘Pag binuksan n’ya ‘yung bintana, kita ko na s’ya.”


Hirit ng mga reporters, “Isa si Kylie sa pinakaseksi na artista.”


Sagot ni Robin, “Hindi ko s’ya kilalang seksi. Kilala ko s’yang macho.”

Aniya pa, “Matanda na kasi si Kylie at lumaking independent ‘yung bata. Mabuting ina, magaling na ina, masipag. Hindi ko na s’ya masyadong inaalala pa sa ganyang usapin.”

Natanong din si Sen. Robin kung nalaman niya ba na tatlo na ang anak ng dating partner ni Kylie na si Aljur Abrenica.


Sagot ni Sen. Robin, “Wala akong alam d’yan, pero hindi na ‘ko nabibigla d’yan. Sa panahon ngayon, hindi na kabigla-bigla ‘yan.”


Natanong din sa contract signing ni Sen. Robin sa Viva kung ano ang mensahe niya kay Aljur.


Saad ni Sen. Robin, “Good luck. Magsipag ka lalo na ngayon, marami ang anak mo.”

Kuwento pa ni Sen. Robin, “Na-miss ko ‘tong dami ng camera na ‘to. Lagi namang may ganito sa Senate. Pero iba ‘yun. Ito ‘yung gusto ko—entertainment, kaligayahan ng tao. Nasubukan ko na pareho, eh. Buhay-pulitika, buhay-showbiz.”


Natanong din siya, kung papipiliin, ano ang pipiliin niya, showbiz o pulitika?

Sagot ni Robin, “Showbiz. Showbiz kasi nga, masaya dahil ang gusto ng tao, good vibes. Good vibes.”


Tanong ni yours truly, “Papayagan mo bang mag-artista ang apo mong si Alas?”

Sagot ni Sen. Robin, “Mag-aral muna sila. Pinag-aaral ko ng Pinoy martial arts ‘yun. Sana, seryosohin n’ya.”


Humarap si Sen. Robin sa camera at nag-dialogue ng “Anak (Alas), seryosohin mo ‘yun, ‘nak.”


Samantala, naikuwento rin ni Sen. Robin ang tungkol sa SALN (Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth) niya.


Aniya habang nakangiti na halatang masaya sa ginawa niya, “May nagsabi sa akin, may P200 million daw pala ang SALN ko. Ang sagot ko, ginawa akong bilyonaryo ni Boss Vic (Del Rosario), pero nu’ng naging senator ako, naging P200M na lang.”


Dagdag pa ni Sen. Robin, “Isang malaking karangalan na maipagpatuloy ang kuwentong sinimulan natin noon. Mas matapang, mas makatotohanan, at siguradong mas malapit sa puso ng ating mga kababayan. Isang malaking pasasalamat sa Viva sa walang hanggang suporta. 


“Kay Boss Vic na simula pa noong umpisa ay naniwala sa akin at sa mga ginagampanan kong pelikula. Maraming salamat din kay Boss Vincent at sa buong Viva family sa tiwala at sa oportunidad. Abangan ninyo po ang Badboy 3!”


Well, good luck pa more, Robin Padilla, na minsan isang panahon ay tipong naging adopted pamangkin ni yours truly when he was only 12 years old, dahil pareho kaming nakatira noon sa bahay ng kanyang mentor-discoverer na si Direk Dikong Deo Fajardo, Jr. (RIP). 


Yes, may ganern! (smile emoji).



“Happy birthday to the love of my life,” ito ang sinabi ng aktres-TV host na si Shaira Diaz sa kanyang social media post para sa kanyang loving husband na si Edgar Allan ‘EA’ Guzman na nagdiwang ng kaarawan noong November 20.


Sey ni Shaira, “Happy birthday to the love of my life, my partner, my husband. For 12 years, you’ve filled my world with color, comfort, and a kind of love I never knew was possible. Every day, I thank God for blessing me with you, and I promise to spend the rest of our lives making sure your heart is always full and happy. 


“Mahal na mahal kita, Baba (tawagan nila ni EA)! @ea_guzman.”

Happy birthday, EA Guzman! 


In fairness, super lucky ka sa pagkakaroon ng asawang tulad ni Shaira Diaz na sobrang mapagmahal.


‘Yun lang, and I thank you.

 
 

ni Ambet Nabus @Let's See | November 19, 2025



LET’S SEE - ELLEN, KUMANTANG 9 DAYS PA LANG SILANG MAG-ASAWA NI DEREK, MAY KABIT NA_IG @maria.elena.adarna & @ramsayderek07

Photo: IG @maria.elena.adarna & @ramsayderek07



Marami ang naloloka sa mga hanash na pasabog ni Ellen Adarna laban kay Derek Ramsay.


Sa dami ng mga ipino-post nitong resibo umano ng cheating issue ni Derek, may mga edited videos ding kumakalat hinggil pa rin dito pero nakakalokang may isyu tungkol sa bawang, kulam at pagpapabarangay nang dalawang beses sa aktor.


Hay, naku, mga Ka-BULGAR, kung nababaliw na kayong umintindi ay kami rin. Hahaha! 

Basta ang malinaw sa mga hanash ni Ellen, hiwalay na sila ni Derek nang kung ilang buwan na. Pero ang nasabing cheating item ay 3 weeks ago lang niya na-discover upon receiving the reported convo nga ni Derek with his alleged “side chick”. 

At 9 days or so pa lang sila together ni Derek as husband and wife, and yet, may side chick na nga ito. 


Pero hindi naman daw ito among Derek’s ex-girlfriends.

Samantala, lagi rin nitong binabanggit si John Lloyd Cruz bilang mabuting ama ng kanilang anak, and so on.


Ang nakakairita lang sa mga naturang posts ay mapapaisip ka talaga na parang may ‘something’ sa mental state nila. 

Hay, ano ba?!




GANYAN din kaya ang posible nating masabi sa tila kakaiba rin namang ‘hanash’ ni Sen. Imee Marcos versus Pangulong Bongbong Marcos (PBBM) and family at ni Kris Aquino on Direk Tonette Jadaone and Anjo Yllana?


Ang gulu-gulo na talaga ng mga mundo nila at mukhang naglalaro na lang sila ng kanilang mga emosyon at whatever. Hahaha!


First time nga lang nakasaksi ang sambayanan ng isang ate na ibinubulgar sa sambayanan ang pagiging ‘adik’ diumano ng kanyang kapatid, huh? 


And yes, hindi sila basta mga ordinaryong tao sa bansa dahil mga kilalang angkan sila sa pulitika at may matataas na katungkulan. 


Parte na rin ang pamilya nila sa kasaysayan bilang mga ‘traydor at kurakot’ kaya’t napakahirap i-compromise ang drama nila sa pulitika ngayon. 


Nagbigay ng reaksiyon ang congressman na pamangkin ni Sen. Imee na si Sandro Marcos, kaya’t muling pinag-uusapan ngayon ang sinasabing “Hindi naman tunay na magkapatid sina PBBM at Imee sa ama nilang si Ferdinand, Sr..”


Ang hamon nga nila sa isa’t isa na magpa-DNA at hair follicle test to determine kung sino ang nagsasabi nang totoo ang inaabangan ng sambayanan. 


Ganyan na sila nababalita sa ngayon, malayung-malayo na sa noo’y mga imahe nila sa Pilipinas bilang mga sosyal, nag-aral sa mga de-kalidad na schools at sobrang yaman na mga tao.



‘Di raw siya ang two-timer dahil kay Robin…

KRIS RUMESBAK, IBINULGAR NA 2 SILANG NAGING GF NI ANJO



AT ito namang si Kris Aquino, despite her health condition na kung ilang taon na rin siyang nakikipaglaban sa dami ng kanyang mga sakit, parang gusto pa ring makisali sa gulo at mga kalituhan sa bansa.


Wala rin kaming maintindihan sa mga hanash niya tungkol sa minsan niyang naging direktor na si Tonette Jadaone noong may movie sila ni Dingdong Dantes. 


‘Egyptian Cotton Towel’ naman ang isyu niya kaugnay ng pag-take 2 niya sa ‘lublob scene’ niya nang kung ilang oras sa naturang shoot. 


Hindi rin namin makita ‘yung alleged post ni Direk Tonette kaya niya ito ikinaklaro. Napakalumang isyu kumbaga.


Then, ‘yun nga rin, pinatulan na rin niya si Anjo Yllana sa hanash din nito noong maging ‘BF-GF’ sila. Na-mention pa si Robin Padilla na kinlaro niyang hindi niya isinabay kay Anjo. Siya pa nga raw itong na-surprise dahil si Anjo pala ang may isinabay na GF noong time nila.


Nakakaloka ang mga pinag-uusapang posts ngayon tungkol sa kanila. Kung hindi mo kakalkalin ang mga previous and past issues sa kanila, literal na maliligaw ka. 

Kaya sa mga gustong pumatol, good luck. Hahaha!

 
 

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | November 19, 2025



TALKIES - ELLEN, PURING-PURI SI JOHN LLOYD NA MABUTING AMA KAHIT HIWALAY NA SILA_IG _ _maria.elena.adarna & _johnlloydcruz83

Photo: IG _maria.elena.adarna & _johnlloydcruz83


Winner talaga ang aktor na si John Lloyd Cruz pagdating sa pagiging ama.

Sa Instagram (IG) post ng aktres na si Ellen Adarna ay may netizen na nagtanong kung anong klaseng ama ito para sa kanya.


Tanong ng netizen, “Are you and John Lloyd okay?”


Sey ni Ellen, “With John Lloyd, wala talaga akong masabi. I have nothing but good things to say about him.


“We had our differences in the past but I respect him because he is a very good provider. He is honest and he is a very present father. Take note, nu’ng naghiwalay kami ni JL, that was before Elias turned one year old. Present s’ya.”


Matatandaan na kamakailan lang ay nagdiwang din ng ika-isang taon na kaarawan ang anak nina Ellen at Derek Ramsay na si Baby Lili pero absent si Derek sa birthday party ng anak.



BONGGA ang istorya ng pelikulang nabuo dahil sa larong jackstone.

Ang pelikulang Jackstone 5 ay nakasentro sa isang grupo ng mga queer na lalaki na nasiyahan sa paglalaro ng jackstones at iniidolo ang ‘Jackson 5’, partikular na si Michael Jackson, noong kanilang kabataan.


Tinanong ni yours truly ang mabait na aktor na si Arnell Ignacio kung ano ang masasabi niya sa pelikula.


Saad ni Arnell, “Comedy. Sobrang nakakatawa ang pelikulang Jackstone 5, at kahit drama na ang scene na kinukunan ay talagang natatawa ka pa rin.”


Kuwento pa niya, “Hirap na hirap akong gumanap ng bakla rito. ‘Yun naman kasi ang tunay kong pagkatao. Baka mas mahirapan pa ako kung sabihin mong nagtatago. Kaso hindi ko naman maitatago ‘yun dahil nag-asawa naman ako. 

“Natutuwa ako sa movie na ito kasi hindi ko na kailangan pang iarte ito dahil ito naman ang personalidad ko.”


Sa panayam sa preskon ng Jackstone 5 ay naibahagi rin ng mahusay at multi-awarded na direktor at aktor na si Direk Joel Lamangan na sa tatlong dekada niya sa pagdidirek ay ngayon lang siya gaganap na artista.


At sinabi rin ni Direk Joel na napapayag siyang gumanap bilang artista sa pelikulang Jackstone 5 dahil sa mahusay na line producer na si Dennis Evangelista.

Kuwento ni Direk Joel, “Sa tatlong dekada ko na pagdidirek, ngayon lang ako gaganap na artista. Naka-rely ako sa aking mga tao sa kabuuan ng pelikulang ito.


“Gaganap akong bakla, although gumaganap na akong bakla sa TV araw-araw bilang Rhoda (sa Batang Quiapo). Pero hindi ito si Rhoda.


“Ang mahirap sa role ko ay ‘yung nabuko na ako at malayang-malaya na akong maging bakla. Mas higit pa ‘yun kay Rhoda. ‘Yun ang challenge sa akin.”


In fairness, sa preskon pa lang ay nakakatawa na ‘pag nagkukuwento ang mga bida sa Jackstone 5 na sina Eric Quizon, Gardo Versoza, Arnell Ignacio, Jim Pebanco, Abed Green, John Mark Marcia at Direk Joel Lamangan na siya ring direktor ng pelikula.


‘Di ba naman, BFF Dennis C. Evangelista?



“OUR first family outing,” ito ang sinabi ng aktres na si AJ Raval sa kanyang Instagram (IG) story.


Nagbahagi siya ng video clip kung saan makikita na kasama niya ang aktor na si Aljur Abrenica at ang kanilang mga anak sa kanilang kauna-unahang family outing.


Saad ni AJ, “With all my heart and deepest respect, I give all the glory back to You, Lord. Thank You for every blessing, for every moment of grace, and for saving me in ways I can never fully express.


“Today, on our first family outing and this Thanksgiving Day, my heart overflows with gratitude for Your love that never fails.”


Anyway, kung ang pamilya nina AJ Raval at Aljur Abrenica ay nag-outing kasama ang mga anak, ang mahusay na aktres naman na may pusong mapagparaya na si Kylie Padilla ay ipinasyal ang mga anak nila ni Aljur sa children’s park sa Japan.

‘Yun lang, and I thank you.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page