top of page
Search

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | May 6, 2025



Photo: Xyriel Manabat - IG


Sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition (PBBCE), muling napatunayan na hindi porke’t artista ay mapera na. 


Isa sa mga naging emosyonal na rebelasyon ay mula sa aktres na si Xyriel Manabat, na kilala sa kanyang mahusay na pagganap sa telebisyon.


Nasabi ni Xyriel sa isang episode ng PBB ang kanyang matagal nang gustong sabihin.

Pahayag niya, “Hindi ko pinagsisisihang tumulong ako sa pamilya ko, pero sana rin, matutunan kong alagaan ang sarili ko habang ginagawa ko ‘yun.”


Habang nagkukuwento sa loob ng bahay ni Kuya ay emosyonal si Xyriel sa kanyang pinagdaanan bilang breadwinner sa loob ng mahigit isang dekada.


Saad pa niya, “I’ve been working more than half of my life, more than a decade, pero wala akong savings.”


Bata pa lang, sikat na ang aktres pero nakakalungkot nga na waley pala itong naipon.

Just asking, ‘yun kaya ang dahilan kaya sinasabi niyang napatawad na niya ang kanyang mga magulang, lalo na ang tatay niya?



Nakiusap ang loyal Noranian na si Jen Donna Pergis Moreno na, “‘Wag na po mag-comment ng hindi magagandang salita para kina Lotlot, Ian, Matet, Kiko at Kenneth.”

Dagdag pa ni Jen, “Kung tayo po ay nasaktan… mas masakit po ito para sa kanila.


“Kung tayo po ay nawalan, mas nawalan po sila. Kani-kanya po tayo ng sakit na nararamdaman. Sana, maging mabait na lang po tayo sa bawat isa, lalo sa mga anak ni Ate Guy.”


Pakiusap ito sa mga taong patuloy na namba-bash sa mga anak ni Nora sa social media at kung anu-anong panlalait ang sinasabi.  


Well, alam ni yours truly kung gaano kamahal ni Ate Guy ang kanyang mga anak kaya mas magiging masaya siya kung lahat ay magkakaisa-isa. Boom, ganernnn!


Samantala, last May 4, Sunday ay naigawad na ang Presidential Medal of Merit on National Artist for Film para sa nag-iisang Superstar Nora Aunor na dinaluhan at tinanggap naman ng kanyang mga anak na sina Lotlot, Ian, Matet, Kiko at Kenneth. 


Pero kahit na tinanggap nila ang Presidential Medal of Merit ay bakas pa rin sa mga mata ng magkakapatid ang lungkot na wala na ang kanilang mahal na ina na si Nora Aunor.



NANDITO na uli sa Pilipinas ang Filipino-American singer and Doctor of Nursing na si Nick Vera Perez at kamakailan lang ay nagkaroon ito ng mediacon to promote his fourth and latest album titled Parte Ng Buhay Ko to touch the hearts of many listeners. 

Parte Ng Buhay Ko was first released online noong 2022 at ang album ay patuloy naman na nakakaantig ng puso ng mga listeners. All 9 songs were written for Nick by composer Adonis Tabanda.


Some of the songs on the album include Biyaya, Paghilom ng Sugat, Titig, Lihim ng Puso, Kalendaryo, May Tayo Ba?, Pangarap Ko’y Ikaw, Sana’y Mapansin, and the title track, Parte Ng Buhay Ko. Each song tells a story of love, pain, hope, and healing.


Sa Q&A portion ay natanong ni yours truly si NVP kung bakit hindi niya naisipang pasukin ang pag-aartista gayung super pogi niya at sinabi ko sa kanya na I know a star when I see one. 


At ang kanyang naging sagot ay… “Meron... meron akong plano noon na mag-artista pero hindi kaya ng schedule ko kasi nag-aaral pa ako noon. Iba ‘yung pag-iisip ko. When I was growing up, okay naman ang family namin.


“Pero ang iniisip ko lang talaga noon ay to finish school first so doon ako nag-concentrate.


“Noon ko pa na-meet si Beth Tamayo na naging ka-batchmate ko. Dati pa may mga offers din sa akin na gumawa ng movies pero hindi pa ako ready noon.


“Kaya nga ‘yung I Am Ready na first album ko... ‘yun ang ginawa kong title. Kasi nga nu’ng nag-release kami ng first album ko, doon ko na-feel na ready na pala ako.


“Pero ngayon siguro, kung ako ngayon, tatay na ang role.”

If ever, sino naman ang gusto niyang maka-love team?


Sagot niya, “Si Bea.”


“Sino’ng Bea? Bea Binene or Bea Alonzo?” balik-tanong namin.


Sey niya, “Sino si Bea Binene?”


“Naku, ‘yan ngayon ang pinaka-leading lady sa muling pagkabuhay ni Totoy Bato sa TV5,” sagot ni yours truly.


“Ah, si Bea Alonzo ang gusto ko. Natural umarte at magaling na artista at walang ka-effort-effort sa pag-arte,” he said with matching smile.


Anyway, to bring his music closer to fans and supporters, Nick has lined-up a series of appearances on television, radio, malls, and outreach events.


Makakasama ni Nick sa tour ang talented Eternal Diva, Ms. Evelyn O. Francia, and rising singer Hannah Shayne.

 
 

ni Ambet Nabus @Let's See | May 5, 2025



Photo: Claudine Barretto - IG


First runner-up finish ang inabot ni Winwyn Marquez sa katatapos na Miss Universe-Philippines 2025.


Hindi man niya nakuha ang pinakamimithing korona na magbibigay sa kanya ng karapatan to represent the country sa Miss Universe 2025 sa Thailand this year, hindi naman niya binigo ang kanyang mga supporters.


Naging hakot queen nga si Winwyn matapos niyang makuha ang halos lahat ng minor awards nu’ng prelims. At nu’ng finals naman ay super-kabogera pa rin ang kanyang aura at talino.


Sadya lang talagang hindi pa ready ang bansa na magpadala ng candidate na may asawa’t anak.


Si Ahtisa Manalo na tatlong beses nang nagtangka sa korona ang nanalo kahit may mga bashers na nagsasabing mas tinalbugan siya ng Siniloan, Laguna, Cebu City at Sultan Kudarat candidates, na may mga minor international pageants ding sasalihan.


May mga naysayers pang nagkomento na sure na raw na luhaan na naman tayo sa Miss Universe 2025 dahil kung ang mga minor international titles nga raw ay hindi magawang mapanalunan ni Ahtisa, how much more pa raw ang Miss Universe? 


For the record, naging first runner-up sa Miss International 2018 at naging top 10 nga lang sa Miss Cosmopolitan 2024 si Ahtisa.


May mga bashers din namang nagsasabi na tila nawalan din daw ng saysay ang pagiging Reina Hispano-Americana 2017 ni Winwyn lalo’t tinawag nga siyang “Latina-slayer” dahil kinabog niya ang mga ito sa naturang title noong 2017.


Well, ganyan talaga ang buhay ng mga beauty queens. Ang importante, nagagawa pa rin nilang maging matatag at palaban sa anumang laban.

Huge kudos sa inyo!



TAONG 1986 pa namin nakilala at nakasama sa Actors’ Workshop Foundation thru DKB PopCom project si Direk Ricky Davao.


Ang natatandaan naming kasama niya noon ay sina Direk Gina Alajar, Leo Martinez at iba pang members-volunteers ng AWF.


Kami naman ay sa hanay ng DKB PopCom bilang naging federation president nga kami noon sa Bicol ng Kabataang Barangay ni Sen. Imee Marcos.


Kaya nang maging parte na kami ng showbiz, mas nakilala at naging kaibigan namin ang mahusay na aktor-direktor.


In 2008, ilang araw din namin siyang nakasama sa Bohol shooting with Direk Cesar (Buboy) Montano, Angel Aquino at Mercedes Cabral with our dear friend amiga Dolly Anne Carvajal.


Tapos ‘pag may birthday party din kami, lagi niya kaming pinauunlakan na maging "singer-entertainer" (totoo ‘yung running joke na huwag siya dapat paghawakin ng microphone dahil mahihirapan ka nang sumingit kumanta, hahaha!) at signature song nga niya ‘yung La Vie en Rose.


Sa dose-dosenang beses na namin siyang napuntahan sa mga set visit, movie premiere at shoots at iba pang okasyon, ‘yung pagiging makuwento, pakyut moment, at paghula sa blind items namin ang regular naming bonding spree.

Mga twice or thrice na rin niya kaming niregaluhan ng ‘cap’ o sumbrero at most special sa amin ‘yung Lacoste black cap.


Ang pinakahuling beses nga namin siyang nakasama (ironically with Direk Gina Alajar) at nakahuntahan ay nu’ng guesting nila sa Marites University podcast at film screening sa Net25 ng Monday First Screening nu’ng 2023.


And our last exchange of messages was in May-June 2024 nu’ng hiningan namin siya ng video endorsement for Ate Vi’s (Vilma Santos) bid for National Artist, bilang nagkasama sila sa ilang mahahalagang movie projects in the late ‘90s at naging magkaibigan din. 


Pero hindi na nga niya naipadala sa amin dahil marahil ay may iniinda na siyang karamdaman noon.


Hay, napakabata pa ni Direk Ricky at 63. Pero life is life, ‘ika nga. Kakambal lagi nito ang kamatayan na doon naman talaga tayo papuntang lahat.


Rest in peace, Direk. Ang amin pong taos-pusong pakikiramay sa mga naulilang pamilya, kaibigan, katrabaho at mga mahal niya sa buhay.


Indeed, isa na namang acting great at mabuting kaibigan ang nawala sa atin.



HAHARAP ngayong araw, Lunes, May 5, sa showbiz media ang mag-asawang Sharon Cuneta at Kiko Pangilinan.


Naging tradisyon na nga ng Regal Entertainment family ang magbigay ng salu-salo sa mga napupusuan nilang mga kandidato kasama ang mga friends in showbiz media, isang legacy ng yumaong si Mother Lily Monteverde na ngayo’y itinutuloy ng mag-inang Roselle at Atty. Keith.


Naku, nakaka-excite na chikahan ito lalo’t bongga ang naging pagpayat ni Mega Shawie na for sure ay ise-share niya.


But of course, more than that ay nasisiguro nating marinig ang plataporma ni Kiko na sobrang identified na sa mga magsasaka at mangingisda.


Sa napaka-cute nilang political ad na “kapag may Sharon, may Kiko,” tiyak na mas marami pa tayong maririnig na parehong may intriga at katotohanang mga isyu.


Ine-expect na rin nating kantahan tayo ni Shawie to prove to us na hindi naapektuhan ang kanyang boses sa nangyaring pagpayat niya, kahit pa nga sagad-sagaran din ang pagsama niyang pag-iikot from Luzon to Mindanao para humingi ng boto sa mga tao.

 
 

ni Ambet Nabus @Let's See | May 3, 2025



Photo: Claudine Barretto - IG


Hindi pa man nagsisimula ang sinasabing project na posibleng magpabalik kay Claudine Barretto sa mainstream leading star status, aba’y grabe na ang bashing ng mga maka-anti-Duterte.


Sa ipinakitang convo ni Clau with Direk Darryl Yap, ramdam natin ang excitement sa aktres na gampanan ang life story ni VP Sara Duterte.


Meron pa siyang sagot du’n na willing siyang magpagupit ng buhok para lang lalo niyang ma-imbibe ang aura ng kontrobersiyal na VP ng bansa.


Kung marami ang maagang nagba-bash, lalo’t equally scandalous ang direktor nitong si Darryl, marami rin naman ang interesado at excited lalo na ang mga Duterte followers.


From the looks of it, tanggap na marahil ni Darryl na ‘shelved’ muna ang Pepsi Paloma project niya kaya’t before the year ends, need niyang makagawa ng higit ding kontrobersiyal na movie project.


Marami lang ang nagtatanong kung gagawin din daw bang ‘beshie’ ni Darryl si VP Sara gaya ng pagiging beshie nila ni Sen. Imee Marcos na siyang nag-introduce sa dalawa?


Siyempre, kasali riyan si Claudine na hindi naman kuwestiyunable ang galing at husay sa pag-arte. Kumbaga, kering-keri niya ang naturang role nang hindi na mag-e-effort nang todo.



Bongga rin ang style ng mga defenders ni Kyline Alcantara.


After kasing maglabas ng statement ang GMA-7 Sparkle na nakikiusap na hayaan nang mag-move on si Kyline, kaya ‘wa na ito talk sa isyu nila ni Kobe Paras, sunud-sunod naman ang socmed (social media) posting for her and about her.


Nandiyan ang friendship nito with Michael Sager, ang pag-follow uli rito ni Sarah Lahbati at ultimo ang pagbigay ng flowers ni Marian Rivera ay tila mga ganting promo blitz sa ngayo’y kuwestiyonableng imahe ni Kyline.


Naka-segue ang mga ito sa upcoming series na Beauty Empire (BE) na at this early ay napag-uusapan hindi ang kagandahan, kundi ang diumano’y kapangitan ng pagkakasama ni Kyline sa series.


Bigla nga niyang tinalbugan ang mga lead stars ng series na sina Barbie Forteza, Ruffa Gutierrez at Gloria Diaz.


Being the youngest nga naman sa line-up, siya ang tila higit na may kailangang patunayan mereseng umaabot na sa halos 5 million ang followers niya sa Instagram (IG).



MEANWHILE, going smoother naman ang relationship ngayon nina Ashley Ortega at Mavy Legaspi.


Nang makausap nga namin si Ashley nu’ng pumirma siya ng kontrata under LUX beauty company ni Mam Ana Magkawas, proud nitong sinabi na isa nga si Mavy sa mga ni-look forward niyang maka-bonding after niyang ma-evict sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition (PBBCE).


Bukod sa sariling pamilya at pagkakaroon niya ng komunikasyon sa kanyang ina, talaga raw kinarir nila ni Mavy ang pagkakaroon ng time na mag-chill.


Ang bongga pa riyan, kasama pa ni Ashley ang pamilya ni Mavy na inilarawan niyang “very welcoming”.


At dahil ex-GF ni Mavy ang kontrobersiyal ngayong si Kyline Alcantara, hindi maiwasang ikumpara ito kay Ashley na tanggap na tanggap nga ng Legaspi family at panay magagandang reaksiyon lang ang ibinibigay dito.


Very bubbly, straightforward, ma-chika at very respectful magkuwento si Ashley kaya hindi kami nagtataka na ‘in na in’ siya sa pamilyang Legaspi.

Tama ba, Nanay Mina at Tatay Zoren?

 
 
RECOMMENDED
bottom of page