top of page
Search

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | May 19, 2025



Photo: Luis Manzano


Malungkot naman si yours truly kasi hindi nanalo as vice-governor ng Batangas ang magaling na TV host na si Luis Manzano.


May ilang mga netizens ang nag-comment na kasi raw, hindi Recto ang family name ni Luis, because ang mga Recto raw ay kilala na taga-Batangas sa pangunguna nga ni Sen. Ralph Recto kaya win ang dyunak nila ni Vilma Santos-Recto na si Ryan as congressman at bilang Recto na rin si Vilma, wowowin talaga siya ever since na um-enter siya sa pulitika.


‘Niwey, better luck next time, Luis Manzano. Kani-kanyang kapalaran ang bawat nilalang, ‘ika nga. Balik ka na lang sa pagho-host uli sa Kapamilya Network, oki doki?



Hindi teki si yours truly kaya hindi ko maintindihan kung bakit laging lumalabas ang picture ni Superstar Nora Aunor sa FB Messenger ko na kasama ang mga naka-online na FB friends.


Noong buhay pa siya ay madalas ang aming chat sa FB Messenger at alam niya, mahal ko si John Rendez at ang kanyang mga dyunakis.


Pero minsan ay tinanong niya ang inyong yours truly ng ganito… “Ate Mercy, mahal mo pa ba si Vilma (Santos)?”


“Lahat ng minahal ko ay hindi na mawawala ang pagmamahal na ‘yun, pero mas ikaw ang mahal ko ngayon kasi ikaw ang lagi kong nakakausap kahit bihira na tayong magkita sa ngayon,” ang naging kasagutan ni yours truly kay Guy.


But yours truly ay talagang lucky enough because I have the best of both world, as in pareho kong naging close-cum kapamilya na ang isang Star for All Seasons at ang Superstar-cum National Artist, boom! 


Bongga, ‘di ba naman, mga Marites at tribu ni Mosang?

Ahhh, those were the days, my friends... as in may beginning, may ending, and the rest is now a memory. ‘Yun na!



‘NIWEY, heard na dismayado raw si Willie Revillame na hindi pinalad na manalo as senador nito lang nakaraang 2025 elections last May 12.


Ayon daw kay Kuya Wil, marami siyang kinailangang isakripisyo, isa na nga ang kanyang daily show na nakalutang daw sa hangin kung ibabalik ang kanyang Wil to Win (WTW) sa TV5.


What do you think, madlang pipol na mahilig sa jacket? Think and THINK BIG!



SI Sam Versoza a.k.a Dear SV naman na sweetheart in real life ni Kapuso actress Rhian Ramos ay hindi rin pinalad na manalong Manila mayor kahit super-laki ng nagastos nito sa 2025 elections.


Si Yorme Isko Moreno pa rin ang ibinoto ng mga Manileño. 

Ilang oras matapos ang botohan ay nag-post sa kanyang Facebook (FB) account si Dear SV ni Rhian at here it goes...


“Mga mahal kong Manileño,” simula ni Sam who was man enough to concede to Isko. “Sa lahat ng ginawa ko sa buhay, ito ang pinakamakabuluhan, pinakamarangal, at pinakatapat kong nagawa. Ang ibigay ang lahat ng meron ako para sa mga taong higit na nangangailangan. Hindi ko ito ginawa ng may iniisip na kapalit, kundi dahil sa pagmamahal ko sa tao.


“Gusto kong ipaalam sa inyo kung gaano ako nagpapasalamat sa bawat ngiti, bawat yakap, at bawat pagkakataong nakasama ko kayo.


“Kung may isang bagay man akong babaunin habang buhay, ito ang alaala ng pagmamalasakit ko sa inyo, ng mga panahong kahit pagod at may lagnat, ay mas pinili kong lumaban para sa kabutihan ninyo.


“Ang kampanya kong ito ay hindi lang tungkol sa pulitika. Ito ay naging isang paglalakbay ng puso, isang panata na hindi kailanman mabubura ng panahon.


“Mami-miss ko kayo. At kahit anong mangyari, nandito pa rin ako… dalangin ko ay patuloy kayong pagpalain ng Diyos. Hindi ito paalam, ito ay isang panibagong simula para sa ating lahat.


“Maraming salamat, Maynila. Mahal ko kayo. – SV.”


Bigo mang makamit ang inasam na puwesto, nagpasalamat si SV sa “mga naniwala, sumuporta at nakipaglaban sa pagbabago.”


Batid din daw ng negosyante ang pagmamahal na iniukol sa kanya ng mga taga-Maynila sa kanilang kaway, yakap, halik at tapik sa kanyang balikat.


Hindi raw ngayon at natalo siya’y nagtapos na rin ang kanyang adbokasiya.

Sa bandang huli’y kinongratyuleyt niya si Isko, sabay umaasa sa tapat at mapagkawanggawang liderato nito.


Very well said, Dear SV a.k.a. Sam Versoza. Like Lucky Manzano, Willie Revillame atbp... better luck next time.

 
 

ni Ambet Nabus @Let's See | May 19, 2025



Photo: Willie Revillame - FB


Hala, grabe naman ang bagong isyu ni Willie Revillame.


Matapos kasing matalo ito sa eleksiyon, may pahayag umano itong nawalan na siya ng gana na tumulong sa kapwa o mga nangangailangan gaya ng kanyang gawain dati.


If ever mang totoo ngang tila nanunumbat o naniningil kumbaga ang TV host dahil parang inaasahan niyang iboboto siya ng mga taong kanyang pinasasaya sa TV man o mga nabibigyan niya ng tulong, lumalabas palang hindi siya sincere sa kanyang gawain.

Na naghihintay pala siya ng kapalit sa huli porke nais niyang magkaroon pa ng power thru politics?


Tsk, tsk... lalo yata niyang naipakita sa madla ang kanyang totoong pagkatao na porke tumulong ka ay dapat ka ring makatanggap ng pabor sa huli?


Tila hindi lang ang anger management issue ang dapat i-address ni Willie if ever mang totoo ngang may ganyan siyang pahayag.


Sa nakikitang imahe niya sa ngayon, ayon na rin sa kanyang mga salita at gawain, lumalabas ngang “put on” o hindi pala tunay ang kanyang adbokasiya na makatulong at magpasaya?

Tsk, tsk, tsk... ‘yun ang nakikita ng mga tao sa kanya, kaya siguro natalo siya.



IPINASILIP naman ng veteran actress-singer na si Vina Morales ang kanyang recording para sa theme song ng pagbibidahang serye na Cruz vs. Cruz (CVC).


Sa kanyang Instagram (IG) post, sinabi ni Vina na grateful siya sa GMA Network at excited siyang muling mapakinggan ng mga Kapuso ang kanyang boses tuwing hapon.


Bukod diyan, malapit na ring mapanood ang pagbabalik-teleserye ni Vina.

Star-studded ang cast ng CVC kung saan makakasama ni Vina sina Gladys Reyes, Neil Ryan Sese, Kristoffer Martin, Pancho Magno, Lexi Gonzales, Gilleth Sandico, Elijah Alejo, Caprice Cayetano, at Cassy Lavarias.

Abangan ‘yan soon on GMA Afternoon Prime.



MATAPOS naman ang kanyang Pinoy Big Brother (PBB) journey, tuluy-tuloy ang mga guestings at projects ng Sparkle artist na si Michael Sager. Ilan dito ang pagiging Unang Hirit (UH) host-mate na nagpapasigla sa morning barkada at ang pagpapasaya sa tanghalian kasama ang TikToClock.


Nitong nakaraan naman ay nag-post ang Sparkle ng isang throwback video sa kanyang PBB Journey, kung saan nagpakita ng suporta ang kanyang mga fans. 


Sey ng ilang netizen, “The Big Winner we never had.”

Bumubuhos ang suporta ng mga fans, hindi lang sa kanya kundi sa duo nila ni Emilio Daez.


Samantala, nakaabang naman ang mga fans sa iba pang upcoming projects ni Michael, isa na rito ang muli nilang pagtatambal ni Jillian Ward. 


Sey ng isang netizen, “Basta kami MicJill lang wait namin another project nila.”

Ano pa nga kaya ang mga pasabog ni Michael ngayong 2025?



 
 

ni Ambet Nabus @Let's See | May 18, 2025



Photo: Robin Padilla - IG


Nakakaloka pa rin ang mga tsikahan sa katatapos na eleksiyon.

Kahit hindi naman kandidato si Sen. Robin Padilla, nadadamay at laging nababanggit ang name nito.


May mga netizens na nagsasabing ‘nagising’ na nga raw ang madlang pipol at nagpapasalamat kay Binoe dahil anila, “Ayaw na naming makakita ng mga gaya niya sa Senado.”


Gaya nina Willie Revillame at Phillip Salvador, Jimmy Bondoc, Bong Revilla at ang nanalo uling si Sen. Lito Lapid, grabe ang pang-aalipusta ng mga ‘new breed of voters’ sa mga gaya nila.


Kaya naman hindi rin nakakagulat ang mga naglalabasang ‘mga resibo’ sa mga accomplishments (mga naipasang batas) na nagawa lalo na nina Bong at Lito na

masarap isampal sa mga kumukuwestiyon.


‘Yun nga lang, marami pa rin ang naghahanap ng mga ‘nagawa’ naman ni Sen. Robin?



Ano raw kaya ang masasabi rito ng anak ni Robin Padilla na si Kylie Padilla, na ang ex-husband namang si Aljur Abrenica ay ‘Lotlot’ din sa pagka-konsehal sa Pampanga?


Hmmm… knowing Kylie, hindi rin siguro siya ‘yung tipo na basta na lang magsasalita, lalo’t kontrobersiyal na pulitiko ang kanyang ama.


Pero pagdating sa TV project, naku, tiyak naman kaming may ipagmamalaki si Kylie, gaya na lang ng nalalapit na reunion nila ni Jak Roberto sa GMA Afternoon Prime series na My Father’s Wife (MFW).


Nagkasama na ang dalawa noong 2022 sa Bolera kung saan isa si Jak sa mga leading men ni Kylie. This time, mas mature na ang kanilang roles sa MFW

Sey nga ni Jak, “Happy ako na maka-work ulit si Kylie kasi I worked with her na, ‘di na namin kailangang mag-adjust sa isa’t isa.”


Lalo rin daw dapat abangan ang serye dahil sa unique role ni Kylie. 

Pagmamalaki ni Jak, “Excited ako for her kasi parang ngayon n’ya lang din gagawin itong character na ‘to. Grabe! Abangan ninyo, guys, sobrang nakaka-excite.



AY, gaano naman kaya ka-true ang tsismis na napakabongga umano ng nakuha o ibinigay na talent fee (TF) kay Yassi Pressman mula sa partylist na Bicol Saro? 


Although hindi ito gaanong namayagpag sa boto, mukhang may makukuha raw itong isang upuan sa Kongreso.


Ayon sa mga ka-Marites naming mga uragon sa Bicol, tila madaragdagan daw ang mga properties ni Yassi sa ilang lugar sa Camarines Sur nang dahil sa endorsement ng aktres. 


Siyempre, may cash incentive pa ‘yung kasama lalo’t kinarir daw ni Yassi ang pagsasalita ng Bicol dialect kahit nabubulol ito.


At dahil malaking bagay na kasa-kasama siya ng kanyang BF na si Luigi Villafuerte, pati na ng kapatid nitong si Migz sa pangangampanya ng mga ito para sa pagka-congressman (2nd and 5th district respectively) at pagka-gobernador naman ng ama nitong si Lray Villafuerte, iba pa raw ang bonus package na ibinigay sa maganda at seksing aktres.


Dedma nga lang daw ang mag-aamang Villafuerte sa usaping ‘dynasty’ lalo’t lahat sila ay nanalo sa eleksiyon. Kahit nga raw si dating VP Leni Robredo ay hindi nangahas lumaban bilang governor ng CamSur dahil baka raw mangamote ito sa mga Villafuerte kaya’t ang pagiging city mayor ng Naga ang kinarir nito. 


Pero ayon naman sa mga kaalyado ni Mayor-elect Leni, hindi rin naman nakakahiya ang botong nakuha ng ipinantapat nila kay Gov. Lray dahil ilang libo lang ang inilamang ng huli sa kalaban.


Sa mga hindi rin nakakaalam, asawa ni Migz ang dating Bb. Pilipinas-Universe 2017 na si Rachel Peters. Happily married sila kasama ang kanilang mga anak.


Kaya huwag daw po tayong magtaka o magulat if very soon ay maging pulitiko na rin si Yassi ng naturang probinsiya, lalo’t wagas ang public display of affection nila ni Luigi, may kampanya man o wala.


Oh, ‘di ba, pa-cha-cha-cha-cha lang din ng mga posisyon ang Villafuertes — from governor to congressman and vice-versa.


Naging kaalyado nila si Marco Gumabao na pinatakbo nila sa 4th District ng CamSur, pero natalo nga.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page