top of page
Search

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | June 29, 2025



Photo: Philmar at Andi Eigenmann - IG


Nitong June 25 ay nagdiwang si Andi Eigenmann ng ika-35th birthday sa Siargao kasama si Philmar Alipayo at ang tatlong anak na sina Ellie, Lilo at Koa.


Nagbahagi ang dating aktres sa social media ng mga larawan na nagpapakita na kuntento, simple pero masaya ang pamumuhay nito kasama ang pamilya. 


Aniya sa post, “I turned 35. Embracing the privilege of going on another lap around the sun. Growing wiser, and with a deeper appreciation for the simple island life I chose. I’ve found peace in slowing down, raising my beautiful babies by the sea, with nature all around.


“I was thinking of how I’d like to spend my day this year, and I found myself wanting to do nothing different from our usual day-to-day. The life I get to live with my family and loved ones is a gift in itself already, and receiving warm greetings from all of you is the cherry on top. My heart is full. Thank you!”


Samantala, pagkatapos lang ng dalawang araw ay nagdiwang naman sina Andi at Philmar ng ika-7th anniversary nila nitong June 27.


Nag-share si Andi sa Instagram (IG) ng ilang video clips sa pagdiriwang ng kanilang 7th anniversary. Makikita sa video ang saya ng mag-partner na tipong kahit may malaking pagsubok at problemang pinagdaanan sa kanilang pagsasama ay maayos nilang nalagpasan.


Saad ni Andi sa kanyang post, “YEAR 7!!! Sparkles @chepoxz Not perfect. But it’s real, and

it’s ours (red heart emoji).”


Wala naman kasing perfect, Andi. Pero sure si yours truly na masaya ang friend kong si Jaclyn Jose (Rest In Peace) na maayos ang pagsasama ninyo ng partner mong si Philmar.

Happy birthday, Andi, and happy anniversary sa inyo ni Philmar.



NAG-SHARE sa Instagram (IG) si Doña Lolit Solis ng latest update tungkol sa kanyang kalusugan.


Saad ni Lolit, “Talaga yatang ‘pag dumating sa buhay mo ang isang problema, tiyak na may kasabay pang isa. Out of the blue, tinamaan ako ng sakit, affecting my kidney. Tapos dagdag pa na hindi umabot sa tamang bilang ang suporta na nakuha ni Bong Revilla kaya sa number 14 lang siya umabot.


“Talagang kahit ano pang sabihin, ‘pag dumating mga ganyan, medyo windang ka. To be fair, painless at wala naman akong nararamdaman sakit sa katawan, nanghihina lang ako at kung minsan may mental lapses dahil ang dali kong makalimot. Kaya nga sinasamantala ko ‘pag sharp pa ang utak ko na gawin ang IG ko dahil alam ko na marami ang naghihintay na mga followers ko.


“Alam ko na ang number 1 tanong nila is ano ang pakiramdam ni Bong Revilla ngayon. Of course, sad (malungkot) s’ya. Of course hindi din niya inakala na magiging ganoon ang resulta. Pero lahat iyan may dahilan. At kung ano ang desisyon ng Langit, iyon ang dapat natin sundin. 


“Walang bitterness sa puso ni Bong Revilla. Sa kanya, eye opener ang lahat ng nangyayari sa buhay n’ya. Kung anumang kapalaran ang ibinibigay sa kanya, tinatanggap n’ya. Alam n’ya na lahat may dahilan. Lalo na’t nanalo sina Lani Mercado at Jolo Revilla, sapat ng compensation dahil alam mo na mahal pa rin kayo ng mga tao. 


“At least makikita n’ya kung ano ang puwedeng magawa niyang dagdag sa mga nagagawa ng dalawa. Mahaharap din niya nang husto ngayon ang acting career n’ya na siyempre, napabayaan nang konti dahil sa political works n’ya.


“Kaya calling Cheryl Ching, hayan na, free na sa ibang trabaho si Bong, mahaharap na n’ya ngayon ang mga tapings. Sabi nga, ‘pag nagsara ang isang pinto, marami pang puwedeng buksan, kaya all hope for Bong Revilla. Be strong, head high. Bong Revilla is Bong Revilla. Bongga!”

‘Yun lang and I thank you.



 
 

ni Ambet Nabus @Let's See | June 29, 2025



Photo: Marian Rivera - Family Feud Stars On The Floor


‘Yun talaga ang nakilala nating Marian — makulit, tropang-tropa ang galawan, what you see is what you get at tsika nga ng marami sa salitang kalye ay ‘jologs’.


Sobrang nakakaaliw ang pakikipagharutan nito kay Papa Dingdong Dantes, na game na game rin naman sa kanyang mga hirit.


Siyempre, para sa mga bashers, malamang na may bias at pagkampi kay Yan ang asawa dahil ang grupo nga nito ang nanalo at nakapag-uwi pa ng P200,000. Kasama ni Marian sina Pokwang, Rodjun Cruz at Faith da Silva (na isa ring babaeng bakla gaya nina Yan at Pokwang), habang kalaban nila sina Alden Richards, Zeus Collins at dalawa pang kasama nila sa Stars On the Floor (SOTF).


Ang final answer na ‘ticket’ na sinabi ni Marian sa tanong tungkol sa bus ang nagpanalo sa team nila, kaya’t may mga nagsasabi na namang ‘pinaboran’ umano ito ni Papa Dong at ng show.


Hindi nga kami nagkamali na may mga bashers na namang nagduda dahil sinasabi nilang tila napaboran ang team ni Marian.


Nakakaloka, lahat na lang, pinansin, imbes na maging masaya na lang. Hahaha!



SA isang umpukan naman ng mga nakakapanood ng advanced episodes ng Incognito sa Netflix na pinagbibidahan nina Daniel Padilla et al., hindi maiiwasang pag-usapan ang mga dramatic scenes ng mga bida.


Partikular ngang topic ‘yung mga drama scenes ng bawat bida nu’ng namatay na sa eksena ang mga mahal nila sa buhay.


Komento ng ilan, “Ang lalim na talaga ni DJ (Daniel) umarte bilang aktor. ‘Yung bilugan niyang mga mata, very expressive. Feel na feel mo talaga na kapatid niya si Louise (Abuel) na grabe n’yang iniyakan nu’ng mamatay.”


Subalit nang mapag-usapan ang eksena ni Anthony Jennings nang iniyakan naman nito ang mga napatay na karakter nina Bembol Roco at Matt Evans, ito naman ang sinabi ng mga nakapanood, “Ang husay, ibang klaseng artista. ‘Yung tipong walang pakialam kung tumutulo na ang uhog sa pag-iyak at kitang-kita na ang ngala-ngala sa pag-atungal. Naiiba sa kanilang lahat.”


Sumunod nga raw kina DJ at Anthony ang husay ni Maris Racal na kahit walang luha sa kaiiyak ay mararamdaman mo ang pag-iyak nito sa napatay na tatay niyang si Joel Torre.


Then, si Kaila Estrada na ‘mata-mata’ rin ang galing habang pilit na kumakawala sa mga nagpipigil ditong malapitan ang mga nanay niyang sina Ana Abad Santos at Sharmaine Suarez na napatay din.


Maikli man kumpara raw sa mga babad moment ng mga nabanggit ang eksenang iniyakan din ni Richard Gutierrez ang napatay din niyang ama sa series na si Tito Eddie Gutierrez, “May hugot at lalim din. Magaling nang gumamit ng mata si Chard,” sey ng mga nagkumpa-kumpara sa husay ng mga naturang bida sa Incognito.

Oh, ‘di ba, hindi lang sila mahuhusay sa action dahil palaban din silang lahat maging sa drama.



PARA naman sa espesyal na anibersaryo ng I Juander (IJ) ngayong Linggo (Hunyo 29), aalamin nito ang mga dahilan kung bakit binabalik-balikan ng mga Pilipino ang Hong Kong. 


Mula sa mga nakamamanghang natural wonders hanggang sa mga hindi malilimutang food trip at pagbabalik-tanaw sa nakaraan, samahan ang mga hosts ng IJ na sina Susan Enriquez at Empoy Marquez sa kanilang adventure sa Hong Kong.


“Back Garden of Hong Kong” kung tawagin ang Sai Kung District dahil sa mala-paraiso nitong mga isla at dalampasigan. Pero ang isa raw talaga sa mga dinarayo rito, ang mga nakamamanghang rock formation sa mga isla. Kaya naman sina Susan at Empoy mismo ang dumayo para mag-island tour dito.


Pagkatapos bumaybay sa naggagandahang isla, ang next stop naman nila ay food trip. 

At sa bawat biyahe, bawal umuwi nang walang selfie. Kaya ang Tsinoy photographer at architect na si Ace, inililibot ang mga turista sa iba’t ibang IG-worthy spots para sa kanilang inaasam na turista pose.


So, bakit nga ba paboritong dayuhin ng mga Pinoy ang Hong Kong? Samahan sina Susan at Empoy sa anniversary special na ito ng I Juander ngayong Linggo, 8 PM sa GTV.

 
 

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | June 28, 2025



Photo: Juliana Gomez - IG


Kamakailan ay nagdaos ng panunumpa si Ram Revilla Bautista para sa pagkapanalo bilang vice-governor ng Cavite.


Kasama ni VG Ram ang kanyang mga magulang na sina Senator Bong Revilla, Jr. at Congresswoman Lani Mercado-Revilla.


Nagbahagi sa social media post si Sen. Bong ng larawan at may caption na: “Isang napakalaking karangalan at kasiyahan ang masaksihan ang panunumpa ng aming mahal na anak, Vice-Governor Ram Revilla Bautista! (thumbs up & praying hands emoji).


“Nawa’y patuloy kang maglingkod at makapamuno nang buong-puso, at laging inuuna ang kapakanan ng ating mga kababayan sa minamahal nating Dakilang Lalawigan ng Cavite.


“Kabilang din sa mga nanumpa sa katungkulan ang magsisilbing ama ng lalawigan na si Gov. Abeng Remulla, gayundin ang mga board members ng mga distrito.


“Mabuhay po kayo! (praying hands emoji) Mabuhay ka, VG Ram Revilla! (raised hands in celebration emoji) (Philippine flag emoji) Ipinagmamalaki kayo ng bawat Caviteño at Caviteña!”


Si Congw. Lani naman ay nagbahagi rin ng pagsuporta kay VG Ram sa kanyang Facebook (FB) page post.


Pahayag ni Congw. Lani, “Isa sa pinakamalaking karangalan ng isang ina ang makita ang kanyang anak na manumpa sa katungkulan bilang isang lingkod-bayan.


“To our new Vice-Governor Ram Revilla Bautista, I am confident that you will honor the responsibility and trust given to you by our fellow Caviteños. 


“Continue to serve with all your heart and with all your mind. Congratulations! Proud of you, anak. We will always be here to support you.”

Congrats, Ram Revilla!



Sa social media post ng aktor-pulitiko na si Richard Gomez ay masaya niyang ibinalita na tatlo sa ating mga atleta mula sa Ormoc City ang kuwalipikado para sa Women’s Epee National Team at makakakita ng aksiyon sa darating na Thailand South East Asian Games sa Disyembre. Ito ay sina Alexa, Ivy at Juliana. 


Yes, isa nga sa mga nakakuha ng slot ay ang anak nina Richard at Leyte Rep. Lucy Torres-Gomez na si Juliana Gomez na magre-represent ng ‘Pinas in fencing at the upcoming Southeast Asian (SEA) Games. 


Kaya naman, masaya itong ibinahagi ng aktor sa kanyang Facebook (FB) page post.


Aniya, “Today was a very happy day.


“Three of our athletes from Ormoc City qualified for the Women's Epee National Team and will be seeing action at the coming Thailand SouthEast Asian Games in December. Let’s go team! Alexa, Juliana and Ivy.”


Sabi ng aming kaibigan ay nakuha ni Juliana ang kanyang slot dahil sa sipag at tiyaga sa pag-eensayo at sunud-sunod na malalakas na performance sa mga qualifying tournaments, na nagpapatunay sa kanyang husay at determinasyon sa sport.


Dagdag pa ng friend ni yours truly ay ang pagkahilig ni Juliana sa fencing ay nagtuluy-tuloy at talagang magaling daw ito. Ang kuwalipikasyon nina Juliana, Alexa at Ivy ay nakikita bilang isang pagpapatuloy ng isang legacy—at isang promising step forward para sa Philippine sports.


No wonder na super proud sina Goma at Lucy sa kanilang only daughter na

maganda na, matalino at talented pa.

Pak, ganern!



SI Ricardo Cadavero, o mas kilala bilang ‘Cardong Trumpo’ ay hinirang bilang grand winner ng Pilipinas Got Talent (PGT) Season 7.


Sa nasabing competition, nakakuha si Cardong Trumpo ng 99.5% sa combined tally ng scores ng mga hurado at online votes.


Ito ang naging pahayag ni Cardong Trumpo matapos niyang makatanggap ng P2 million bilang grand prize sa kanyang pagkapanalo sa PGT Season 7, “Pangarap ko lang po ‘yung isang kilong bigas magkasya lang sa 3 beses sa isang araw. Pero sobra-sobra itong ibinigay n’yo sa akin.


“Lord, thank you! At sa inyong lahat, maraming salamat!”

Congrats, TATAY CARDO! God is good all the time. All the time, God is good...

‘Yun lang and I thank you…

 
 
RECOMMENDED
bottom of page